Chapter 37

438 21 0
                                    

Y O H A N's      POV


" Tangina!"


Naibato ko nalang sa pader ang cellphone ko ng tawagan ako ng isa sa mga tauhan namin na nagbabantay kina Angel!



" anyare?"


" Nakuha ni Brix sina Angel! At ang daming sugatan sa mga tauhan natin!!"


" knowing jazzy, galit na galit yun satin! Bakit naman kasi tinanong ko pa siya ng ganun? Eh halata namang totoo ang sinasabi niya"


" naniniwala ka kay Jaz mika?!"


" bakit nasigaw ka?! At oo naniniwala ako kay Jazzy! Hindi porke ex mo yung anghel na yun eh kakampihan mo!!"


" hindi ko kinakampihan si angel! Nakasama mo siya ng mahigit isang buwan at alam mong hindi niya magagawa ang sinasabi ni Jaz!"


" ang gago mo jao! Hindi sinungaling si Jazmine!! Mas kilala ko siya kesa sa inyo dahil magkasama na kami simula bata!! Nagsisisi ako kung bakit ko pa siya tinanong ng ganun!"


Napapikit nalang ako sa sigawan ni Jao at Mika,.. naguguluhan na ako sa mga nangyayari..



" bakit hindi niyo alamin ang mga nangyari?! Bakit hindi kayo mag imbestiga?! Simulan niyo nung araw dapat ng kasal nila Yohan!! Kayang kaya niyo naman alamin ang mga nangyari ah!! Ang tatanga niyo!! Mga bobo!!"


Galit na umalis ng bahay si Mika, nagkatinginan nalang kaming magpipinsan..


Napatingin kami kay mama at papa na naglalakad pababa..


" Sino daw ba ang dumukot kay Jaz?"



" si angel daw"


Nag aalinlangan kong sagot kay mama dahil alam kong nakikinig si Jao na agad namang umalma..


" the fvck Yohan?!"


Binigyan ng masamang tingin ni mama si Jao kaya tumahimik ang loko..



" i need her fullname yohan"



" Angel Garcia"


May tinawagan naman agad si mama at ng marinig ko kung sinong kausap niya alam ko na agad ang ipapagawa niya..


" JL.. i need all the information about Angel Garcia, i think this girl is Jao's friend"


Nang ibaba ni mama ang phone niya nagsalita nanaman si Jao para umalma..


" Ma! Hindi kayang gawin ni Angel ang sinasabi ni Jaz.."


" wala akong sinabi na kaya niyang gawin ang kung anong sinasabi ni jaz.. gusto ko lang alamin kung sino siya, and beside ano namang mapapala ni Jaz kung nagsisinungaling siya?"


" that's impossible!"


" lahat ng imposible ay pwedeng maging posible jao, pinalaki kitang hindi basta basta naloloko.. kaya gamitin mo yang utak mo"


Natahimik nalang kami ng iwan kami ni mama at papa sa kusina,


" let's go to angel's house"


Agad naman silang nagsitayo, sakay ng kanya kanya naming kotse pinuntahan namin ang bahay nila angel..


Nang makarating kami dun, mga sugatan na tauhan nalang namin ang naabutan namin.. sobrang gulo ng paligid mahahalata mo agad na may gulong nangyari...


" tangina, mahigit dalawang daan katao ang nagbabantay sa bahay na to,..pero nakuha parin nila ang mag ina"



" masyado ata nating minaliit ang magkapatid na Chua na yun..tsk!"


" ilan silang sumugod dito?"


Narinig kong tanong ni Jao sa isa naming tauhan na iika ikang maglakad dahil sa tamang tinamo niya sa kanang hita..



" nung una sampu lang sila boss, kinuha nila yung isang tauhan ng mga Garcia tapos nung bumalik sila mahigit bente na ata"



" TANGINA!"


Sabay sabay nalang kaming napamura,. Natalo sila ng mahigit bente lang na tao?! Ang alam ko sobrang yaman lang nila Jaz kaya nakasali sila sa underground Organization na kinabibilangan namin,


Hindi ko inakalang ganun sila kalakas, bakit pa ba ako magtataka... masyadong malihim ang pamilya nila, lalo na ang mga Montejo...

.
.
.
.
.
.

Madaling araw na kami nakauwi dahil inasikaso pa namin ang mga sugatan naming tauhan...




Pagkapasok ko ng kotse ko sa loob ng gate nakita ko agad na galit na galit ang itsura ni mama habang nakatayo sa may pinto ng bahay...




" PASOK!! BILIS!"




Pagkalabas na pagkalabas naming anim sa mga sasakyan namin sigaw agad ang bumungad samin..





nagmamadali naman kaming sumunod kay mama sa may sala ng bahay, nagagalit si mama samin pero iba ang galit sa mukha niya ngayon..




Kakaupo palang namin sa sofa ng ihampas ni mama sa mukha namin ni Jao ang dalawang envelope... walang imik naming pinulot yun ni Jao, pag ganitong galit si mama hindi kami pwedeng sumagot




Binasa ko ang laman ng envelope na pinulot ko, information tungkol kay Angel, habang binabasa ko ang nakalagay dito hindi ko mapigilan ang pagkunot ng noo ko.. nalukot ko nalang ang papel na hawak ko ng matapos kong basahin lahat...





" Ngayon mo ipagpilitan sakin Jao na hindi kayang gawin ni Angel ang mga sinasabi ni Jaz.."





" fvck....."




" ngayon magmumura ka nalang diyan? Hindi ko kayo pinalaking tanga.. pero bakit ang tatanga niyo?! alam niyo ba kung gaano kagalit si Jaz sa inyo?! Lalo na sayo Yohan!!"





Nabalot ako ng takot ng marinig ang sinabi ni mama.. nagkamali nanaman ako, bakit kasi hindi ko siya pinakinggan?! Yun naman talaga ang balak kong gawin! Pero bakit nung marinig ko ang sinabi niya na si Angel ang may gawa nun sa kanya hindi ako naniwala?! Tangina! Dahil ba ang bait ni Angel sakin?! Dahil ba si Angel ang nakasama ko nung mga araw na nasasaktan ako dahil nawala siya?!






" Kinausap ko si Jaz tungkol sa batang dinadala niya, sinabi ko na alam na natin na buntis siya...alam mo ba ang sinabi niya sakin yohan?"





" anong sinabi ni jaz ma?"






" hindi daw kailangan ng anak niya ng ama, kaya niya daw buhayin ng mag isa ang anak niya..."





Nanghina ako sa narinig ko.. kailangan kong puntahan si Jaz, tatayo na sana ako ng magsalita nanaman si mama





" galit si Jazmine sa inyo, lalo na sayo Yohan, kaya kung may balak kang puntahan siya manahimik ka nalang,. Hindi ka makakapasok sa bahay nila"





" pero mama--------"





" suffer the consequences of your stupid action Yohan.. this time i can't help you, and beside may kailangan pa akong tapusin na desperadang babae na naglakas loob na balikan ako..."

****************

The Demonic GentlemanWhere stories live. Discover now