Chapter 16

497 23 0
                                    

J A Z M I N E's      POV




Tsk! Alas sais na kami pinalabas ng last subject namin.. grabe inaantok talaga ako kapag History..




" mauna kana sa parking, ilalagay ko lang sa locker ko yung libro ko" -Mika





Tumango lang ako sa kanya bago naglakad papuntang parking..tsaka ko lang naalala na hindi naibigay ni mika sakin ang susi ng kotse kaya no choice ako kundi maghintay dito sa labas ng kotse...





Nagulat nalang ako ng bigla nalang may nagtakip ng panyo sa ilong ko..naamoy ko naman agad ang nakakahilong amoy na paniguradong sa panyo galing..




Hindi nagtagal ay nawalan ako ng malay..

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Nagising ako ng may magbuhos ng malamig na tubig sakin.. putek na yan, lagi nalang bang malamig ang ibubuhos sakin? aba! Nilalamig rin ako ha!




" nagising ka rin sa wakas"




Dahil naka piring ako at nakatali ang dalawang kamay at paa ko, hindi ko makita ang babaeng siguradong nasa harap ko... hirap din akong gumalaw..





" anong kailangan mo sakin? Bakit ako nandito?"





" Nandito ka dahil kailangan kitang kausapin ng masinsinan batang Chua"





Masinsinang usapan pala gusto niya eh bakit may pakidnap effect pa?





" ano bang kailangan mo sakin? Pera? Tsk! Tawagan mo nalang ang magulang ko, magbibigay agad yun kahit ilang million pa ang hingin mo"





Nagulat naman ako ng biglang tumawa ng malakas yung babaeng kausap ko..tsk! Bakit kasi nakapiring ako?! Wala tuloy akong makita -_-




" hindi ko kailangan ng pera mo,.. ang kailangan ko ay layuan mo si Yohan De Revamonte"




Jusko! Don't tell me isa ang babaeng to sa mga baliw na babaeng nagkakagusto kay Yohan sa school??




" tsk! Gusto ko mang sundin ang hiling mo, hindi ko pwedeng layuan si yohan"




Napa nganga nalang ako ng bigla niya akong sampalin ng sobrang lakas... namanhid yung pisngi ko grabe!




" hindi lang sampal ang aabutin mo sakin kapag hindi ka lumayo kay Yohan"





" agawin mo nalang si Yohan sakin kung gusto mo talaga siya.. yun ay kung maagaw mo"





Napa nganga nanaman ulit ako ng bigyan nanaman niya ako ng sampal sa parehong pisngi na sinampal niya kanina..




Tengene ang init na ng pisngi ko.. feeling ko magpapasa to at mamamaga >_<




Hindi pa siya nakuntento sa pagsampal sakin, pinisil pa niya ng madiin yung mukha ko..




" kung ayaw mong madamay, layuan mo ang mga De Revamonte"




Binabawi ko na yung sinabi ko kanina na may gusto siya kay Yohan..dahil sa tono ng pananalita niya ngayon, para siyang may galit sa mga De Revamonte..




Tumango nalang ako bilang pagsang ayon ng malasahan ko na ang dugo sa bibig ko.. tengene! Ang lakas naman ng babaeng to, parang sakin niya ibinuhos ang kalahati ng galit niya para sa De Revamonte -_-




May pinaamoy nanaman sila sakin para mawalan nanaman ako ng malay...

.
.
.
.
.
.
.

Nasa kwarto ko na ako ng magising ako ulit... nakita ko pa si Mika na nakahiga rin sa tabi ko..



" mika.."




Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sumasakit yung pisngi ko.. takte nasampal pala ako -_- namamaga nga talaga ata ang pisngi ko..




" Jazzy!!!!!" -Mika




Niyakap ako ng mahigpit ni Mika habang umiiyak..




" anyare sayo? Kung maka iyak ka naman diyan.."





" alam mo bang nag alala ako sayo?! Sinong may gawa niyan sa mukha mo?!! Alam mo bang nakita lang kita diyan sa labas ng bahay na nakabulagta at walang malay tapos may pasa kana sa mukha at dumudugo pa ang gilid ng labi mo!..grabe yung kaba ko! "




Hinagod ko nalang ang likod niya dahil umiiyak na talaga siya -_- hindi ko tuloy alam kung maaawa o matatawa ba ako sa kaibigan ko na to -_-




" nag aalala kaya si Yohan sayo! Sinugod ako nun dito kahapon ng sabihin kong nandito kana"



" ha? Anong kahapon? Ilang araw ba akong tulog?!"



" dalawang araw lang naman -_- kahapon hanggang ngayong gabi" -Mika




"LEGIT?!"




" oo legit -_-" -Mika



Grabe..knock out ako ng 2 araw?



Pero hindi yun ang dapat na inaalala ko ngayon..




Sino ang babaeng yun? Kung pagbabasihan ang boses niya siguro magkasing edad lang kami..




Kung hindi lang sana ako nakapiring ng mga oras na yun..edi madali lang sana sakin na malaman kung sino siya...


**************

The Demonic GentlemanWhere stories live. Discover now