Kabanata 18

7 2 0
                                    

Habang naglalakad ako palabas ng airport ay hindi ko naiwasang mamangha. Ang dami nang nagbago. Madaling araw na kaya medyo nakakaramdam pa rin ako ng antok.




Nang makasakay na 'ko sa taxi ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na magmasid-masid sa paligid. Ang tagal ko ring nawala, sobrang dami nang nagbago.





Hello Philippines, I'm back!





Dumiretso ako sa bahay namin. Pagkababang pagkababa ko pa lang ng taxi ay pinagtitinginan na 'ko ng mga kapitbahay namin na nagtitinda ng mga almusal.Mas lalo ba 'kong gumanda? chos. Ganoon pa rin ang bahay namin, hindi nagbago ang hitsura. Nag-iba lang ng kulay ang gate pero ganoon pa rin naman katulad nung dati.





Nakita kong kakalabas lang ni mommy ng pintuan at gulat na gulat nya 'kong tinignan. "Alaiah?" malakas na sabi niya at dali daling pinagbuksan ako ng gate.





"Ayan na ba si Alaiah, Tifa? Ang laki na ah, ang gandang babae! May asawa na ba siya?" napabaling ako sa ale na nagtitinda ng mga suman sa tabing bahay namin.





"Oo, eto na nga siya. Hindi pa 'to nag-aasawa kasi crush niya pa rin 'yung anak ni-" kaagad kong tinakpan ang bibig ni mommy at inakay siyang papasok sa loob ng bahay.





"What the hell! Bakit pati 'yon mommy sinasabi nyo pa?" iritadong sabi ko habang kinukuha ko ang maleta ko na naiwan sa labas.





Sinamaan nya ako ng tingin. "Wag mo kong ma-what the hell, what the hell diyan! Tumira ka lang sa ibang bansa, ini-ingles mo na naman ako!"





"Tch, whatever!" umirap ako sa kawalan.





"Totoo naman diba? Crush mo pa rin 'yung anak ni Vernice? 'Yong may-ari ng meatshop sa palengke?"





Pagod kong inihiga ang sarili ko sa sofa. "Yes, pero wala pa 'kong balita sa kaniya."





"Bakit wala? E' palagi mo namang kausap si Pat, pinsan nya 'yon diba?" aniya mommy habang naghahanda ng pagkain sa kusina.





Wala nga kaming masyadong oras para magkamustahan ni Pat, pag-usapan pa kaya si Klein? At tsaka tina-try ko naman noon na i-open ang topic about kay Klein kaso napapansin ko lang na iniiwasan ni Pat na pag-usapan namin 'yon.





"Hindi ko alam, may kwarto pa ba 'ko dito?" tanong ko.





"Aba'y malamang, hindi ko naman ginawang tambakan ng gamit 'yon!" singhal ni mommy. "Hindi ka ba mag-aalmusal? bibili pa naman sana ako ng pandesal kanina tapos bigla kitang nakita sa labas..." dugtong ni mommy.





Sinilip ko ang kwarto ko at tama nga si mommy, ganon pa rin siya. Mukhang araw araw nya 'to nililinis. "Magpapahinga muna ako, mamaya na lang ako kakain..." saad ko at inihiga na ang sarili sa kama.





Naalimpungatan na lang ako ng bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Nakita ko si mommy na nakapang-alis. "Aalis lang ako anak, alam mo namang may negosyo kami ngayon ng tita mo, pinatatawag nya 'ko..."





"Anong oras na?" inaantok na sabi ko habang kinukusot ko ang mata ko.





"Alas-siyete na ng gabi..." dali dali akong bumangon sa kama at tinignan ang cellphone ko, gosh 7pm na talaga! Balak ko pa namang mag-shopping dahil unti lang ang dinala kong damit tapos napahaba pa 'yung tulog ko.





Brightly in the Velvet SkyWhere stories live. Discover now