Chapter 30

444 16 0
                                    

J A Z M I N E's     POV



* Wedding Day*




Maaga akong nagising dahil sa excitement para sa araw na ito.. naligo agad ako at kumain.. tulog pa si Mika ng umalis ako ng bahay para pumunta sa hotel kung saan ako aayusan for my wedding today..





Nang maipark ko na ang kotse ko sa parking ng hotel, excited akong bumaba ng kotse ko, hindi ko pa naisasara ang pinto ng biglang may nagtakip ng ilong ko...




Pinilit kong manlaban pero sadyang malakas ang taong nasa likod ko.. unti unting nanlabo ang paningin ko hanggang sa nagdilim na ang paligid ko...

.
.
.
.
.
.

Nagising ako na nasa loob ako ng isang kwarto.. luminga linga ako sa paligid pero wala akong makitang bintana.. tumayo ako at lumapit sa pintong nasa tapat ng kama ko, sinubukan kong pihitin ang pinto pero ayaw bumukas




Sunod kong nilapitan ang pangalawang pinto, bumukas ng pihitin ko kaya sinilip ko kung anong nasa loob...




Cr lang pala, tinignan ko kung may bintana na pwede kong daanan.. aware ako na kidnapping ang nangyayari sakin ngayon,.




Napalabas ako ng cr ng marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto.. napatigil ako sa paglakad ng makilala ang taong pumasok..





" gising ka na pala, kumain ka muna.."




Nilapag ni Angel ang tray na dala niya na naglalaman ng maraming pagkain, hindi ako makapaniwala na siya nanaman ang nasa likod ng pagkakadukot sakin..hindi na dapat ako magulat dahil hindi naman ito ang unang beses na pinadukot niya ako -_-





" ano nanamang kailangan mo at pinakidnap ko nanaman ako?





" kung nakinig ka lang sana sakin na itigil ang kasal niyo ni Yohan wala ka sana dito ngayon"




Fvck! Si Yohan!! Siguradong naghintay siya sakin sa simbahan, at sigurado akong inakala na nun na hindi ko siya sinipot sa kasal namin! Tangina!!




" pakawalan mo ako dito Angel, papalagpasin ko itong ginawa mo sakin ngayon basta pakawalan mo lang ako"




Kailangan kong puntahan si Yohan, dahil sigurado akong kung ano ano na ang iniisip ng isang yun ngayon..





" ano ako tanga? Pinadukot kita para hindi mabulilyaso ang plano naming paghihiganti sa mga De Revamonte, hindi para pakawalan ka"




Gumaganti ako pero hindi ako nagpapa kidnap ng tao -_- masyadong cheap




" bakit ang laki ng galit niyo sa pamilya nila Yohan?!"




Napatingin ako sa pinto ng bumukas ulit ito at pumasok ang isang babae na sa tingin ko ay nasa 40's na ang edad pero maganda parin...




" Do you know Lorraine Rivera De Revamonte?"




Tanong sa akin ng babae na mukhang ina ni Angel dahil medyo hawig silang dalawa..




" si tita raine?"




" uh-huh.. ang babaeng yun lang naman ang sumira ng buhay ko at umagaw ng lalaking mahal ko"




Napakunit ako ng noo, sila naman pala ang magka away bakit pati ako nadadamay -_- siraulo lang?!





" kayo naman pala ni tita raine ang mag kaaway, bakit ako ang pinakidnap niyo?! Sino ka ba?!"




Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko, nagsisimula ng uminit ang ulo ko sa mag inang to..




" kung hindi ka sana dumikit kay Yohan De Revamonte, si Angel sana ang girlfriend ng lalaking yun ngayon, kaya naman kailangan mong mawala para magawa namin ang plano namin ng mga anak ko, ang sirain ang pamilya ng mang aagaw na raine na yun, at para makuha ko na rin si Nathan na inagaw niya sakin!!"





Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon.. jusmiyo! Nababaliw na ba ang matandang hukluban na ito?!





Tinignan ko si Angel na kanina pa kami pinapanuod ng nanay niyang baliw..




" kahit anong gawin mo, hinding hindi mo makukuha si Yohan sakin,.. masyadong baliw sakin ang lalaking yun para paglaanan niya ng oras niya ang katulad mong desperada--------"




Napabaling sa kaliwa ang ulo ko ng sampalin ako ng malakas ng matandang hukluban.. napangisi nalang ako kahit na nararamdaman ko ang hapdi sa kanan kong pisngi.,




" may marinig pa akong masamang salita para sa anak ko, tripleng sampal ang ibibigay ko sayo!"




Tangina,.. makaalis lang ako dito, babalikan ko ang mag inang ito at sasampalin ko silang dalawa gamit ang itak




" sampalin mo na ako hanggat may pagkakataon ka pa, dahil kapag siningil kita sinasabi ko sayo kahit matanda ka pa.. sa sementeryo na kayo pupulutin ng anak mong desperada"




Nakatanggap ako ng magkabilaang sampal, isa kay angel at isa sa nanay niyang hibang.. kayang kaya kong gumanti dahil hindi naman nakatali ang kamay ko pero mas pinili ko nalang na tanggapin ang sampal nila... dahil alam kong makakaganti rin ako...





" kanina tinanong mo kug sino ako,.. magpapakilala ako sayo para alam mo kung sino ang sinasagot sagot mo... I am Jeanine Helle Garcia"




ewan ko pero natawa ako bigla,




" akala ko pa naman kilalang tao ka, kaya lang ngayon ko palang narinig ang pangalan mo.. walang kwentang pangalan"





Napapikit nalang ako ng tatlong magkasunod na sampal nanaman ang ibigay sakin ng matandang hukluban na ito.. tangina niyo, bilang ko ang sampal na binigay niyo sakin.. siguraduhin niyo lang na masusulit niyo ang pagsampal sakin dahil hinding hindi ko to palalampasin..


*************




The Demonic GentlemanWhere stories live. Discover now