Chapter 23

472 18 0
                                    

J A Z M I N E's     POV




Hanggang sa makauwi ako sa bahay na tinitirhan namin ni Mika ay hindi ko parin pinapansin si kuya brix -_- pagtapos niya akong paniwalain na patay na ang hudas na si Yohan at grabeng luha pa ang sinayang ko -_- asa naman siyang papansinin ko agad siya -_-




Bakit naman kasi iniyakan ko ang lalaking yun?! Tsk! Dapat matuwa pa nga ako eh -_- may sira na ata ang mata ko -_- may sakit narin ata ako sa puso -_-




" huy! Grabe magtampo? Ayaw mamansin?"



Sinamaan ko ng tingin si Mika..isa pa tong kaibigan ko na to -_-




" ga-baldeng luha kaya ang nasayang sakin -_- sana sinabi mo manlang na pinag tripan lang ako ni kuya"




Ang bruha nakuha pang tumawa -_-




" sasabihin ko naman kaya lang nagulat ako kasi umiiyak kana.. pero teka nga, may gusto ka na ba kay Yohan?"




" anong tanong yan Mika? Syempre wala"




" hala sige deny mo lang all you want.. "




Hindi nalang ako sumagot, hindi rin naman siya magpapatalo sakin..




Dalawang linggo akong nanatili sa hospital.. at sa dalawang linggo na yun hindi parin namin malaman kung sino ang nanggulo nung birthday ko..




At sa dalawang linggo na yun gabi gabi nalang laman ng panaginip ko si Yohan.. pero sa panaginip na yun mga bata pa kami.. parang pinapaalala sakin ng panaginip na yun yung mga pinagsamahan namin nung mga bata pa kami... hindi ko nga alam kong pinagsamahan ba talaga ang tawag dun dahil puro kami away..




Actually ako lang pala yung laging nang aaway -_- hindi ko alam kung maaawa ba ako sa batang si yohan na nasa panaginip ko tuwing tinutulak,sinasabunutan, tinatarayan, at binabato ng kung ano anong bagay ng batang ako sa panaginip ko..




Hindi ko maalala na ganun ako kamaldita nung bata -_- mabait naman ako ngayon, well..medyo lang pala



Pagdating ng lunes pumasok na ako ng school, halos tatlong linggo rin akong hindi nakapasok...at kung gaano ako katagal na hindi pumasok ay ganon din katagal na hindi ko nakita si Yohan,




Halos tatlong linggo din na walang paramdam ang taong yun -_- hindi ko alam kung nasan siya, ang alam ko lang buhay na buhay siya sabi ni papa..



Tama sa balikat at binti lang naman ang natamo niya kumpara sakin.. pero ang sabi ni Mika hindi parin daw pumapasok si Yohan simula ng madischarge siya sa hospital...



Lalabas na sana ako ng kotse ni Mika ng mahagip ng mata ko ang pagdaan ni yohan sa harap ng kotse ni Mika..



May kasama siyang babae at ang hudas ang ganda ng ngiti habang nakikipag usap sa babaeng kasama niya.. ansarap paputukin ng labi ng hudas -_- tignan lang natin kung maka ngiti pa siya ng ganyan ka ganda -_-




" si Yohan yun ah, sino yung kasama niya? Transferee?"




" ewan ko.. kita mong dalawa tayong nandito sa loob ng kotse mo, bakit ako ang tinatanong mo?"




" ay ang sungit,. Selos ka?"



Imbes na patulan pa ang pang aasar ni mika ay bumaba nalang ako ng kotse niya at tuloy tuloy na naglakad,.. hindi ako lumingon ng malagpasan ko ang nagtatawanan na si Yohan at ang babaeng kasama niya -_- pake ko sa inyo




Hanggang mag lunch, magkasama parin sila nung babae -_- napaangat naman ako ng tingin kay Jao na padabog na inilapag ang tray na pinaglalagyan ng pagkain niya..




" anong ginagawa mo dito sa lamesa namin? "



Hindi maipinta ang mukha ni Jao habang padabog din na umupo sa upuang nasa tabi ko... ano nanaman kayang problema ng isang to?




" dito muna ako, baka magsuntukan lang kami ni Yohan pag dun ako kumain sa lamesa namin"



" ano nanamang bang problema mo?"




" wala akong problema pero yung g*gong si Yohan baka meron"



" nag away nanaman kayo?"



Para silang mga bata -_- away bati.. yung rylle lang ata ang medyo matino sa kanilang tatlo -_-





" nakikita mo yang katabi niyang babae?"





Tinuro ni Jao yung babaeng katabi ni Yohan ngayon..





" tss.. nakikita ko -_- ano namang meron sa babaeng yan?"





" si Angel yan"




Sarap din batukan nitong si Jao eh -_- hindi ko naman tinanong kung anong pangalan nung babae -_- pakialam ko ba sa kanya





" ex girlfriend ko ang babaeng kasama niyang kumain ngayon"





" ex mo na p-------- the fvck?!"




Nalaglagan ako ng panga sa sinabi ni Jao.. lintik na Yohan De Revamonte!!!




" tsk! Kumain nalang tayo"




Hindi ako matatahimik dito sa kinauupuan ko hanggat hindi ko nakakausap ang hudas na Yohan na yun...




Tumayo ako sa kinauupuan ko..





" huy! San ka pupunta?"




Dahan dahan kong kinalas ang kamay ni Mika na nakahawak sa braso ko..





" may kakausapin lang ako sandali"




Humanda ka sakin Yohan!! Tignan natin kung maka ngiti ka pa sa gagawin ko sayong lintik kang malandi ka!!!!


**************

The Demonic GentlemanWhere stories live. Discover now