Special Chapter

767 25 5
                                    

A/N: naisip ko lang lagyan ng special chap❤ enjoy Reading🥰😘




Y O H A N's     POV




" dad? Baka naman gusto mong mag asawa..you know magpakasal at bigyan ako ng second mommy..baka lang naman"




Napabuntong hininga nalang ako ng iyan ang bungad sakin ng anak ko, pinatawag ko siya dito sa study room para kausapin tungkol sa kalokohang ginawa niya pero hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan kung bakit pinipilit ng anak ko na to na mag asawa na ako..




" Napag usapan na natin yan shane diba?"





" i know naman daddy, yes we love mommy Jaz.. but hindi ka ba nalulungkot? Ayaw mo bang may kasama na mag aalaga sakin at sayo? You're not getting younger dad.. im sure maiintindihan ni mommy kung makakahanap ka ng iba,.and hindi naman porke magmamahal ka ulit ay kakalimutan na natin si mama Jaz.."





" i know.. gusto ko rin naman na may makasama sa pagtanda pero anak hindi napipilit ang puso na magmahal kasi kailangan mo, kusang nararamdaman ang pagmamahal, at hindi ko na ata kayang magmahal ng iba bukod sa mommy mo kaya tigilan mo na yang kakapilit sakin na mag asawa ulit,. At isa pa matanda na ako para dun at masaya ako kahit tayong dalawa lang"





" Yay! Age doesn't matter daddy,"





Pinaningkitan ko ng mata ang anak ko ng maalala ko kung bakit ko siya pinatawag dito sa study room ng bahay namin..




" muntik ko ng makalimutan.. tumawag sakin ang dean sa school mo, ano nanaman itong nakarating sakin na may nakaaway ka dahil lang sa isang lalaki?"




Mahinahon kong tanong sa anak ko na hindi ko magawang basta basta nalang sigawan..




" Yay! Hindi ko naman alam na may girlfriend pala yun, kaya nakipag flirt ak-----"




" SHANE DE REVAMONTE!!"



Napahilot nalang ako sa sentido ko dahil sa mga naririnig ko sa anak ko.. binabawi ko na ang sinasabi ko noon na kaugali siya ni Jazmine., dahil habang lumalaki si Shane hindi ko na alam kung kanino sya nagmana..




" hindi ko na alam ang gagawin ko sayo shane.."




" love you daddy!!"




Hinalikan lang ako ng anak ko sa pisngi bago tumakbo palabas ng study room.. hindi ko alam kung saan ako nagkamali sa pagpapalaki sa kanya at nagkaganyan siya..




Hindi ko alam kung bakit ganun nalang niya paglaruan ang mga kaklase niyang lalaki sa school nila.. may balita nalang na nakakarating sakin na may dalawang lalaking nagsuntukan dahil pinag aagawan ang anak ko,




Jaz, tulungan mo naman ako sa anak natin, ginawa ko naman lahat pero bakit ang sakit niya sa ulo??




Napatingin ako sa pinto ng makita kong pumasok si Mika kasama si Brix




" mukhang stress tayo ngayon, hulaan ko si Shane nanaman ba ang dahilan?"




Tumatawang tanong ni Mika na parang nang aasar..




" hindi ko na alam ang gagawin ko sa anak ko, hindi ko naman siya kayang pagalitan ng sobra..nag iisang anak ko yun at mahal na mahal ko"




" tsk! Hindi naman masama kung pagsasabihan mo yung anak mo Yohan, maiintindihan naman ni shane yung sasabihin mo"




" lagi ko siyang pinagsasabihan, pero wala parin.. ayuko namang higpitan siya dahil baka magrebelde"




" hayaan mo na yung pamangkin ko na yun, alam na nun ang ginagawa niya"




Sabay naming sinamaan ng tingin ni mika si brix na tumatawang nagsalin lang ng alak sa braso.




" kunsintidor!"




" oh bakit? Sa ganda ng pamangkin ko hindi na ako magtataka kung pag agawan siya ng mga lalaki... alam ni shane ang limit niya"




" bata pa ang anak ko Brix.. at ayukong dumating ang araw na umiiyak siyang lalapit sakin dahil nasaktan siya ng kung sinong lalaki lang diyan!"




" dadating ang araw na magmamahal at masasaktan ang anak mo Yohan, kaya ang dapat mong gawin ay ihanda ang sarili mo"




" tangina..mapapatay ko ang lalaking mananakit sa anak ko"




Hindi ko kakayaning makitang umiiyak ang anak ko..


****❤❤❤❤******

The Demonic GentlemanWhere stories live. Discover now