Chapter 3

677 24 0
                                    

J A Z M I N E's POV




Kakarating lang namin ni Mika sa school na pinapasukan niya na syempre school na papasukan ko na rin...




Malawak din naman dito, wala naman akong inaasahan na magiging kaibigan ko sa school na ito., hindi ako mahilig makipag kaibigan.hindi ko trip..




Sana lang wag akong masangkot sa kahit na anong gulo dito..dahil paniguradong pababalikin ako ni kuya sa chicago -_-




Pagpasok namin sa classroom namin, marami ng estudyante na nadun, naghanap kami ni Mika ng mauupuan namin, buti naman at meron pang bakante sa may bandang likod...





Hindi rin nagtagal dumating na yung prof namin para sa first subject namin..ang akala ko magpapa introduce yourself siya saming lahat kaya lang mali ako -_-





" The new student over there, come here in front and introduce yourself"




Tinignan ako nung prof..mukha ako lang pala ang magpapakilala ngayon -_-




" magkakakilala na kami dito lahat" -Mika




Pabulong na sabi sakin ni Mika bago ako tumayo at naglakad papuntang harapan para magpakilala -_-




" Hi, Im Jazmine Shane Chua"




Maiksing pagpapakilala ko, babalik na sana ako sa upuan ko ng biglang may nagtaas ng kamay...mukhang may itatanong -_-





" wala sa itsura mo na mayaman ka, so pano mo na afford ang tuition sa school na to? "




Tanong nung babaeng mukhang payaso sa perya sa sobrang pula ng blush on niya -_-





" Hindi rin tumatanggap ng scholar ang school na ito"





Dagdag naman nung babaeng parang Christmas tree ang buhok sa dami ng ipit na nakalagay sa buhok niya -_- ang chaka niyang tignan..





" pwede ko naman pong hindi sagutin ang tanong nila diba?"




Tanong ko sa prof namin na nakatayo sa gilid ko...tumango naman agad siya..




" bakit hindi mo sagutin ang tanong ko? Bakit? Sugar daddy mo ba ang nagbabayad ng tuition mo?"




Tinignan ko ng masama yung babaeng nagsabi nun -_- masyadong judgemental ang isang to -_-




" hindi porke simpleng tshirt at pantalon lang ang suot ko ay hindi ko na afford na pumasok sa ganitong kamahal na paaralan... wala akong sugar daddy, papa meron,"




Matabang na paliwanag ko sa mga makikitid ang utak na kaklase ko..




Naglakad na ako pabalik sa upuan ko..





" ito na nga bang sinasabi ko eh..bakit naman kasi tshirt at pantalon lang ang isinuot mo? Ang dami dami mong signature clothes sa closet mo -_- tsaka bakit kasi nagsalamin kapa sa mata? Kelan pa lumabo ang mata mo?tsaka diba naka contact lense ka naman?" -Mika





" trip ko lang magsalamin.."




" tanggalin mo nga yan, jazzy kung gusto mong makapag aral ng tahimik dito dapat kang makisabay sa mga tao dito, dahil kung magiging ganyan ka kasimple dito paniguradong pag iinitan ka ng mga feeling reynang mga kaklase natin.." -Mika





" tsk! Ano bang masama sa suot ko? Mas kumportable ako sa ganito -_- at tsaka hinintay ko lang naman ang uniform na inorder ko -_-"





" ah basta! Bukas ako na ang pipili ng damit na susuotin mo" -Mika




" bahala ka.."




Hindi naman siguro masama kung susundin ko ang payo ng isang to -_-




Nagpaalam muna ako sa prof namin na pupunta muna akong restroom..




Tahimik sa buong hallway habang naglalakad ako, pababa na sana ako ng hagdan ng mapatigil ako bigla...tengeneng yan!




Kailangan sa hagdan talaga maghalikan?! Ano bang nangyayari sa mga kabataan ngayon? Bakit parang naa-adapt na nila ang pagiging liberated ng ibang bansa? -_-




Napailing nalang ako bago tumuloy sa pagbaba ng hagdan..nalagpasan ko na sana sila kaya lang may humawak sa braso ko..
Pagtingin ko kung sino ang humawak sakin napamura nalang ako -_-




" tengeneng yan! Ikaw nanaman?!"




Malakas kong binawi ang braso ko sa pagkakahawak ng lalaking De Revamonte.. sa dinami dami ng paaralan dito sa Pilipinas bakit dito pa nag aaral ang isang to?




" anong ako nanaman?"




Tanong sakin ng hudas -_-




" wala..bakit ka ba nanghahawak ng braso? Hindi naman kita kilala -_-"




" ah oo nga pala, pwede ko bang hiramin muna yung susi ng utility room?"





" ha?"




Bakit sakin niya hinihingi yung susi ng utility room?




" wala ka bang susi?"





" wala -_-"




Simpleng sagot ko..tsaka bakit naman ako magkakaroon ng susi ng utility room? -_-





" tsk! Utility staff ka diba? Bakit wala kang susi?!! Bilisan mo at kumuha ka dun sa management office at ihatid mo agad dito sakin -_-"




Napatanga naman ako sa sinabi ng hudas na ito -_- mukha ba akong janitor o nagtatrabaho dito?!




" ano pang tinatanga mo diyan? Kumilos kana bilis!"




Tengeneng yan! Bahala siya sa buhay niya -_- ...tinalikuran ko sila ng kasama niyang babae at naglakad palayo -_- kahit mamuti na mga mata nila kakahintay sakin alaws ako paki -_- pagkamalan ba naman akong utility staff -_- walanjo!



************

The Demonic GentlemanWhere stories live. Discover now