f o u r

69 19 4
                                    

04

Pagod pa ako galing sa trabaho pero tutuloy pa rin ako sa usapan namin ni Marco dahil ayaw ko ng patagalin pa ito. Hindi sa pagiging bitter pero ayaw ko muna sa ngayon na magkaroon pa ng connection sa kaniya.

Sobrang sakit na nang naranasan ko sa kaniya,  ayoko ng masaktan pa. Akala ko nagbago iyun pala wala, He didn't change at tila ba panandalian lang yung paghinto niya sa pag dulot ng sakit, kaya akala ko wala na. I was right that Kathryn Menil is his ex at nagkabalikan pala kaya pumunta sa bahay nila Marco. Ang tanga mo Viviene!

Siguro tatapusin ko na lang itong buwan at mag re-resign narin ako sa trabaho. total nakapag ipon na ako, ang gusto ko kasi ay iyung ako ng ang magpapa-aral sa sarili ko. Yung business naman nila mama at papa ay  nakabawi narin naman mula sa pagkawala ng malaking halaga noon. Dahil lang sa isang mag-asawa na pumasok bilang empleyado para makapag nakaw ng malaki.

Sobrang laki nang nawala kaya naghirap kami at tumagal pa nang dalawang taon bago namin ito napatayo ulit at nagpapasalamat ako dahil hindi lang bumalik ang dating kita ng business nila mama at papa dahil nagkaroon pa ng ibang branch sa Davao.

I have texted Marco na andito na ako sa napag usapan. Makaraan ang ilang minuto ay dumating na siya at akma sanang siyang hahalik sa pisngi ko pero umilag lang ako at nauna nang pumasok sa coffee shop. Nakita ko pang nagtiim bagang siya at sumunod na sakin.

"Speak now Marco." nahihimigan roon ang lamig sa boses ko hindi ko iyon sadya kusa na itong lumabas sa bibig ko.

"Vivien, love.. I'm sorry kung napagod ako no'ng mga oras nayun kaya ko nagawa at nasabi iyon sayo, I'm sorry.."His head was just facing the floor while talking to me and later on he looked at me.

"Oh, cut the crap Marco. Noong napagod ba ako tinapos ko ba ang kung anong meron satin? ha? Marco?  napagod rin naman ako pero bumangon ako dahil nandiyan ang pamilya ko na nandiyan ka.." alam kong nahihimigan na roon na iiyak na ako.

"I'm sorry, I was a jerk I'm sorry.." he brokely said to me.

"Yes, You're a jerk Marco matagal na" pait kong saad sa kaniya.

"Ilang beses mo na ba akong sinaktan Marco? noong una you cheated on me! pangalawa yung pagpapahiya at pagtatanggi mo sakin sa mismong pamilya't kaibigan mo na hindi ako yung girlfriend mo at ngayon Marco napagod ka lang nakipaghiwalay ka na? Paano pa kaya kung papatawarin kita ngayon at babalik ako sayo!? hindi ba? Hindi mo man lang naisip yung sakit na binigay mo Marco!" ramdam ko ang init ng aking luha ng sabihin ko iyon. Alam kong maling ibalik ang dati at ipamukha sa kaniya lahat iyon pero hindi ko na kayang maging tanga dahil sa pagmamahal ko sa kaniya.

"I'm deeply sorry Viene I'm here to win you back, I'm here to--" pinutol ko siya. Wala akong panahon sa mga rason niya. I've had enough. I can't settle myself into a relationship full of lies. I can't stand being with him anymore.

"There's no such thing as 'to win me back' Marco dahil andito ako para personal na tapusin yung tinapos mo lang sa isang minsahe." nangingilid ulit yung luha ko pero kalaunan naudlot lamang ito dahil sa pagpipigil. Why am I crying? It's because I have loved him so much.

"W-what do you mean?" Nauutal na saad niya. I can see fear and confused in his eyes right now but I ignored it and continue.

"I'm here to officially end this Marco.. I'm officially letting you go now. I'm breaking up with you."

"N-no please.." umiling na lamang ako at nagpaalam sa kaniya na mauuna na ako.

Pagkarating na pagkarating sa bahay naligo at natulog na ako dahil sa pagod.

Meet With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon