PLAYFUL MARRIED#17

88 6 0
                                    

PLAYFUL MARRIED#17

"What are you doing?" Pabalik niyang tanong sa akin na may seryosong tinig.

Nakunot naman ang noo ko sa tanong niya at tinignan siya. Nakatingin pa rin siya sa kamay ni Ryle na naka-alalay sa akin. Dali-dali ko naman itong tinanggal at tumikhim.

"Thank you." Nahihiya kong pasalamat at binalik ang tingin kay Ross.

"Be careful next time, para ka kaseng bata." Seryoso pa rin na sambit ni Ryle at bumalik na sa upuan niya.

Tumikhim akong muli para mawala ang kaba. Nginitian ko na lang si Ryle, tapos ay si Ross naman ang hinarap. Tumayo ako at nilapitan siya.

"A-ah..." Nauutal ko pang panimula. "Wala kang pasok? What are you doing here?" Magkasunod na tanong ko.

He sighed and his tongue played inside his bottom lip a bit, and then seriously faced me.

"Lunchtime na, sasabayan sana kita." Malamig na tugon niya.

Malungkot naman akong napatango. Galit ba siya?

Tumingin ako sa wrist watch ko para makita ang oras. Lunchtime na nga, hindi ko napansin ang oras.

"Sige, saan mo gustong kumain?" Pormal kong tanong.

"Ikaw ang bahala."

"Ikaw na."

"Tss, Ikaw na ang pumili."

"Ikaw— Okay, ako na nga sabi ko." Sabi ko ng makitang nagsalubong na ang kilay niya- ubos na ang pasensya.

Tumango na lang siya at kinuha ang kamay ko. Napatingin naman ako doon at hindi maiwasang kiligin kasabay ng kaba. Nilingon ko muna si Ryle para makapagpaalam.

"Ryle..." Tawag ko sa kaniya, seryoso niya naman akong nilingon. "Lunchtime na, hindi ka pa ba kakain? Magla-lunch na kami." Alok ko sa kaniya. Naramdaman ko naman ang pagdiin ng hawak ni Ross sa kamay ko, hindi ko na lang pinansin.

"I will go down later to eat lunch, thank you." Sabi niya lang at bumalik na sa kaniyang ginagawa.

Napatango na lang ako at muling hinarap si Ross.

"Let's go?" Sabi ko at tumango naman siya.

"Bakit parang dismayado ka?" Tanong niya pagkalabas namin ng opisina.

Kunot-noo ko naman siyang tinignan.

"Huh? Saan?"

"Tss, doon sa pagtanggi ng kabit mo."

Nanglaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Kabit? Wala akong kabit!" Gulat kong sabi sa kaniya.

Ngumisi naman siya. "Kidding, masyado kang defensive."

Napaisnab naman ako. "Hindi ako defensive, hindi rin ako dismayado." Masungit na sabi ko at binawi ang kamay ko sa kaniya.

Nang mabawi ko iyon ay sabay pa kaming nahinto sa paglalakad. Naglalaban lang kami ng tingin, pero natalo ako sa huli. Inismiran ko na lang siya at naglakad na lang muli.

Nakakasalubong ko ang ilang empleyado at binabati ako, ganoon na lang din ang ginawa ko. Nahinto ako sa paglalakad ng may puwersang pumigil sa akin sa paglalakad.

"Ano na naman?" Pagsusungit ko.

"Binibiro ka lang, masyado ka talagang pikunin." Sabi niya pa at tinawanan ako.

Muli niyang kinuha ang kamay ko at pinagsiklop ito. Napaismid na lang ako at hindi na nagreklamo pa.

We decided na sa cafeteria na lang ng building kumain, para hindi na kami lumayo pa. Siya na rin ang umorder, pipiliin niya raw yung pagkain na mabubusog ako at tataba, para namang tataba agad ako sa isang araw na maraming kakainin.

Playful Married|COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon