KABANATA 8

51 15 0
                                    

Kabanata 8

"Uh, Bakit mo pala naitanong?" tanong ko sa kanya.

"Just wanna know if those friends of yours is trustworthy." ani niya

"They are! I've been with them since I came here and besides JD and Eris is there." kibit balikat kung sabi.

"Okay.." he sighed.

Wow laki ng problema ah?

We change our topic about his work and then to my studies. He's a business man now. Kung saan saan na napunta yung usapan namin hanggang sa matapos kami sa dinner namin.

Habang nasa sasakyan kami para ihatid ako pauwi hindi ko maiwas-iwasan yung mga iniisip ko ngayon. Parang tubig dagat na hindi kailanman mapipigilan. Kaya hindi ko na napigilan ang bibig ko ng tanongin ko siya.

"Matthew? Wala bang magagalit sa ginagawa mo? Sa pagsusundo sakin?" tanong ko, Ayoko maging paulit-ulit pero hindi talaga mawala-wala sa isip ko yung tanong eh.

"Huh?" tanong niya.

"A-ah wala naisip ko lang na baka may nagalit sa paghahatid sundo mo sakin.." humina yung boses ko ng sabihing yung mga linyang iyon.

"Sino naman?" tanong niya.

"Uh.. Girlfriend mo or Fiancé ganun."
hindi niya ako sinagot he remained silent while clinching his jaw.

Hindi narin siya umimik hanggang sa makarating kami sa harapan ng building.

Kaya ba siya hindi sumagot ay meron talagang magagalit? Siguro nga.. I don't know but I feel something. Something like the same way I was hurt before. Nasasaktan ako pero hindi ko ma pinpoint kung bakit dahil kaibigan lang ako yun ang totoo.

Nakahiga na ako sa kama ko pero hindi parin ako dinadalaw ng antok parang tubig dagat yung mga iniisip ko hindi matapos-tapos at hindi nauubos dahil paulit-ulit na nage-echoe yung salitang galing sakin kung may girlfriend nga ba siya or worst fiancé. Nasasaktan ako eh gusto ko siya eh!

Oo, Inaamin ko mag nararamdaman ako sa kanya. I won't deny it alam kung meron but I wont tell him. ayokong masaktan uli kaya hahayaan ko itong nararamdaman ko.

Baka nga bukas wala na ito dahil wala man siyang sagot sa tanong ko. Simple lang namang sagutin iyon kung wala talaga pero kung meron man, Anong problema sa pag sabi ng totoo?.

Dumaan ang Tatlong araw at bukas na yung lakad namin papuntang hacienda. Ganun parin hinahatid at sundo ako ni Matthew alam kung iniiwasan niya yung topic namin nung Lunes. Papunta na ako sa classroom ko ng mahagip ng paningin ko si Prince nasa isang bench. Magcu-cut ba ito ng klase? Nako lagot sakin at sa girlfriend niya to.

"Prince anong trip mo eh malapit na oras ng pasok oh?" tanong ko sakanya ng makalapit ako.

"Oh Viene ikaw pala!" Hilaw ang ngiti niya. Panigurado nag-away nanaman sila ni Kelly.

"Away na naman kayo?" tanong ko.
Tumango lamang siya.

"Sus, Magbabati rin naman kayo mamaya eh.. tara na may pasok ka pa ayaw mo naman siguro na magalit lalo si Kelly pag di ka pumasok sa klase diba?" pananakot ko sakanya. Mahal na mahal niya si Kelly eh ayaw niyang biguin kaya pag malungkot yan nasa pamilya at Kelly lang problema niyan.

Napatayo siya at mabilis na isinukbit ang bag niya at umakbay na sakin tyaka naglakad. Buti nalang talaga di selosa si Kelly kung hindi patay ako. Alam kasi ni Kelly na lahat ng barkada ko kapatid ang turing ko sakanila ganun rin naman si Prince kaya no problem.

"Baliw ka na nga kay Kelly Prince" natatawang kong sabi.

"Oo naman, siya lang yung nagpabaliw sakin ng ganito eh" ayan na naman si lover boy.

"Ang korni mo! Pero I'm happy for you Prince!" Sabi ko sakanya ng nakangiti.

"Maghanap ka na kasi ng mamahalin mo Viene, Lika na ihahatid nalang kita sa room mo." sabi niya.

"Hindi madaling maghanap ng mamahalin Prince, Tsaka yang Love kusa naman yang darating eh hindi hinahanap."

"Nako ikaw Viene parang nakaranas ka na ah.. Kung makapagsalita to" Naalala ko tuloy si Matthew. Hindi rin nila alam na May ex-boyfriend ako.

"Nandiyan naman si Lance ah" dagdag pa niya. Alam kasi niyang may gusto si Lance sakin pero hindi ko naman masusuklian yun dahil kapatid lang turing ko. Tsaka pwede namang si Mel. May gusto yun kay Lance eh.

"Prince naman ayan ka na naman eh!"

"Oo na, Sorry na, Kay Mel nayun basta pag may nagustuhan ka na pakilala mo agad sakin ah. Nang makilatis ko kung karapat dapat ba para sa Viene namin." ani niya

"Oo na po. Parang ikaw yung pinsan at papa ko eh" Kaya nagtawanan kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa Classroom ko.

"Sige na Prince mali-late ka na kita nalang tayo mamaya bye!" nagpaalam narin siya kaya pumasok narin ako. Wala akong naintindihan sa klase dahil lumilipad lang ang isip ko hanggang sa tumunog na ang bell.

Dismissal na at dumiritso muna kami sa tambayan ng may babae kaming nakita papunta rito. Parang galit o ano?

Meet With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon