"Hindi ko alam na may fans pala 'ko sa Pilipinas..." I said softly. Hindi ko maiwasan tignan isa-isa ang mga tao na nandito.
Hindi umimik si Ranveer kaya nagsalita ulit ako. "Ikaw ba, fan ba kita?" tumingin ako sa kanya at kumunot lang ang noo nya.
"Hindi pa 'ko nakakanood ng films na ikaw ang nag-direct..." saad nya. "Nakikinood lang ako tuwing nanonood si Claudia ng Bollywood movies sa condo nya..." dugtong nya.
Napataas bigla ang kilay ko. "She really likes hindi movies, huh?"
Tumango-tango naman siya. "So, bakit ka nandoon sa condo niya?" mapanuring tanong ko.
"T-teka, bakit napunta tayo dyan?" naguguluhan na siya.
"Teka, bakit pa ba 'ko magtatanong? E' mag-jowa naman kayo, wala naman akong pake kung anong gusto niyong gawin sa buhay niyo, kaya bakit nga ba 'ko nagtatanong?" napahawak ako sa baba ko, animong nag-iisip ng mabuti.
"Tch, silly girl..." umiiling na sabi nya.
Mabilis na natapos ang taping nila. Hindi ko alam kung tapos na talaga o binilisan lang nila. Maggagabi na rin nang matapos kaya siguro sakto lang naman.
"Bravo, what a performance! Wonderful!" pumapalakpak na sabi ni Direk Thor pagkatapos ng kanilang taping.
Napanood ko kanina ang pag-arte ni Claudia. Masasabi kong kailangan niya pa talaga ng kaunting practice. "'yon na 'yon?" dismayado kong tanong.
Nang lahat sila ay napatingin sa'kin, tsaka ko lang na-realize na napalakas pala ang pagkasabi ko. "I mean, 'yon na 'yon pero magaling, fantastic!" pagkukunwari ko kaya lahat sila'y napangiti.
"Magpapa-dinner ako ngayon dahil nandito si Ms. Alaiah..." anunsyo ni Direk Thor.
Napapalakpak silang lahat maliban sa'min nina Ranveer at Claudia. Bakit kailangan pa nilang magpa-dinner? Hindi naman nila kailangang gawin 'yon.
"Sa'kin siya sasabay..." matigas na sabi ni Ranveer. Napatingin ako sa kanya at nakita kong seryoso ang mukha niya. Nag-iwas na 'ko ng tingin at nakita kong gulat silang nakatingin kay Ranveer.
"Sa'yo ako sasabay..." nakangusong sabi ni Claudia kay Ranveer.
Wala nang nagsalita pa maliban kay Direk Thor na sinabi kung saan kami kakain at magkikita-kita. Nagi-guilty tuloy ako, mapapagastos pa siya. Bago pa makasakay sa shotgun seat ng kotse ni Ranveer ay naunahan na 'ko ni Claudia, no choice ako kundi sa backseat na lang sumakay.
Wala e', siya 'yung jowa.
Nakita kong napatingin pa sa'kin si Ranveer sa likod bago paandarin ang makina. Tahimik lang ang byahe namin papunta sa kung saan ang sinabi ni Direk Thor.
Wala pang bente minutos ay nakarating na kami sa mamahaling restaurant kung saan kami kakain. Nandoon na rin 'yong ibang staffs. Nagtataka nga 'ko kung bakit layong layo sila sa'kin, mabaho ba 'ko?
"Miss Alaiah, pwedeng tabi po tayo ng upuan?" excited na tanong ni Nieman. Siya lang talaga ang may lakas loob na kumausap sa'kin, hindi ko alam kung nahihiya ba sila or may mali sa mukha ko.
YOU ARE READING
Brightly in the Velvet Sky
Dla nastolatkówBITVS: Alaiah Malhotra, a Filipina-Indian and also a successful film director in the industry of Bollywood. Her love story will face different challenges. The question is, will she overcome those challenges with just love?