Kabanata 12

7 2 0
                                    

"Ang kuripot mo naman!" maingay kong sabi nang makita kong palamig lang ang binili ni Ranveer.




Hindi niya 'ko sinagot at pumwesto siya sa gilid para makadaan ang mga iba pang bibili. Buti na lang talaga at pumayag siya na samahan ako kahit ang pangit pangit ng pakikitungo ko sa kanya noon pa.






"Pagkaubos natin nito, umuwi ka na..." saad niya habang humihigop sa palamig niya.








Tss kuyang kuya! "Tambay muna tayo saglit, may ishe-share lang 'ko sayo..."






Kanina ko pa talaga pinag-isipan na sa kaniya ako manghihingi ng advice. Feel ko kasi ay matured na siya mag-isip at sa edad niyang 'yan ay may napagdaanan na rin naman siguro siya sa buhay. Grabe parang masyado ko naman ata siyang pinatatanda!






"Ano 'yon?" tanong nya. Bago ako sumagot ay umupo muna ako sa mahabang bangko na nasa gilid, nang makita niya ang ginawa ko ay umupo din siya.







Bago ko pa ma-kwento sa kaniya ang gusto kong ikwento ay napakadami pang pumansin sa kanya, err!








"Ang cute naman! bunsong kapatid mo, Veer?" tanong ng isang lalaking may hawak na bola ng pang bball.







Natawa naman si Ranveer at napatango na lang. Sinamaan ko siya ng tingin, bunsong kapatid amporkchop! Compliment pa rin naman 'yon kasi ibig sabihin baby face ako, nyaha!








After that so long na chikahan with his friends, finally at naisipan na nilang umalis!








I gave him a small smile before sharing my problem. "Iiwan ko na si Pat, si Harold tapos 'yong crush ko si Klein! O' ayan ha, alam mo ng crush ko 'yon! Wala naman ng something sa kanila ng kapatid mo diba?" nagawa ko pa siyang asarin para maibsan ang lungkot na nararamdaman ko.








He chuckled. "Ang weird mo talaga..."








"Okay lang, sabi mo rin naman na maganda ako e'!" taas noo kong sabi.









Kumunot ang noo niya at umaktong may inaalala. "Talaga? Sinabi ko 'yon?"






Ang kapal talaga ng lalaking 'to! Dapat pala ini-screenshot ko 'yong chat niya na 'yon at isinampal ko sa pagmumukha niya. "Uso mag-backread..."









"Hindi naman ako nagchachat sa'yo ha!" wow sige! deny ka pang gurang ka!









"Ewan ko sa'yo! Dami mong alam!" inis akong tumuhog ng fishball at kinain 'yon. "Ikekwento ko na kasi, h'wag ka ng maraming sinasabi diyan!" pagmamaktol ko.







Hindi siya sumagot. Humigop muna siya sa palamig niya at sinenyasan na 'ko na magkwento. Ganoon nga ang ginawa ko, I told him everything. Na-overwhelm pa 'ko dahil hindi talaga siya agad nagbibigay ng side comment at binigyan niya talaga ako ng oras para magkwento. Nakatingin lang siya sa kawalan habang nagsasalita ako. Animong pinag-aaralan at isinasaisip niya talaga bawat salitang lumalabas sa bibig ko.









"Para 'to kay mommy..." nanginginig kong sabi.








Tsaka pa lang siya umayos sa pwesto niya ng matapos akong mag-kwento. "Tama 'yang ginawa mo." ayon lang 'yong sinabi niya sa'kin pero nagbigay 'yon ng sari saring kahulugan sa isip ko.









Brightly in the Velvet SkyWhere stories live. Discover now