Kabanata 6

16 1 0
                                    

"Sorry talaga, I really need to go..." nakanguso kong paalam sa kanila.


Malapit nang matapos 'yong movie pero hindi talaga 'ko pwedeng ma-late dahil may practice ang music team ngayon sa church. Gustuhin ko man silang makasama ng matagal, lalo na si Klein kaso si Lord muna mga teh!



"Okay, take care!" nakangiti akong niyakap ni Katna. Nakakatuwa dahil naging mas komportable ako sa kanya kahit na sya ang gusto ng gusto ko, whut?



Umalis na ako matapos kong magpaalam sa kanila. Dumiretso na ako sa church para mag-practice. Nagdaan ang araw ng linggo at syempre maaga dapat akong magising para mag-church.



Maganda ang message ngayon ni Pastor, actually lagi naman e'. Pagkatapos ng Sunday Service namin ay nag-usap usap kaming mga youths para sa iilang mga announcements. Umupo ako sa isang tabi para hintayin pa ang ilang mga youths, may bisita daw kasi kami ngayon sa church kaya naghahanda sila ng makakain.


"Uy Aiah, kamusta naman ang studies mo?" nagulat ako ng bigla akong kausapin ni Pastor na dapat ay dadaan lang talaga sa tapat ko.



Ngumiti ako. "Okay lang naman po, by God's grace nakakasali pa rin po sa honors."



Tinapik ni Pastor ang balikat ko. "Goods yan, ipagpatuloy mo lang ' yan!" aniya at umalis na.




"Ate Aiah, nandyan na po 'yong ibang youths galing sa ibang church! Tara po, i-welcome natin sila!" anyaya sa'kin ng kasing grade ko lang din naman na ka-churchmate ko, hindi ko alam kung bakit nya 'ko tinatawag na ate. Masyado syang magalang.



Dali dali akong pumunta sa pinto para tignan ang mga paparating.  Napatakip ako sa bibig ko nang makita si Ranveer. Nakangiti nga lang sya hanggang sa magkasalubong kami sa pintuan.




Tinitigan ko lang sya at kumunot ang noo nya sa'kin. "Uy ate Aiah, hindi mo ba babatiin si Kuya Ranveer?" tapik sa'kin ng ka-churchmate ko.




Napatikhim ako at pilit na ngumiti. "Hello po kuya, welcome po!" bati ko.




Hindi ako makapaniwala na patago syang tumawa dahil sa sinabi ko. "Kuya huh?" Nag-kunwari akong hindi sya narinig at binati pa ilan nyang kasama. Pumasok na sya sa loob samantalang ako ay binabati pa ang ilang mga dumating.





Nang matapos na 'yon ay lahat ng youths ay nagtipon-tipon kasama ang mga ibang youths din na galing sa ibang church. Nakapabilog kaming lahat, medyo marami rin kami. Nakatitig lang ako sa mukha ni Ranveer habang nginingitian nya pa ang iba kong ka-churchmates. Hindi ako makapaniwalang nandito sya ngayon!






"So 'yon mayroon kasing mangyayari na youth camp sa Pampanga,Sa April 'yon mangyayari! Ang saya lang dahil isa sila sa makakasama natin doon." announce ng youth leader namin. Seryoso lang akong nakikinig sa mga pinag-uusapan nila. "I'm so glad na makakasama rin natin sila sa iisang bus, And gusto namin na maging mag-friends ang bawat isa before nung gaganapin na youthcamp!" dugtong aming youth leader.






Marami pang pinag usapan at pagkatapos nun ay sama sama kaming kumaing mga youths sa mahabang mesa. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na 'ko sa kanila para umuwi. Naglalakad lang ako ngayon dahil tinatamad akong mag-tricycle. Malapit lang naman ang church sa bahay namin.




Paika-ika akong naglakad, tinatamad lang talaga ako at pagod. Gusto kong mag-isip habang naglalakad ako pero walang pumapasok sa isip ko. "Hey!" napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang nagsalita.






Brightly in the Velvet SkyWhere stories live. Discover now