Kabanata 7

15 2 0
                                    

Nakabusangot akong naglalakad papunta sa AP Faculty. Kanina lang abot langit ang ngiti ko. Papunta na sana ako kanina sa covered court dahil doon gaganapin 'yong practice tapos inutusan pa 'ko ng teacher na tawagin si Mrs. Forteza na nasa AP Faculty.





Napatigil ako sa paglalakad at pinag-masdan ang lalaking nakasandal sa gilid ng pinto ng AP Faculty. Hawak nya ang camera nyang dslr at may tinitignan doon.  Binalewala ko na lang 'yon at dire-diretsong pumasok sa loob ng Faculty, nakita ko pa sa peripheral vision ko na sinulyapan nya ako ng pumasok ako.





Napasapo ako sa sariling noo nang makitang wala si Mrs. Forteza sa table nya. Wala din 'yong ibang mga AP teachers doon, nasaan naman kaya 'yon? Gusto ko sanang magtanong kay Ranveer na nakasandal pa din sa pader at tumitingin sa kamerang hawak nya pero nahihiya ako dahil pinagmamalditahan ko sya.




Pero sasagutin naman nya siguro ang tanong ko dahil mabait naman sya sa'kin at gusto nya 'kong kausap. Walang pag-aalinlangan akong pumunta sa harap nya at buong lakas loob akong nagtanong. "Hello, nakita mo ba si Mrs. Forteza?" nakangiti ako sa kanya ngayon, baka pag minalditahan ko ito ay hindi sya sumagot. Kailangan kong kapalan ang mukha para matapos ko na 'tong utos sa'kin.



Seryoso nya akong tinignan. Laking gulat ko nang ibalik nya ulit ang paningin nya sa hawak nyang camera at hindi ako pinansin, Ayos din 'to! "Nagtatanong ako ng maayos kaya kausapin mo 'ko ng maayos." matigas kong sabi.





Mas lalo akong nanggigil nang umalis sya sa harap ko at naglakad palayo. Sinusubukan talaga 'ko ng lalaking 'to."Napakasama ng ugali mo! Kinakausap pa kita e', bastos 'to!" sigaw ko sa kanya. Napatigil sya sa paglalakad at dahan dahan akong hinarap.





"Wala 'kong maalala na sinabihan kita ng ganyan noong mga araw na pinagmamalditahan mo 'ko at hindi mo 'ko kinakausap." kalmado nya lang 'yong sinabi pero sobrang tumagos na naman sa puso ko, nakokonsensya na naman ako badtrip!





Napaisip ako. Oo nga, bakit ganito ako ngayon kung makaasta? E' ako naman talaga 'yong unang bastos ang pakikitungo sa kanya. Naging seryoso ang mukha ko at napatungo ako dahil sa hiya. "S-sorry..." ang tagal kong nakatungo, inangat ko ang ulo ko para tignan sya pero agad na bumagsak ang parehas kong balikat nang makitang wala na sya sa harap ko.



Kasalanan ko talaga 'to e'. Ngayon na-realize ko na, Na kung ayaw mong gawan ka ng masama ng kapwa mo, h'wag mo din 'tong gawin. Kailangan kong manghingi ng tawad, 'yong sincere. Nang mahanap ko na si Mrs. Forteza ay ginawa ko na ang inutos sa'kin at dali dali akong pumunta sa pagpapraktisan.




Hindi pa nagsisimula kaya sakto lang ang dating ko. Nakapila na ang bawat sections ng iba't ibang grade. Pumila ako sa linya ng sections namin, alphabetical dapat kaya nasa bandang gitna ako. Hinahanap ko si Klein pero wala 'kong makitang mga kaklase nya. Kaya tumahimik na lang ako sa isang tabi hanggang sa magsimula ang practice.



Tinawag na ang mga pangalan mga may awards sa grade seven. Tahimik pa rin ako ng kaming mga grade eight naman ang tawagin para praktisin ang mga pwesto at pag-akyat ng stage. Nang mga grade nine na ang tatawagin ay umayos ako ng upo at nag-focus sa stage, hinihintay na pumunta na doon si Klein.



Nang umakyat na siya sa stage ay seryoso lang sya at walang reaksyon. nag bow sya sa gitna at umalis na. Malungkot talaga sya dahil wala si Katna ngayon. Nang mga grade ten na ang mga tatawagin ay nilibang ko na lang ang sarili ko na mag-cellphone habang nakaupo sa isang monoblock.



"With high honors...Ylerio, Ranveer Jio L." napasulyap ako sa stage nang tawagin ang pangalan ni Ranveer. Sa section one ay siya ang pinakahuling tinawag dahil siya lang ang nag-iisang with high honors. Napanganga ako sa pagka-mangha. Sobrang pinagpalang nilalang 'to! Ang sabi din ng teacher kanina ay saling ketket muna daw ang mga awardees dito ng grade 10 dahil bukas pa daw ang practice nila para sa moving up.



Brightly in the Velvet SkyWhere stories live. Discover now