Hindi pa rin ako gumagalaw after niyang sumagot. Siya ba? Hindi nya ba 'ko kakamustahin? Grabe naman siya, parang walang pinagsamahan.
"Ikaw, kamusta ka na?" seryosong tanong niya. Bigla ay napa-'yes!' ako sa isip ko.
Nag-aalinlangan akong galawin ang ulo ko para makatingin ng maayos sa kaniya. "I-im totally fine, h-hindi kita namukhaan..." nauutal kong sabi.
I heard him chuckled. "Yeah, me too!"
"By the way I'm really sorry for what I did to you last time..." he said.
I nodded. Good to know na nag-sorry siya. "Anyway, may nakita ka bang blue na paper bag sa taxi?" tanong ko.
Naiilang ako dahil masyado kaming pormal. "Yes, inuwi ko 'yon sa condo ko..." he smiled.
Mabuti na lang talaga at siya 'yong nakakita. Mas mahihirapan ako pag hindi ko kilala. Dahil wala na 'kong masabi, sumenyas ako sa kaniya na pupuntahan lang si Pat. Tumango naman at iniwan ko na siyang mag-isa doon.
Napukaw agad ng pansin ko si Claudia, 'yung asawa ni Ranveer. Nakapagtataka dahil nagpapa-picture sa kaniya 'yung ilang bisita. Maybe kilala siya dito. Maganda siya, makinis at matangkad. Kapag tinignan mo siya ng mabuti ay hindi mo mapagkakamalang nanay na siya.
Bilib pa rin ako sa sarili ko dahil tama ang hula ko noon na makakakapangasawa ng model or mukhang model si Ranveer.
"Si Ranveer pala ang nakaaway mo, astig talaga e'..." tumatawang sabi ni Pat.
I rolled my eyes. "Anong astig? Ang awkward nga e'..."
"Patricia!"
Sabay kaming napalingon ni Pat sa pamilyar na boses na 'yon. Inaasahan ko na talagang makikita ko siya pero hindi pa rin ako makapaniwalang nasa harap ko na siya ngayon.
Si Klein.
Ganoon pa rin ang mukha niya. Lumaki rin ang katawan at tumangkad. Mas lalo siyang gumwapo. He was wearing a white vneck shirt and a ripped jeans. My gosh, he's still freaking handsome!
"What's your problem?" taas kilay na tanong ni Pat.
Hindi pa rin maalis ang paningin ko kay Klein na ngayon ay ilang metro na lang ang lapit sa'kin. Sasagutin niya na sana si Pat nang biglang napukaw ko ang atensyon niya. Napangiti siya sa'kin. Oemgi natatandaan pa 'ko ng crush ko!
"Welcome back!" napatulala ako sa sinabi niya. Natatandaan nya pa nga 'ko, hinintay niya talaga 'ko!
Baka jackpot pa 'ko sa lovelife ko nito.
Napansin ko sa peripheral vision ko na napagalaw si Pat. "Wow! Good to know na natatandaan mo pa siya..." may bahid ng sarkastiko sa boses ni Pat.
I saw him chuckled a bit. "Actually kung hindi sinabi sa'kin ni Ranveer na nandito siya, hindi ko siya matatandaan." ang kaninang ngiti ko ngayon ay biglang napawi.
Bwisit na Ranveer 'yon, bakit kailangan niya pang itsismis? Bakit hindi niya na lang hayaan na malaman? Umasa tuloy ako.
Hindi pa rin ako makapag-salita. Dahil hindi ko rin naman alam kung ano 'yong sasabihin ko. Didiretsuhin ko ba siya na mahal ko siya? pero ang awkward naman kung sabihin ko 'yon sa harap ni Pat.
Magsasalita na sana ako nang biglang sumingit si Klein. "Where's my Shreya? Ipapakilala ko siya kay Aiah..." seryosong tanong ni Klein.
YOU ARE READING
Brightly in the Velvet Sky
Teen FictionBITVS: Alaiah Malhotra, a Filipina-Indian and also a successful film director in the industry of Bollywood. Her love story will face different challenges. The question is, will she overcome those challenges with just love?