Sobrang nababadtrip talaga 'ko kahapon pa! Gigil na gigil ako, bakit kasi kailangan nya pang mag-suggest na sya na lang? Alam nya ba 'yong ginagawa nya? Padabog kong ineempake ang mga damit ko para sa pagpunta namin sa Bulacan.
Naiinis din ako sa tita ko e'. Bakit pa sa Bulacan magpo-photoshoot, e' marami namang magagandang lugar dito sa Cavite? Bakit kailangan pang dumayo sa malayo? Mabuti na lang mabait si Ranveer at pumayag sya dito pero nakakainis pa rin siya kasi pumayag siya dito, ha whut?
"Pustahan maglalaway 'yang mga pinsan mo kay Ranveer!" natatawang sabi ni Harold habang pinapanood nila ako ni Pat mag-empake dito sa kwarto ko.
Inirapan ko siya at binato ko sa mukha nya ang hawak kong damit. "Wala naman kaming lahing aso, tukmol ka!"
"Meron kaya, aso ka nga e'! Magiging aso-wa ni Klein, yie!" pang-aasar pa niya.
"Manahimik ka nga dyan! Kung ayaw mong i-send ko sa nililigawan mo 'yong selfie mo na nangungulangot ka!" pagbabanta ko pa.
Tumawa naman ng malakas si Pat. "Omg bet ko 'yan ha!"
Sinamaan kami ni Harold ng tingin. "Kapag sinend mo 'yon, baka sagutin nya 'ko ng maaga. Ako lang 'to si Harold, kahit nangungulangot, gwapo pa rin!" nagkagat labi pa amporkchop.
"Ibig sabihin lang nun mahilig lang talaga sa gwapo 'yang nililigawan mo, kasi wala siyang pake kahit dugyot ka!" humalakhak ulit ng malakas si Pat.
Tumawa din ako ng malakas. Nag-apir pa kaming dalawa dahil mukha nang batang kawawa ngayon si Harold, talo na naman siya sa'ming dalawa. Ngayon na ang byahe namin papuntang Bulacan, hinahantay na lang namin ni mommy si Ranveer.
Ang weird pa nga e' kasi friends agad sila mommy at ng mommy ni Ranveer dahil pinaalam ni mommy si Ranveer sa parents nya. Naiilang tuloy ako dahil baka alam ni Katna na makakasama ko ang kuya niya. Nag-rent si mommy ng van para hindi na kami mahirapan kapag commute.
Umuwi na sina Pat at Harold nung dumating na si Ranveer sa bahay namin. Nagkausap pa silang tatlo saglit before naming umalis. Tahimik lang ako sa van hanggang sa makarating na kami sa Bulacan. Pagod ako kaya balak kong matulog muna dahil ilang oras din ang naging byahe namin.
Friday ngayon, may pasok kami kaninang umaga. Halfday lang naman kami tuwing biyernes kaya ngayong araw na kami bumyahe, sa linggo rin ang uwi namin.
Pagkababa pa lang namin ng van ay dinumog na kami ng mga kamag-anak namin sa labas ng gate. Napatakip pa nga sila sa bibig ng makita nila si Ranveer na bumaba ng van, ibinalita naman na siguro sa kanila ni mommy na si Ranveer ang magpipicture kay ate Brittany. Pero mukhang hindi nila in-expect na isa 'tong gwapong nilalang.
"Anong grade mo na?"
"Anong name mo sa facebook?"
"May girlfriend ka na?"
"Pwede bang magpa-picture sa'yo?"
Napatakip ako sa tenga ko sa sunud sunod na tanong ng mga pinsan kong babae kay Ranveer. "Ano ba naman kayo! Kararating lang, pagpahingahin niyo muna!" sigaw ko sa kanila. Parang dati lang ay ako ang kinakawawa nila, tsk!
YOU ARE READING
Brightly in the Velvet Sky
Teen FictionBITVS: Alaiah Malhotra, a Filipina-Indian and also a successful film director in the industry of Bollywood. Her love story will face different challenges. The question is, will she overcome those challenges with just love?