Chapter 11

539 25 0
                                    

J A Z M I N E's      POV




Kanina pa nakasunod sakin ang tingin ng halos lahat ng estudyante na nadadaanan ko...




Ganyan nga, magsawa kayo kakasunod ng tingin sakin...kung dati hindi niyo ko matapunan ng tingin, ngayon naman hindi na mahiwalay ang mga mata niyo sakin.. nakakatawa..




Halata sa mga mata ng mga babaeng nandito ang inggit at inis, mamatay sila sa inggit,.. ayaw nila ng plain looking na babae diba? Edi ipapakita ko sa kanila ang tunay na magandang babae, hindi ako naka full make up, foundation at liptint palang ang inilalagay ko sa mukha ko.. pano pa kaya kung naka make up talaga ako? Edi namatay na talaga sila sa inggit..





Ang mga lalaki namanh nakakakita sakin halos tumulo na ang laway nila kakatitig sakin... pag hindi maganda ang babae hindi niyo pinapansin, tapos pag maganda halos sambahin niyo? Tss.. mga walang kwentang lalaki -_-





Ang sarap tirisin ng mga lalaking magagandang babae lang ang hanap -_- paano naman ang mga babaeng hindi nga kagandahan pero mabuti naman?





Sinadya kong pumasok ng lunch time na para marami talagang makakita sakin.. at dahil alam kong nasa canteen na ang taong sadya ko talaga dito..dumeritso na akong canteen...




Pagpasok na pagpasok ko agad akong naglakad papunta sa kinauupuan ni Yohan na katabi yung babaeng may pangalang Cindy ba yun? Ah basta yung girlfriend ni Jao na inagaw niya -_- nakita ko naman si Jao na kasama si Mika sa ibang lamesa.. tsk! Hanggang ngayon hindi parin siya bumabalik sa lamesa nila -_-





Hindi ko pinansin ang bulungan ng mga estudyante sa paligid tungkol sakin.. tinanggal ko lang ang salamin at contact lense ko at nagpagupit lang ako ng buhok hindi na agad ako nakilala -_-





Malapit na ako sa mesa nila Yohan ng harangin ako ni Jao..





" bakit ganyan itsura mo?" -Jao





" umalis ka sa harapan ko Jao, simula sa araw na ito hindi mo na ako pwedeng lapitan..naiintindihan mo?"






Seryosong sabi ko sa kanya na bakas ang pagtataka sa mukha niya..





" ano bang sinasabi mo?" -Jao





" simula ngayon, tigilan mo na ang pambabae mo,..ako ng bahala sa demonyo mong kuya, at please lang wag mo na akong lalapitan ulit, wag mo ng itanong kung bakit,..basta sundin mo nalang ang utos ko"






" the fvck?! " -Jao




Nilagpasan ko nalang ang hindi makapaniwalang si Jao at dumeritso sa mesa nila Yohan..





Tinulak ko paalis sa upuan yung babaeng naka upo sa tabi ni yohan..nang mahulog sa sahig yung babae narinig kong nagsinghapan ang mga kasamang lalaki ni Yohan dito sa lamesa nila... wala naman akong imik na umupo sa upuan na ngayon ay bakante na...




" Siguro naman hindi mo na ako lalaitin sa itsura ko ngayon?"





Natawa ako ng makita ko ang gulat sa mukha ng hudas.. sinuyod pa niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa..





Edi nganga ka ngayon..nilait lait mo naman kasi ako, ayan tuloy gumanda ako -_-





" what the fvck?!" -Yohan





" speechless? Ang ganda ko nuh? "





" tangina ang ganda! San mo naman nakilala yan Yohan?" -Raven





Nginitian ko yung Raven at to?




" Dito ako nag aaral, hindi mo siguro napansin ang suot kong uniform dahil kanina ka pa sa mukha ko lang nakatingin"





" sapul!" -Frank





" first blood.." -Ivo





Hindi ko na pinansin ang dalawang nagsalita..ibinalik ko ang tingin ko sa naka nganga paring si Yohan..






" tsk! Isara mo yang bibig mo, masyado mo namang pinapahalata na gandang ganda ka sakin -_- "




Agad naman umayos ng upo si Yohan at sinamaan ako ng tingin...




" ang sabi ko mag ayos ka, hindi ko sinabing magparetoke ka -_- nagsuot ka pa ng contact lense na blue" -Yohan





Ay putek! Anong retoke pinagsasasabi ng lalaking to?





Sasagot na sana ako sa kanya ng bigla nalang may nagbuhos ng malamig na tubig sakin...napatayo ako sa sobrang gulat..




" Putek na yan!"




Pagtingin ko kung sinong nagbuhos sakin, yung babaeng tinabig ko lang pala paalis sa tabi ni Yohan kanina -_-





" anong problema mo?!"





" ikaw ang problema ko! Basta mo nalang akong tinulak paalis sa tabi ni Yohan!! Sino ka ba sa akala mo?!" -Cindy





" hindi kita tinulak -_- tinabig lang kita, kasalanan ko bang napalakas at nahulog ka sa sahig -_-"




Anlamig ng tubig, may kasamanb yelo pa yung ibinuhos niya sakin -_- kaya pala napatagal ang pagreact niya sa pagtabig ko sa kanya, nag effort pa siyang kumuha ng malamig na tubig para lang ibuhos sakin -_-





" Umalis ka sa tabi ni Yohan, kung ayaw mong kumukulong kape na ang ibuhos ko sayo sa susunod" -Cindy





Yay? Kumukulong kape?





" ang brutal mo naman,..pero bakit ako aalis sa tabi ng boyfriend ko?"





" anong boyfriend? Nag iilusyon ka bang babae ka? Kailan ka pa naging girlfriend ni Yohan?" -Cindy





" kahapon lang.. at masyado akong maganda para mag ilusyon -_-"





Hinatak ko yung coat na suot ni Yohan dahil nilalamig na talaga ako, ang lakas ng aircon dito sa canteen tapos nabuhusan pa ako ng malamig na tubig -_- pag ako nagka sipon... hahawaan ko talaga ang babaeng to





" magpapalit lang ako ng uniform, pagbalik ko dapat naipaliwanag mo na sa babaeng yan kung sino ako.."





Bilin ko kay Yohan na parang asong masunurin na tumango sakin...



***********





The Demonic GentlemanWhere stories live. Discover now