"S-sabay tayong uuwi m-mamaya?" curious na tanong ko, sigurado ba siya?
Instead na matuwa ako sa ginawa ni Klein ngayon ay bigla akong nakaramdam ng hiya. Ang daming nakatingin sa'min at ang mas malala pa ay pinapanood kami ni Katna!
He giggled. "Ayaw mo ba?"
Hindi naman sa ganoon crush! Pero pag-pinaunlakan ko kasi 'tong anyaya mo ay baka tumahol ang mga nanonood sa'tin. Sabihin pang malandi ako at mang-aagaw. Pero pag di naman ako pumayag edi napahiya ka naman, oemgi ano na ghorl?
"A-ah tara sa canteen..." pag-iiba ko ng usapan. Ngumiti siya sa'kin at sumunod sa paglalakad ko. Honestly, gusto kong tumalon sa tuwa pero may halong pag-aalangan kasi naninibago lang ako.
Hindi naman kami close ni Klein. Sa totoo lang hindi niya naman ako makikilala kung hindi ako ang nagtanong sa kanya nung campaign nila at nung nakasalubong namin siya nila Pat. May parte sa utak ko na nagsasabing ginagamit lang ako ni Klein para pagselosin si Katna? Pero minsan naman naiisip ko na hindi naman ako kaselos-selos no'? Etong mukhang 'to?
"S-sige sasabayan kita! Pero anong nakain mo bakit mo 'ko gustong makasabay mamaya?" nakakunot ang noo kong hinarap siya.
Napakamot siya sa ulo niya bago ibaling ang tingin sa'kin. "A-ayaw mo ba? Sige okay lang..." saad niya at tinalikuran ako. Kaagad ko siyang pinigilan.
"Ano ka'ba! Syempre nagtatanong lang." magpapabebe pa ba 'ko?
Ngumiti siya ng maluwag at sumenyas na mauuna na siya. Sobrang nawi-weirduhan talaga ako kay Klein ngayon. Hindi naman kami close tapos bigla bigla niya 'kong yayayain na sabayan siya pauwi? Syempre, grab the chance! hehe!
Bumalik ako sa normal nang tuluyan ng mawala sa paningin ko si Klein. Bumili na lang ako ng hotcake sa canteen para kahit papaano ay may makain ako ngayong recess.
"Saan ba kayo galing ni Klein? Anong sabi nya sa'yo? Ohmyghad MU na ba kayo?" sunud sunod na tanong sa'kin ni Meera pagkatapak na pagkatapak pa lang ng paa ko sa room.
Inalog alog naman ako ni Additi. "Kita mo yung peyslak kanina ni Katna? Taob mo na siya sis!"
Bigla tuloy akong nanlumo. Pakiramdam ko tuloy ay tina-traydor ko si Katna. Galit kaya siya sa'kin? Sana naman ay hindi, pero alam ko namang alam niya siguro na crush na crush ko si Klein.
"Hoy bruhilda! Ayos ka lang?" tanong ni Additi at itinagilid niya pa ang ulo niya para tignan ang reaksyon ko.
Mahinang hinampas naman ni Meera ang balikat ni Additi. "'Yan kasi, bigla bigla mo na lang binabanggit 'yung pangalan ng babaeng 'yon!"
Hindi ko na sila pinansin at nagtuluy-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa upuan ko. Wala naman akong dapat ikabagabag. Una sa lahat, si Klein naman ang nagyaya no'? Wala kang dapat ipag-alala, self!
Last subject na namin pero tulala pa rin ako. Muntik na nga akong mapalabas ng science teacher namin kanina dahil tinatawag niya pala ang pangalan ko tapos hindi ako umiimik.
"Gregoriaaaaa! Nandito na 'yung manliligaw mo!" nilingon ko ang labas ng classroom namin at laking gulat ko ng makita ko si Klein na nakatayo doon at hinihintay ako. Pambihira, akala ko nagbibiro lang ang kupal?
YOU ARE READING
Brightly in the Velvet Sky
Teen FictionBITVS: Alaiah Malhotra, a Filipina-Indian and also a successful film director in the industry of Bollywood. Her love story will face different challenges. The question is, will she overcome those challenges with just love?