KABANATA 25

17 3 0
                                    

Malapit na tayong matapos! Ilang kabanata nalang! Love lots>>

Kabanata 25

"Viviene.. Viviene Gaelle Ventura.. akalain mo buhay ka pa pala? May sadi pusa ka ba kaya hindi ka mamatay-matay?" Narinig ko ang boses na napaka pamilyar sa kabilang linya.
Parang kabayong nag-uunahan ang puso ko sa galit na nadarama para sa kaniya.

"Happy now? You got their trusts! They believed in you more than I am!" Nanggagalaiti kong sigaw sa kabilang linya ngunit humalakhak lamang siya na parang bruha sa gitna nang gubat.

"So much my dear.. Kung hindi ka nalang sana na buhay edi sana hindi ka nasasaktan ngayon hindi ba?" Kalmado niyang sabi

"My comeback is not for me to cry dahil lang sa pagdaramdam na Trinaydor ako. No, 'coz it is for you to feel ashamed and threatened.. you bitch!" Tyaka ko siya binabaan ayoko ng makipagtalakan pa sa baliw na iyon ang dapat kung gawin ay kung paano ako makakakuha ng hustisya.

"Ma, she's with my friends.. kinuha niya ang tiwala ng mga kaibigan ko at ngayon hindi na ako nila ako pinaniniwalaan kahit pa sina JD at Eris.." I told mama over the phone wala sila ngayon dahil sinusundo ang mga kapatid ko

"What? Iyong mamamatay tao na iyon? At pati mga pinsan mo hindi ka man lang pinaniwalaan? Anong klaseng pinsan sila?!" Sigaw ni mama mula sa kabilang linya

"Ma.. Anong gagawin ko walang naniniwala sa akin ngayon.. paano ko makukuha iyong hustisyang hinihingi ko kung walang naniniwala sakin?" Umiiyak na ako rito parang wala na talagang bukas

"Anong pinagsadabi mo? Andito kaming pamilya mo nandito ang Boyfriend mo huwag kang mag-isip ng ganyan" sabi ni mama sa kabilang linya ngunit natigil lang ang hikbi ko sa sinabi niyang Boyfriend ko.. alam na ba nila? Paano?

"Ma? Paano mo nalaman?"tanong ko

"Ang alin?" Alam kong alam niya ang ibig kong sabihin kaya bakit niya pa itinatanong sakin

"Na.. may b-boyfriend ako?" Nag aalinlangan kong tanong

"Mamaya na natin iyan pag-uusapan pag uwi namin total papauwi na kami" iyan lang ang sagot ni mama at kinakabahan na ako dahil bago ako mawala Boyfriend ko na si Matthew at ni minsan hindi ko man lang sinabi sa kanila ang tungkol sa pagbo-boyfriend ko.

Ilang minuto pa ay narinig ko na ang tunog ng papahintong sasakyan kaya labis na kaba ang naramdaman ko hindi ko alam kung saan ako magsisimula kung sakaling itatanong nila saakin kung bakit hindi ko man lang sinabi sa kanila na may kasintahan ako at nalaman pa tuloy nila kay Matthew kesa sa akin na anak nila..

"Ma.. Pa.."tyaka ako humalik sa pisngi nila. Nanlalamig na nga ata ako eh

"May Boyfriend ka na pala bakit hindi mo sinabi?"malumanay na tanong ni mama na ikinakalma ng sistema sa loob ko

"K-kasi ma natatakot ako eh hindi pa ako handa sabihin kaagad kasi noong una ang dami kong doubts kung mag w-work ba iyong relationship namin kasi puro duda rin ako ma kasing ang daming nagsisilabasan na nalilink sa kaniya kaya kung hindi mag work ako lang ang makaka-alam at ako lang rin ang masasaktan.." nakayuko kong saad kinakabahan ako pero mas nangibabaw yung guilt ko at iyong takot ko sa mga sinabi ko paano kung hindi mag work hindi ba?

"Hindi anak.. dapat sinasabi mo sa amin sakali mang hindi naging kayo sa huli ni Matthew noon andito naman kami para damayan ka. Para saan pa at magulang mo kami kung hahayaan ka lang namin na sarilihin ang sakit na nadarama mo." Sabi ni papa.

Anong ginawa ko sa past life ko at ganito ka understanding iyong mga magulang ko..

"Simula ngayon mama, papa sasabihin ko lahat ng pwede kong sabihin" and I chuckled before hugging them both

"Ateeeee" my sister running towards me while tears running on her cheeks. And Harry just behind her hugged me too.

Natapos ang paguusap na iyon ng mga palahaw na iyak ng bunso namin dahil sa mga epic pictures na kinuha ni Harry habang umiiyak siya kanina dahil raw ay ipopost niya sa social media.

Umakyat na ako sa kwarto ko at padarag na inihiga yung katawan sa kama. Naalala ko na naman ang pangyayari sa eskwelahan. Inaamin kung nasaktan ako ng sobra pero hindi mawala wala sa akin yung takot na malaya si Kathlyn hindi ko alam ang nasa utak niya. She's a psycho and I'm scared because what if she might kill me again..

I sighed because of my thoughts that creeping me out. She's a damn psycho, she's obsessed with Matthew and I don't know what to do.

Meet With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon