"Okay, give me your best pose! Your cool pose!" I said while fixing the dslr camera. I looked at Ranveer, muntik na 'kong matumba sa kinatatayuan ko sa kakatawa. Oemgi, bakit naka-two joints na sya dyan?
Naka-pamewang ko siyang hinarap habang hindi pa rin matigil sa pagtawa. "Are you serious? Magtu-two joints ka talaga?" I asked.
"You said that you wanted me to give you my cool pose!" he laughed. Napailing ako, hindi naman sya ganyan ka-joker dati.
"My goodness, happy pill ka talaga!" I said. I've no choice but to take a shots of him. After ko siyang makuhanan ng pictures ay tinahak namin ang daan papunta sa isang kubo.
Nandito kami ngayon sa isang Garden Restaurant, actually ako ang nagyaya sa kanya na kumain kami dito at magpicture-picture. Pinilit ko pa nga siya na dalhin nya 'yung dslr niya para ma-picturan ko siya. Kakaiba din ang Restaurant na 'to kasi 'yung dine in area nila ay sa isang kubo. Para ka lang nag-swimming at nag-rent kayo ng cottage.
"You know what? I like me better when I'm with you..." I looked at him after he said that. I gave him my small smile and I slowly held his hand.
To be honest, kahit sinong tao ang makasalamuha niya, hindi rin maiintindihan ang ugali na meron siya. Madalas siyang seryoso at paminsan lang nagpapatawa. Hindi ko alam kung saan doon sa dalawang 'yon ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan.
Mahal ko siya at doon ako sigurado.
"Oh bakit natahimik ka?" I asked him. Nakatulala lang sya ngayon sa kawalan habang magkahawak pa rin ang kamay namin. But instead of answering me, he just smiled at me.
"What are you thinking about? C'mon share mo naman 'yan!" pamimilit ko.
Umiling lamang siya at bahagyang napabuntong hininga. "Iniisip ko lang kung hindi ako 'yung para sa'yo, sa paanong way ako tatanggalin ni Lord sa buhay mo?" natigilan ko sa mga sinabi niya.
Marahil kaya niya iniisip 'yan dahil din sa naranasan ko kay Klein. Maagang nagkaroon ng pamilya si Klein, sa tingin ko ay 'yon ang naging dahilan para mawala siya sa'kin at mawala siya sa puso ko. Pero hindi ko akalaing kaya ring mag-isip ng ganiyan ni Ranveer, I mean kasi lalaki siya, hindi madalas magopen-up ang mga lalaki.
"H'wag mo ng isipin 'yan!" binangga ko siya gamit ang braso ko. "Gusto ko sanang bumisita sa church ko dati. Okay lang ba pumunta tayo sa friday?" I pouted bilang paawa kahit na alam ko namang papayag siya pag about kay Lord na ang pinag-uusapan.
Its sunday at ilang araw na ang nakalipas simula nung magpunta kami sa isang Garden Restaurant. May usapan kami ngayon na bibisitahin ko ang dati naming church, kung nandoon pa. Isang floral long-sleeve dress ang suot ko. At ang suot naman ni Ranveer ay ganoon pa rin, naka-formal attire pa rin naman siya dahil sa church din naman kami pupunta.
"Ate Alaiah, ikaw na po ba 'yan?" gulat na tanong ng dati kong kasama sa music ministry.
Ngumiti ako ng maluwag. "Yes, dalaga ka na..."
Nakipagbatian pa 'ko sa mga ka-churchmates ko dati, ang iba'y mga bagong members, at masaya din akong makilala sila. Mas lalong lumuwag ang ngiti ko nang makita ko si Pastor, kausap niya si Ranveer. Lumapit ako sa kanila.
YOU ARE READING
Brightly in the Velvet Sky
Teen FictionBITVS: Alaiah Malhotra, a Filipina-Indian and also a successful film director in the industry of Bollywood. Her love story will face different challenges. The question is, will she overcome those challenges with just love?