Chapter 38

446 15 1
                                    

J A Z M I N E's      POV




Dapat bukas ko pa balak puntahan ang dalawang bihag namin sa basement kaya lang bored ako kaya heto ako ngayon naglalakad papuntang basement ng bahay kung saan nilagay ni Kuya si Angel at ang ina niya...





Nang makarating sa basement namin agad na nagliwanag at nakita ko agad yung dalawa na nakagapos habang naka upo sa sofa..





" ang bait naman ng kuya, sa sofa talaga kayo pinaupo? Hindi dapat ganyan"





Lumapit ako sa kanilang dalawa at tinulak sila paalis sa sofa, napangisi nalang ako ng makitang nasaktan silang dalawa sa paglagapak nila sa sahig namin...





" Walanghiya ka Jazmine!!"





Hindi ko pinansin ang sinabi ni Angel, lumapit ako sa may drawer na nandito sa basement ng bahay namin, kinuha ko ang brass knuckle ko, matagal ko na rin na hindi ginagamit to...




Sinuot ko siya sa kamay ko bago ako lumapit sa mag ina..




" ilang beses niyo nga akong sinampal?.. apat?..lima?.. anim.. tsk! Hindi ko na mabilang, ok lang, sasampalin ko nalang din kayo ng marami"





Binigyan ko sila ng tig isang sampal gamit ang kamay ko na may brass knuckle, napangisi nalang ako ng makitang dumugo agad ang gilid ng mga labi nila..





" pantayin natin ang maga ng pisngi niyo bukas"




Lumuhod ako sa harap nila para magpantay ang mga mukha namin.. hinawakan ko ng madiin ang mga mukha nila...





" magsisimula palang ako, papatayin ko kayo ng unti unti.. buhay niyong dalawa ang kabayaran sa buhay na kinuha niyo kay James"





" bagay lang sa traydor na yun ang mamatay!"




Hindi ko napigilan ang iuntog ang ulo ng matandang hukluban sa sahig dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko..




" anong klase kang ina?! Bakit mo nagawa kay James yun?! Ha?!"





Idinidiin ko ng sobrang ang mukha niya sa sahig dahil sa panggigigil na nararamdaman ko...




" Tama na Jaz! Nasasaktan na ang mama ko!!"




Binigyan ko ng isang suntok sa mukha si Angel.. at binitawan ko ang ulo ng matandang hukluban bago ako tumayo at tinignan silang dalawa




" magdusa kayo ng walanghiya mong ina sa mga kamay ko.."





" demonyo ka!!"




Nginisihan ko lang ang sinabi ni Angel,. Sino ba kasing nagsabing anghel ako? Kung alam lang ng babaeng to kung gaano ako kademonyo dati...





" ngayon alam mo na kung gaano kademonyo ang babaeng pinili niyong makalaban? Wag kang mag alala ipapakita at ipaparanas ko sayo araw araw kung gaano ako kademonyo... hanggang sa humihinga ka sisiguraduhin kong puro paghihirap ang daranasin niyong mag ina hanggang sa kayo na mismo ang magmakaawa sakin na tapusin ko na ang mga buhay niyo"




Tinalikuran ko na sila, lalabas na sana ako ng basement ng bumukas ang pinto at pumasok si kuya na kasama ang dalawang katulong namin na may dalang tray na punong puno ng pagkain...




" papakainin mo sila?"




" they need to eat jaz, hindi sila tatagal kung hindi mo sila papakainin"




" you have a point.."




Nilapag ng dalawang katulong ang tray ng pagkain sa harap nung dalawa.. tangina ang swerte, ang sarap ng pagkain nila, samantalang nung ako ang nasa kalagayan nila walang matinong pagkain na hinahatid... sumarap lang yung kinakain ko nung si James na ang naghahatid ng pagkain ko...





Nang sumagi nanaman si James sa isip ko bigla nalang pumatak ang mga luha ko, tumalikod naman ako sa kanila at pinunasan ang luha ko..




" pano kami kakain kung nakatali ang kamay namin?!"




Nang marinig ko ang mataray na boses ni Angel, humarap ako sa kanilang mag ina kahit na may luha pang tumutulo sa mga mata ko... lumapit ako at umupo sa harap nila..




Tinaob ko yung dalawang tray na nakalapag sa harapan nila kaya nasa sahig na yung mga pagkain.. hindi pa ako nakuntento binuhos ko din yung tubig nila sa sahig..




" ANONG GINAWA MO?!"




Inabot ko sa dalawang katulong yung tray, binabalewala ang sigaw ni Angel sa akin, yung nanay niya tahimik lang habang umiiyak sa tabi niya.. nasaktan siguro sa pagngudngod ko sa mukha niya sa sahig kanina...




" bibig ang ginagamit sa pagkain, kainin mo yang pagkain gamit lang ang bibig mo.."





Bago ako lumabas tinignan ko muna sila kuya at yung dalawang katulong na hindi makapaniwala sa ginawa ko..




" malaman ko lang na tinulungan niyo silang kumain, humanda kayo sakin"




Tuluyan na akong umalis ng basement at nagpuntang kusina para magtimpla ng gatas ko...



*************

The Demonic GentlemanWhere stories live. Discover now