Kanina pa kami walang imik ni Ranveer hanggang sa makarating sa bahay namin at pagkatapos magsimba. Paminsan-minsan nga ay napapasulyap ako sa kanya sa simbahan kanina dahil tutok na tutok talaga siya sa nagsasalita.
"Bakit ang tahi-tahimik niyong dalawa?" nagtatakang tanong ni mommy. Nakakunot ang noo niyang pinagmamasdan kaming dalawa ni Ranveer.
After naming mag-church ay dumiretso kami sa Mall dahil may bibilhin daw si mommy. Dapat ay uuwi agad si Ranveer pero pinigilan siya ni mommy dahil ipinaalam niya naman daw ito sa parents niya. Wow, beshywaps na sila?
"Upo muna kayo dito, may titignan lang ako sa botique na 'yon!" paalam ni mommy at iniwan kami ditong dalawa ni Ranveer sa isang bench. Bored akong umupo sa bench at tumingin sa kawalan.
May balak naman talaga akong pansinin siya. Kaso pinangungunahan ako ng hiya at ng guilt. Bakit ko kasi pinagsasabi 'yon kanina? Naramdaman kong umuga ng kaunti ang bench, napansin ko sa peripheral vision ko na umupo din siya.
Pinagsalikop ko ang mga daliri ko at nagbaba ng tingin. "Sorry sa mga nasabi ko kanina..."
I heard him scoffed sarcastically. "Its okay..."
Hinahangaan ko talaga siya sa pagkakaroon ng mababang pride. Sa kabila ng mga masasamang sinasabi ko sa kaniya ay palagi na lang na okay lang yon sa kanya. Hindi imposibleng ganoon din siya sa ibang taong nagkamali sa kaniya.
"Sinabihan mo kasi ng mokong si Klein e'!" biglang singhal ko."Galit ka ba sa'kin? Kasi ini-entertain ko 'yong ex-suitor ng kapatid mo?" diretso at seryoso ko 'yong tinanong sa kaniya.
"Bakit ako magagalit? Ako ba 'yong niligawan?" pabalang na sagot niya.
Umirap ako. "Kapatid mo nga e'! Kapatid!" sigaw ko.
Nakita kong nagpakawala siya ng malaking buntong hininga bago ibaling ang tingin sa'kin. "Kahit na gustuhin kong magalit sa'yo, wala 'kong karapatan kasi una sa lahat wala ka namang ginagawang masama..."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ka naman magagalit sa'kin?"
"Sumasama ka kasi sa lalaking 'yon e'!" angil niya.
I can't believe na sinasabi niya 'to sa harap ko ngayon, pinaplastik niya lang ba si Klein? I thought they were friends. "Akala ko ba beshywaps kayo?"
"Hindi ko siya kaibigan, sinuportahan ko lang talaga sila non ni Katna..." matigas niyang sabi.
I almost rolled my eyes. He's a damn great pretender! Akala ko botong boto siya kay Klein para sa kapatid niya. Napilitan lang pala siya dahil gusto ng kapatid niya.
"Well anyway, ipangako mo sa'kin na hangga't hindi pa 'ko nakakauwi dito sa Pilipinas, h'wag mong hahayaang magpakasal si Klein sa iba ha!" natatawa pero may bahid ng lungkot ko 'yong sinabi.
Kumunot ang noo niya. "Kung kayo ang para sa isa't isa, edi kayo. Hindi ko pwedeng pigilan ang tadhana sa kung ano ang nakatakda na mangyari sa pagitan niyo..." iritado nya 'yong sinabi.
Tumawa ako. Bakit ba ang highblood niya ngayon? Masyado niyang sineseryoso 'yong mga sinasabi ko.
"Bakit ba galit na galit ka? Edi tumpak ka na!" natatawa pa rin ako sa itsura niya. "Pero alam mo? Sana si Klein na hanggang sa huli..." napatingin ako sa itaas, kunwari langit ang nakikita ko pero mga ilaw lang talaga psh.
YOU ARE READING
Brightly in the Velvet Sky
Teen FictionBITVS: Alaiah Malhotra, a Filipina-Indian and also a successful film director in the industry of Bollywood. Her love story will face different challenges. The question is, will she overcome those challenges with just love?