Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na nakatapat sa mukha ko. Hindi ko maipaliwanag kung anong saya 'yung nararamdaman ko pagdilat pa lang ng mga mata ko.
Thank you, Lord!
Hindi panaginip 'yung nagawa kong pag-amin kay Ranveer, hindi siya panaginip bHie! Para akong baliw ngayon na humahalakhak mag-isa sa kwarto ko. Ewan ko, pero sobrang saya saya ko ngayon.
Naalala ko pa ang mga sandaling nakakulong ako sa bisig niya. At ang walang imik naming eksena sa loob ng kotse. Hindi ako nagsalita nun pagkatapos kong umiyak hanggang sa mahatid niya na 'ko dito sa bahay.
"Pati ba naman sa pag-aalmusal mo, nakangiti ka pa rin?" singhal sa'kin ni mommy.
Hindi ko siya pinansin at nakangiti lang ako ngayong nakatulala sa kawalan. Bumalik lang ulit ako sa normal nang magsalita ulit si mommy.
"Hindi pa naman kayo official, nangingisay ka na sa kilig dyan!"
Oo nga no'? Ang kaninang nakangiti kong mukha ay napalitan ng panlulumo. Hindi niya 'ko niligawan. Alam kong nowadays hindi na mahalaga 'yung courtship pero gusto ko pa ring dumaan kami sa tamang proseso. Hindi porke gusto ko siya at gusto nya 'ko, kami na agad, walang ganon!
Wag gano'n, panget 'yon!
Mabilis lang akong kumain ng almusal at naligo na rin. Simpleng black sleeveless dress lang ang suot ko. Hindi na 'ko nagsayang pa ng oras at mabilis kong tinahak ang Ylerio South Hospital.
Muli ko na namang nakasalubong ang nurse na nakausap ko nung unang punta ko dito. Hindi ko nga alam kung bakit niya 'ko inirapan ng makita nya 'ko, akala nya ba kukulitin ko na naman siya na ilabas si Ranveer?
Sa hindi kalayuan ay natanaw ko na kaagad si Ranveer kasama ang iilang mga doctor. Sobrang gwapo nya tignan kapag pormal lang ang suot niya. Dapat araw araw na lang syang nagtatrabaho para ganyan suot niya.
Nang makita nya 'ko ay nakangiti ko siyang kinawayan. Nakita kong may binulong pa sa kanya ang isa sa mga kasama nyang doktor at sabay pa silang napatingin sa'kin. Hindi na 'ko nagdalawang isip na puntahan sya kahit may mga kasama pa siya.
"H-hi..." I smiled pero blangko pa rin ang reaksyon nya.
Nagtataka ko siyang tinignan nang mabilis nyang hinubad ang coat niya. At dali dali nya 'tong pinatong sa likod ko, saglit nya pang tinignan ang kabuuan ko at nang mapansin nyang hindi na kita ang braso ko ay inakbayan nya 'ko at umalis na kaming dalawa doon.
"Why did you do that?" tanong ko habang naglalakad kami patungo sa office nya. Hindi pa rin nya tinatanggal ang pagkakaakbay nya sa'kin.
Samantala kitang kita ko naman ang matatalim na tingin sa'kin ng mga babaeng nurse na nakakasalubong namin. Wala naman akong pake sa opinyon nila kaya magalit lang sila dyan.
"Its cold..." he whispered.
Umawang ang labi ko. Weh? "Ayaw mo pang sabihin na nasesexy-han sa'kin 'yung doktor na kasama mo kanina..." I giggled.
He rolled his eyes. Hindi nya na 'ko pinansin hanggang sa makarating kami sa opisina nya. Dire-diretso lang sya hanggang sa makaupo na sya sa swivelling chair niya. Ako naman ay naupo lang sa isang mahabang sofa.
YOU ARE READING
Brightly in the Velvet Sky
Teen FictionBITVS: Alaiah Malhotra, a Filipina-Indian and also a successful film director in the industry of Bollywood. Her love story will face different challenges. The question is, will she overcome those challenges with just love?