Chapter 24

36 2 0
                                        

Maaga akung nagising kanina dahil gutom na gutom na ako. Hindi ako naka kain kagabie at gatas lang ang ininom ko. Wala akung ganang kumain, mabuti nalang at kumain ako ng lunch kasabay si, C.

Tapos na akung mag luto ng lumabas si Mama at Bunso, sa kani kanilang kwarto. Ngumiti lang si Mama, habang kunot noo naman si bunso. Ang aga aga, naka konot ang noo nya.

"Umupo na kayo Ma, bunso. Kakain na" saka umupo si Mama, pero hindi si bunso.

"Ang aga mo naman atang gumising, Ate kambal? Diba may lagnat ka?" saka nya hinawakan ang noo ko."Ang init mo parin"

"Okay lang ako, bunso. Kaya pa naman ng katawan ko"

"Pagkatapos mung kumain anak, uminom ka ng gamot. Hindi na sana kita pinalabas ng bahay kahapon, hindi ko alam na may lagnat ka" saka kami umupo ni bunso.

"Ma, may trabaho ako. Hindi pwedeng hindi ako pumasok, hindi rin ako papayag na mag mokmok ako dito. Wala akung gagawin"

Tok tok tok

"Ako na mag bubukas" sambit ni bunso.

Hindi muna kami kumain at hinintay syang bumalik. Nag usap lang kami ni Mama, kung san ako kahapon ng tawagin ako ni bunso.

"Ate, someones here for you" saka sya pumasok sa kwarto ko at kinuha ang camera.

Umupo sya upoan nya kaya tumayo ako at binuksan ang pinto. May nakatalikod na lalaki sa labas at nang humarap sya, ngumiti sya sakin habang may hawak na bulaklak at isang plastic.

"Good morning Babe" sambit nya habang hawak hawak ang isang bulaklak. Hindi ako nagsalita at niyakap sya habang umiiyak. Hes back, hes back. My man came back. I miss this man so much.

"Ang pangit mung umiyak ate" hindi ko sya pinansin habang nakayakap parin ako kay, Ryan.

"I miss you babe" mahina nyang sabi.

"Akala ko ba nag usap na tayo na hindi ka pa uuwi ngayon?" saka ako kumalas sa yakap.

"Wala na akung trabaho, tinapos ko na. I cant wait another day without you" saka nya binigay ang hawak na bulaklak.

"Thank you, hindi ka na sana nag abala pa" saka niya itinaas ang hawak na plastic.

"Chocolates from the other country" kaya tumingin ako kay bunso.

"Samin nalang yan ni Mama, kuya. Hindi mahilig si Ate, sa matatamis" kaya binigay na nya ang plastic kay bunso, na masayang pumasok."Ma, may dala si kuya"

"Thank you"saka ko ulit sya niyakap.

"Mag ta- thank you ka nalang ba buong araw sakin at hindj man lang ako papapasukin" kaya kumalas ako sa pagyakap sa kanya at ngumiti.

"Pwede na rin" natatawang sambit ko ng guluhin nya ang buhok ko."Pasok ka at kumain ka na rin. Nagluto ako"

--------------

"Bye, kambal" saka ako nag wave sa kanya paalis ng may lumapit sa kanyang babae.

"Babe, We have 2 days bago pumunta sa mansion. Ria and Mom, call me many times" kaya napatingin ako sa kanya.

"And what you said to them?" tanong ko.

"Syempre, pupunta tayo pero gaya ng sinabi kunh condition" hindi nya parin pala nalilimutan ang bagay na yun.

"Fine, but i dont have clothes-

"We can buy in the mall or you can go with Ria, sister in law bonding" sister in law bonding? Not that bad, gusto ko rin syang makasama.

Pretending Turn To Official (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon