s e v e n

55 17 4
                                    

Courtesy to the movie: The 100. must watch. I Highly suggested this sci-fi movie series.

7

Maaga akong nagising dahil feeling ko ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Sumaglit ako sa banyo para mag toothbrush at ang una kong napansin ay ang tamis ng ngiti na nakapaskil sa mukha ko kaya mas lalo pa akong napangiti. Para na akong baliw sa kakangiti kaya tuluyan akong natawa sa sarili ko. Kahit sa pagluluto at pagkain ay nasisiyahan at nakangiti parin.

Tumunog ang cellphone ko ng tingnan ko ito. Unknown number ang nakalagay kaya binasa ko nalang baka importante.

Unknown Number:
Good morning vien susunduin kita later, 2pm -Matthew

I know it's Matthew De Le Zaide kaya nagreply ako. How did he get my number by the way? As far as I remember I never gave him my number?

To unknown number:
Okay, see you later.

Pagkatapos ay in-add ko na ang number niya nang matapos nagch-check muna ako ng mga e-mails ko tsaka accounts baka mayroon importante, so far puro minor notifs lang naman ang na recieve ko.

Few minutes later tumunog ulit ito akala ko noong una si Matthew iyon pero kay Lance pala galing, umiinom ako ng tubig ng basahin ko iyon and I almost spit out what I am drinking!

From Lance:
So, are you free later?

What the? Nakalimutan ko nagtanong pala siya kahapon kung free ba ako ngayong saturday! jusme um-oo na ako kay Matthew kaya I replied to Lance that 'I'm busy, sorry' sabi niya ay okay lang raw kaya naka hinga na ako. I feel guilty because nauna siyang mag tanong sa akin kahapon and I have known him since before tapos dahil kay Matthew napa-oo ako agad tsaka kakakilala ko palang kay Matthew?!

Natanong ko rin sa isip ko kung bakit ba ito ginagawa ni Matthew. Nahihiya rin akong magtanong baka kung anong isipin niya baka nga friendly lang talaga siya.

Wala akong ibang ginawa kun'di ang manood ng paborito kong Sci-fi movie series na 'The 100'.

I really like Clarke's character here, I salute Clarke for protecting Finn even if she'll get the hate from Raven. She killed Finn for good, in exchange for that Finn won't die in the hands of those grounders that seeks for revenge. Because they believe that 'Blood must have blood.' Dahil napatay ni Finn ang mga kasamahan nito sa pag-aakalang nasa mga kamay nito si Clarke ng mawala ito.

She loves Finn kahit na naglihim itong may girlfriend na pala ito and it is Raven. Kahit na ganon pinili niyang sa kanyang kamay mawalay si Finn kesa hayaan itong inounti-unting patayin ng ibang tao.

What If i'll be in her shoes? Gagawin ko rin ba ang sakripisyong ginawa niya kahit na halos patayin na siya ng kosensya niya? Maybe, gagawin ko rin pero sa ibang sitwasyon at sa ibang paraan.

Natapos akong manood ng ilang episodes at napagpasyahan kong umidlip muna total alas dos pa naman ng hapon yung usapan na susunduin ako ni Matthew.

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko nakatulog pala ako ng dalawang oras. Mag aalas dose na ng tanghali at di pa pala ako kumakain kaya gutom na tuloy ako. Nagluto lang ako ng fried egg tsaka hotdog with rice. Ewan ko ba, kahit pa ganito ang kinakain ko parate hindi ako tumataba kahit pa walang exercise and I don't do exercise. Mas mabuti na yung kumakain kesa yung gutomin ko yung sarili ko sa kakadiet. I don't get fat anyway.

Inaliw ko na yung sarili ko sa kakapanood ng tv dahil nababagalan ako sa oras! Wala akong makitang magandang palabas pero hinayaan ko nalang at nanood pamatay oras. nung nag-alauna na naligo na ako. Tumagal pa nga ng kaunti, matapos iyon I blow dried my hair and let my long straight hair down. Nagsout ako ng dress na hapit sa katawan ko. I got conscious baka mataba ako tingnan ni Matthew.

Say what?

Kailan pa ako naging conscious sa katawan ko? eh hindi nga ako tumataba.

Tumunog yung cellphone ko kaya agaran ko itong tiningnan.

From Matthew:
I'm already here, You done?

Ghad! binalewala ko na yung consciousness na nararamdaman ko at bumaba na. Ayokong maghintay siya doon ng matagal. Nang makarating ako pansin ko ang effort na binibigay ng mga taong nakakakita sa kanya dahil tinititigan talaga.

Sabagay kilala ang pamilya nila kaya para silang artistang parating sinusubaybayan ang buhay ng ibang taong nakakakilala sa kanila.

He's treating me like i'm a fragile thing that easily get broken pag di ako iningatan. Sa paraan ng pag-aasist niya sakin papasok ng kotse niya lalo ng hawakan niya akon sa bewang.

I got stunned by his actions and please don't be like this baka masanay ako pero syempre hindi ko iyon sinabi

Natapos ang araw na iyon sa isang ngiti na iginawad sakin ni Matthew. He even said na parati niya raw akong ihahatid sundo kaya huwag na raw akong magdala ng sasakyan. Natatawa pa nga akong nagsabi sa kanya na masisira ang kotse ko pag di ko magagamit kaya sabi niya may mga oras daw na baka raw hindi niya ako masusundo dahil sa trabaho niya kaya magagamit ko parin iyon.

Nang sabihin niya iyon hindi ko alam pero may something akong nararamdaman but like always hindi ko na ito pinansin.

Magtatanong sana ako sakanya kung bakit niya ito ginagawa, kung bakit gusto niyang ihatid at sundo ako, kung bakit naglalaan siya ng maraming oras makasama lang ako. Wala bang magagalit? o Ano?.

Pero ang nasa isip ko lang nang mga oras na yun ay masaya akong kasama siya. I don't feel like he still a stranger kahit pa isang beses ko pa siyang nakilala noong pumunta ako sa Isla kung saan naroon ang pamilya niya.

Lunes at wala kaming ginagawa dahil pina dismiss na kami ng maaga. Kaya nagpaplano kami ulit ngayon para sa pagpunta namin sa di kalakihan naming hacienda sa Mindanao. Hindi gaanong kilala ang lugar na iyon. Sinabihan ko sila na walang signal masyado roon.

"Okay lang, iba naman ang ipinunta natin roon eh, Hindi naman tayo pumunta roon para sa social Media life natin no!" Sabi ni Mel.
She's Melisa Orcine.

"Oo nga! kaya lets get ready! sa friday alis natin diba?" pagsang-ayon ni Hazel tsaka nagtanong.

"Yup! We have three days and two nights!" excited talaga kami sa plano naming iyon. JD and Eris are just smiling. They are twins, mga pinsan ko. Lance and Prince are just listening and smiling at us at kaming pito ang pupunta roon.

My phone ranged and I immediately took it out from my pocket, it is a call from mama.

"Hello, Ma bakit po?"

"Mangangamusta lang sana kami ng papa mo. We missed you already!" Himig ko ang naiiyak niyang boses. She's really so emotional.

"Asus! Ma I miss you more.." saad ko

Meet With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon