Chapter 47

499 18 12
                                    

M I K A's     POV

Simula ng araw na sabihin samin ng doctor na wala na si Jazmine nagkagulo gulo na ang lahat... hindi makausap ng maayos si Brix, si Yohan naaksidente ng mismong araw na nanganak si Jaz at isang buwan ng nasa state of coma, hindi namin alam kung kailan magigising si Yohan..




Kami nila tita raine ang nag aalaga sa anak nila ni Jazmine dahil galit si Brix at ang magulang ni Jaz sa bata, sinisisi nila ang walang muwang na bata sa pagkamatay ni Jazmine...



Ngayon nga buhat buhat ko ang isang buwang anak nila.. hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko sa tuwing nakikita ko ang asul na mga mata ng anak nila.. namana ng anak nila ang asul na mata ni Jaz, kaya naman naaalala ko lagi si jazmine sa tuwing idinidilat ng bata ang kanyang mga mata...



Nang matigil na sa pag iyak si baby Shane nilapag ko na siya sa crib niya.. salitan kami nila tita sa pag aalaga sa kanya,



Kinuha namin ang pangalan ng baby sa second name ni Jaz.. isang buwan na ang lumipas ng mawala si Jaz pero mararamdaman at makikita mo parin na nagluluksa ang mga tao sa paligid namin lalo na at hindi parin gumigising si Yohan..



Hindi ko lubos maisip na ganitong klaseng trahedya ang kakaharapin namin, pero wala naman kaming ibang pwedeng gawin kundi ang harapin ang trahedyang ito at lagpasan..

.
.
.
.
.
.
.

* Makalipas ang walong Taon*

Y O H A N's     POV

" hello daddy, it's my 7th birthday today.. and yet you're still sleeping in this bed, kailan ka po ba gigising? Hindi ko na nga kasama si mommy pati ba naman ikaw?"


Pinilit kong idilat ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ng isang batang babae..



Bumungad sakin ang isang batang babae na nakatayo sa gilid ko, naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko kaya naman  pinilit kong igalaw ang mga daliri ko para malaman niya na gising ako...



" hala! Daddy gumalaw yung fingers mo----- waaaaa Tita Mommy!!! Tita mommy!!! Daddy is awake!!"



Tumakbo yung bata palabas at pagbalik niya kasama niya si Mama at papa na halatang nag aalala ang mga mukha..



Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa,.. gusto kong itanong kung gaano ako katagal nandito sa hospital..



Nalipat ang tingin ko sa doctor na pumasok at nag inspect sakin..meron pa siyang pinagawa sakin katulad ng kumurap ako, hindi ako alam kung anong meron at bakit hirap na hirap akong igalaw ang mga kamay ko at hindi ko magawang makapag salita...



Nang matapos na akong iexamine nung doctor sumama sila mama at papa sa paglabas ng doctor,.. naiwan dito sa loob yung batang babae na ngayon ko lang nakita..



" Daddy why can't you speak po? Sayang, i have so many questions pa naman po, Sabi kasi ni Tita Mommy you're the one who can answer my questions"



Kinunot ko yung noo ko.. bakit daddy ang tawag niya sakin? Sino yung tita mommy na tinutukoy niya?



" Hala! Bakit po kumunot yung forehead niyo?...ah i know na po! Hindi niyo pa nga po pala ako kilala, My name is Shane De Revamonte im 7 years old, and it's my birthday today daddy!!"



Tumatalon talon pa siya habang nagsasalita pero ang ipinagtataka ko bakit De Revamonte ang binanggit niyang apelyido???


Gusto kong magtanong pero hindi ko magawang magsalita... nang dumako ang tingin ko sa kulay asul na mata ng bata bigla kong naalala ang lahat ng nangyari at dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa hospital..



Jazmine....



" yay! Bakit ka umiiyak daddy? Did i hurt you? May masakit po ba sa inyo?? Bakit kasi hindi kayo makapagsalita? Akala ko ba magaling yung doctors here in states?"



Wala akong maintindihan sa mga sinabi ng batang nasa tabi ko dahil iniisip ko kung ano ng nangyari kay Jazmine... imposibleng patay na siya., hindi siya pwedeng mamatay..



At ang anak namin, gusto kong makita ang anak namin,

****************

The Demonic GentlemanWhere stories live. Discover now