KABANATA 10

53 15 0
                                    

Kabanata 10

Mamaya na yung alis namin I want to be happy dahil makakapag-enjoy ulit ako hindi nga lang sa dagat pero sa isang sapa. Hindi ko magawa-gawang sumaya dahil sa nangyari kahapon ayaw mawala sa isipan ko.

Nasa eskwelahan ako kung saan kasama ko sila Melisa. Break time namin kaya nasa tambayan uli kami they are all excited dahil mamayang alas dos ng hapon na ang alis namin nasabi ko narin sa kanila na hindi kami natuloy sa meet up ng makakasama namin papuntang Magwawa.

"That's okay, atleast sabay-sabay natin silang makikilala!" excited na saad ni Hazel.

"Oo nga! Mas okay rin na marami tayo mas masaya!" nagtawanan sila sa eksaheradang saad ni Mel

Matapos ang mga klase namin diritso na kami sa mga bahay namin para kunin yung mga gamit. Napagpasyahan namin na sa Airport nalang kami magkikita-kita sabi rin kasi sa text ni mama maghihintay nalang daw yung mga kasama nila sa Airport doon sa Mindanao dahil nauna na raw ito ng isang oras na flight bago sa oras ng flight naming magkakaibigan.

Wala akong ibang ginawa sa eroplano kung 'di ay matulog lang. Nang mag land na ang sinasakyan namin ay tahimik lang akong bumaba and I texted that someone na makakasama namin. I got he's or her number from mama yesterday.

Ako: Hey. It's me nandito na kami sa port. We'll be heading to the Van near the entrance please go there and we'll wait for you.

Nagreply naman ito at sabi papunta narin siya. Siguro nakilala niya rin yung text nayun dahil wala naman siguro silang ibang hinhintay diba.

"Couz? Kilala ba natin yung makakasabay natin?" tanong ni Eris

"I don't know Eris maybe, besides I don't even know their names dahil hindi sinabi ni mama sakin" sagot ko sakanya nagkibit balikat lamang si JD.

"I think they are already here Viene" sabi ni Lance

Hindi ko muna ito nilingon dahil inaayos ko pa ang mga gamit ko sila Eris at JD naman ang nag entertain muna sa kanila.

"Oh my! Hi my name is Hazel" rinig kung pagpapakilala niya.

"Prince here!"
"Melisa, You can call me Mel"
"And I am Lance"

"Hello! I'm Casandra, Still remember me JD? Eris? I'm Cassy yung kababata niyo remember?" Ani noong babaeng nagpakilala.

Cassy? siya yung kababata namin na nakikita lang namin pag pupunta kami sa Magwawa tuwing Pasko or Summer.

"Matthew Henson De Le Zaide, Nice to meet you" napahinto ako sa ginagawa ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

I'm not hallucinating or what right? tama naman yung narinig ko diba? Kaya napalingon ako sa gawi nila.
This can't be! siya nga nakatingin rito sa gawi ko.

Seriously staring and clenching his jaw.

"Oh! Is that Viene?!" si Cassy na papunta ngayon sa gawi ko at niyakap ako.

Kahit na nakayap na sakin si Cassy hindi parin mawala yung tingin ko kay Matthew.

Ano to? harap-harapang pananakit? Ano sila? Mag kasintahan? kung ganun nga pano si Kathryn? Oh gosh! hindi pa nga ako nakakamove on sa pagkakaalam na sila ni Kathryn eh meron na naman? What the hell? Ang sakit na.

I got my eyes teary. Tila gusto ng kumawala ng aking mga luha kaya umiwas ako ng tingin at binaling nalang ang tingin kay Cassy. She's happy I can see those in her eyes, is it because she's with her boyfriend?

"Viene! I miss you! Oh my gosh I have so many things to tell you!" masayang sabi niya. ngumiti lamang ako

"I missed you too, lets go? para maaga-aga pa makarating na tayo?" sabay baling ko sa mga kaibigan ko.

Nahagip ko yung mga tingin ni Matthew pero yumuko na ako agad at pumasok sa van tsaka umupo na pumwesto ako sa may bintana nito at tumabi si Prince sakin pangdalawahan kasi yung upuan na narito sa likod ng driver seat.

