Chapter 14

517 30 2
                                    

Y O H A N's      POV

Kakarating ko lang ng bahay galing sa mall.. grabe ang ngawit ng mga binti ko kakaikot sa loob ng mall -_- kaya hindi ko trip mag mall kapag babae ang kasama -_- hindi ata sila napapagod sa paglalakad -_-


" san ka galing? " -mama

Masama nanaman ang tingin ni mama sakin -_- kahit malalaki na kami may curfew parin kami -_-


" may sinamahan akong magandang babae sa mall.."

" nahilig kana rin ba sa babae?" -tatay

" tay naman, sa aming tatlo si Jao lang naman ang mahilig sa babae -_-"


" paanong hindi mahihilig sa babae e lagi mong inaagawan -_-" -mama


" alam niyo naman kung bakit ko ginagawa yun sa kanya.."


" kami alam namin, e yung kapatid mo? Walang kaalam alam -_-" -Mama


" hayaan niyo na siya..malaki na kami"


" uuwi na dito si summer at winter sa birthday nila" -tatay


" tsk! Paniguradong hindi na matatahimik ang bahay nato pag nandito na ang dalawang yun -_-"


" uuwi yung kambal?" -Rylle

Kakapasok lang ni rylle sa sala, may dala nanamang libro -_-

" dito na daw mag aaral ang dalawang yun, mukhang nagsawa na sa states." -tatay


" namiss ko rin ang kamalditahan ng dalawang yun -_-" -Rylle


" ikaw lang"


Grabe kung magmaldita ang dalawang yun -_- kawawa kaming mga lalaki -_- mas matatanda kami pero pakiramdam namin talo kami ng dalawang babae naming kapatid -_-


Pero kahit naman maldita ang dalawang yun sweet parin sila saming lahat.. sa pagmamaldita lang talaga nila ipinapakita na mahal nila kami -_-


Kay mama lang naman takot ang dalawang yun, kahit kaming tatlong triplets takot din kay mama...kay tatay lang hindi dahil masyado kasi kaming spoiled pagdating kay tatay..


" nasan si Jao?"

" hindi pa nga umuuwi ang isang yun -_- hindi ko pa nakikita dito sa bahay simula kaninang umaga.." -Rylle


" tawagan niyo ang kapatid niyo, sabihin niyo na kapag wala pa siya dito sa bahay after 30 minutes paduduguin ko talaga ang nguso niya." -mama

Agad naman naming kinuha ni rylle ang mga cellphone namin, tinatawagan si Jao.. lima lima kasi ang cellphone ng kumag na yun -_- ang dami kasing babae -_-

Tumigil na ako sa pag dial kay Jao ng makausap na siya ni Rylle..

" kumain ka naba Yohan?" -mama


" tapos na po"

" sino naman ba yang babaeng sinamahan mo sa mall?" -tatay

" yung kababata kong maldita -_- na maldita parin hanggang ngayon -_-"

" in good terms naba kayo ni Jazmine ngayon? " -tatay

" hindi pa po -_- kung maldita siya dati mas maldita siya ngayon.."

" hanggang ngayon natatawa parin ako kapag naaalala ko yung ginawa sayo ni Jazmine nung mga bata pa kayong dalawa.. grabe yung iyak mo nun nung pinahabol ka niya sa malaking aso nila.." -mama

Halata namang tuwang tuwa si mama, dahil tumatawa siya habang nagsasalita -_- limang taon ata ako nun ng magpunta ako sa bahay nila..pag pasok ko nagulat nalang ako ng habulin ako ng aso nilang malaki..at dahil maliit pa ako nahabol ako ng aso nila nun..buti nalang at dinambahan lang ako.. pero dahil sa ginawa niya nagka trauma na ako sa aso -_-

Pero ang hinding hindi ko makakalimutan ay ang piklat na nasa gilid ng noo ko.. hindi lang siya agad makikita dahil natatakpan ng buhok ko...

Siya ang may gawa ng piklat na to sa noo ko, nagduduyan ako nun sa playground ng bigla niya akong itulak paalis sa duyan,. Tumilapon ako nun.. kailangan pa akong isugod sa hospital nun dahil sa kailangang tahiin ang gilid ng noo ko na sobrang lalim ng sugat dahil sa bato tumama ang ulo ko..

Pero kahit ganun, hindi ko parin mapigilan na magkagusto sa malditang babae na yun.. kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit siya nagpapanggap na mahirap -_- e mas mayaman pa nga siya samin -_-

Alam ko naman talaga una palang na siya si Jazmine, kahit nung bago pa siya magpagupit ng buhok.. parang gusto ko ngang pagsisihan na pinilit ko siyang mag ayos -_- dahil dun ang dami ng lalaking tumitingin sa babaeng yun -_-

Pinagsisihan ko rin ng sobra yung ginawa ko sa braso niya..at ang pagbabantang sinabi ko sa kanya..nadala lang naman ako ng galit at selos dahil ang bait niya kay Jao tapos sakin ang maldita at ang sama niya -_- namimili ata ang babaeng yun -_-


Pero hindi ko rin mapigilang isipin kung ano nanaman kayang balak ng malditang yun sakin ngayon? Ang alam ko hindi na niya kami naaalala dahil sa aksidenteng nangyari dalawang taon na ang nakalipas..

At hindi naman talaga kami magkasamang lumaki..dahil bumalik din kami ng Pilipinas pagtapos mangyari yung pagtulak niya sakin sa duyan -_- kaya naiintindihan ko rin kung hindi na niya talaga ako maalala...


Pero kahit wala siyang maalala tungkol sakin., masama parin ang pakikitungo niya sakin -_- bakit kasi ang init ng dugo sakin ng babaeng yun?! Ok lang naman sana sakin kaya lang hindi talaga patas..


Mahal ko siya tapos siya kinasusuklaman ako?!

************












The Demonic GentlemanWhere stories live. Discover now