Chapter 46

478 19 5
                                    

B R I X's      POV



* 7 Months Later*



Nandito ako ngayon sa hospital, nasa loob na ng delivery room si jazmine, manganganak na siya ngayon..



Grabe yung taranta ko ng makitang dumudugo yung hita ni Jaz, at mas lalo lang ako nataranta ng sabihin niyang manganganak na siya..




Nang makarating kami dito tinawagan ko agad si Mika na pumunta dito sa hospital dahil manganganak na si Jazmine..



Nung magtatatlong buwan ng buntis si Jaz umuwi ako ng Pilipinas para sabihin kay Yohan ang pagbubuntis ni Jaz, gusto agad puntahan ni Yohan si Jaz dito sa chicago pero pinigilan ko siya..



Pinaliwanag ko na masilan masyado ang pagbubuntis ni jaz, kaya naman napilitan siyang dalawin si Jaz sa bahay ng hindi nalalaman ng kapatid ko..



Tuwing tulog si Jaz pinapapasok ko si Yohan sa bahay, at aalis kapag nagising na si jazmine.. si Yohan ang lahat bumibili ng mga pagkain na gustong kainin ni Jazmine, siya rin ang umuuwi ng Pilipinas kapag nandun ang mga gustong kainin ng kapatid ko, siya rin ang nagluluto ng pagkain ni Jaz at buti nalang nagugustuhan ng kapatid ko ang luto ng lokong yun..




Si Yohan ang lahat gumagawa ng lahat at nag aasikaso ng pagkain at kailangan ni Jaz, nalulungkot lang ako dahil buong akala ng kapatid ko ako ang gumagawa nun para sa kanya...




Naalala ko pa nung pag uwi ko ng Pilipinas nasa hospital si Nathan nun dahil nag away daw sila ni Jao.. kakagising niya lang nun ng sabihin ko sa kanya na buntis si Jaz, at ang loko kahit hindi pa magaling nagpa discharge agad at nagpunta dito sa chicago




Nagka problema pa kami dahil bumuka yung tahi niya sa dibdib bago pa makalapag ang pribadong eroplano na sinasakyan namin..buti nalang at sumama si Mika samin nun, may alam sa paggamot ng sugat ang babaeng yun,




Kaya imbes na makita ni Yohan si Jaz ng araw na yun, isa sa hospital dito sa chicago kami nauwi -_- pina confine namin si Yohan..




" tangina!!"



Hindi ko napigilang hindi magmura ng hawakan ako sa kwelyo ni Yohan,




" nasan si Jaz?!"




" bitaw nga! Nasa loob malang!"




Tanginang lalaki to! Bakit ako ang pinagdiskitahan?!




" ok lang ba si jazzy???"




Isa pa itong si Mika -_- mukha bang alam ko kung anong nangyayari kay Jazmine dun sa loob? Kitang nandito ako sa labas.. kung hindi ko lang mahal ang babaeng to..tsk!





" ewan ko"




Sabay sabay kaming napatayong tatlo ng lumabas yung doctor galing dun sa delivery room...




Sh!t bakit ba pati ako nanginginig sa kaba? Nanganak lang naman si jazmine! -_-





" Ok lang ba si Jazmine?!"




Lumapit agad ako kay Yohan na hawak hawak na sa kwelyo yung doctor na mukhang nagpaanak kaya jaz, tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa kwelyo ng doctor..




Ako nalang ang nahihiya para sa kanya, iba rin mataranta ang isang to, hindi nakakapag isip ng matino -_-




"Bitawan mo nga yung doctor Yohan!"




" ahm..doc how's my friend? Is she already ok?"




Si Mika nalang ang nagtanong sa doctor dahil hawak ko si Yohan,




" tangina mo Yohan, umayos ka nga!"





" who's the patient's husband?"




Agad namang kumawala sa hawak ko si Yohan at pumunta sa harap ng doctor




" im the husband.. how's my wife?!"





" the baby is fine, it's a baby girl----"





" and my wife?"




" we perform C section because she loss her consciousness while doing the normal delivery,..she loss too much blood and there is uncontrolled ìnfection happened that cause of her death... im sorry for your loss"




Hanggang sa makaalis yung doctor nakatulala parin kaming tatlo dito sa tapat ng delivery room.. walang makagalaw sa amin, pinoproseso pa ng utak ko ang narinig ko galing sa doctor ng biglag magwala si Yohan,




Pinagsisisipa niya yung upuan at sinusuntok niya ng walang tigil yung pader.. ng makita kong dumudugo na yung kamay niya inawat ko na siya pero sinuntok lang niya ako..




" ANO BA YOHAN?! HINDI LANG IKAW ANG NAWALAN! KAMI RIN!! TUMIGIL KA NA!!"




Umiiyak na napaupo nalang si Yohan sa sahig, ganun din ako at si Mika,




Tangina!

The Demonic GentlemanWhere stories live. Discover now