"Tabi tayo Viene ah tsaka matutulog rin ako pasandal ah, ikaw rin sandal ka sakin habang kinikwento yung nangyari kahapon" sabi niya

Akala ko nakalimutan na nila yung nangyari kahapon pero knowing Prince ayaw niyang pinapalampas ang ganong pangyayari lalo na sakin he's very protective and caring binilin kasi ako sakanya ni papa at mama tsaka parang kuya ko narin siya. Sabi pa nga niya noon sana tunay niya nalang daw akong kapatid namimiss niya narin kasi nakababata niyang kapatid na babae na pumanaw na dahil sa car accident.

Naikwento ko na sakanya ng tahimik nainis pa nga siya eh pero kalaunan natulog na lamang siya. kaya matutulog narin ako kahit pa ang ingay nila Hazel sa likod.

Naalala ko na naman si Matthew kahit pa nandito lang siya kasama namin. Ang sakit lang hindi ko napansin na umasa na pala ako sa mga ginagawa ni Matthew kahit pa ang mga sinasabi niya. What the hell!? Inihilig ko nalang yung ulo ko sa bintana ng van habang unti-unti ng naguunahan yung mga luha kong kanina pa gustong kumawala.

What did I do to feel this pain? I only like him. why do I feel like I'm the most unfortunate person in here na kahit ang taong gusto ko hirap akong magustuhan.

I heave a sigh at pinalis ang mga luhang nasa pisngi at natulog na lamang.

Nagising nalang ako sa ingay nila.

"Ang sweet talaga ng dalawang ito, sige na tumayo na kayo diyan andito na tayo." ani ni Mel.

Napalingon-lingon ako nakita ko nalang ang hinahanap ko na kakalabas lang sa van. Akala ko panaginip lang na narito siya kasama namin.

Gabi na pala ng makarating kami hindi ko nakita yung mga tanawin na madadaanan namin pababa rito sa sitio. Sumunod narin akong bumababa at diritso sa loob ng bahay si Mang Ricardo naman tinulungan kami sa mga dala namin.

"Nay Lina!" sabi ko sabay takbo kay Nanay Lina siya yung nag-aalaga ng bahay nila lolo at lola rito pag wala kami.

"Naku ang laki mo na Yen halika nga" sabay yakap ng mahigpit ni Nanay Lina tawag niya sakin ay Yen para daw madali.

"Namiss po kita Nay" sabi ko siya namay ay ngumiti naman siya. Bumitiw na ako sa yakap at isa-isang pinakilala ang mga kaibigan ko maliban kay JD at Eris.

"Nay sila po yung mga kaibigan ko Si Hazel, si Melisa, Lance, Prince at natatandaan niyo po ba si Cassandra nay? a-at si M-Matthew po" kinabahan ako dun ah. Tumango naman si nanay sila naman ay nagmano tsaka bumati.

"O siya sige hali na kayo at kumain para makapagpahinga kayo kaagad"

"Yes!" sabay na sabi nila Hazel at Mel. naku itong dalawa talaga ang hilig kumain mas mahilig sila kumain eh.

Nagtawanan nalang at pumunta na sa Dining table. Hindi kalakihan ang bahay na ito. Sa ikalawang palapag may limang guest rooms at tatlong kwarto. Kay lolo at lola kila mama at saka saakin.

Matapos ang hapunan ay nagpasya na silang magpahinga dahil maaga pa bukas dahil ito-tour ko pa sila rito.
Ako naman ay dumiritso sa kwarto ko at kinuha ang gitara ko tyaka lumabas sa may sapa.

Ang sapa kasi ay di kalayuan sa Bahay sabi ko pa kay papa at lolo noon na sana may kubo at duyan rito samay sapa para mapagtambayan ko ng sumunod naman na araw nagising nalang akong meron ng kubo at duyan kaya simula noon parate na akong nagpupupunta at nag gigitara roon.

Ngayon narito muli ako at ngayon magigitara na naman ako para mailabas yung sakit na nararamdaman ko nakapikit ako habang kumakanta ramdam ko rin yung mga luhang muli na namang naguunahan.

Napasinghap nalamang ako ng may pumahid nun at niyakap ako galing sa likod. Who could this be.

"Why are you crying?"

Meet With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon