"Sobrang wasted, kung kailan gusto kong magbakasyon ay tsaka naman may bagyo!" iritado kong sabi habang nakadungaw sa bintana ng kwarto.
Bumaling ako kay Ranveer at mas lalo akong nairita nang makita kong chill lang sya habang nagbabasa ng libro. Gosh, gusto ko lang naman magbakasyon e'! Gusto ko sanang matulog dahil magandang gawin 'yon ngayong maulan dahil malamig pero binabagabag ako ng katotohanang maraming araw na nasayang sa pagpunta namin dito.
Ilang araw na rin ang lumipas nung manganak si Ate Brittany. Dahil nga maulan, wala kaming masyadong naging ganap. Paminsa'y tutulungan ko lang si Ate na mag-alaga sa anak nyang si Reign. Si Ranveer naman ay madalas na nakikipag-kwentuhan sa iba kong kamag-anak.
"Nagugutom ako..." ngumuso ako. Hindi naman ako nagpaparinig pero parang ganon na nga! Sumulyap ako kay Ranveer at nakita kong wala pa rin siyang imik habang sarap na sarap sa hinihigaan niyang papag.
Fine, may paa naman ako! Kaya ko namang bumili sa tindahan ng walang kasama, err! Bumuntong hininga pa 'ko bago lumabas ng kwarto. Sobrang tahimik ng bahay ngayon dahil natutulog sila tuwing tanghali. Napatingin ako sa labas at mukhang sineswerte nga naman ako, medyo tumila na ang ulan pero makulimlim pa rin.
Hindi ako nagdala ng payong. Nilakad ko ang daan papunta sa tindahan, hindi ko alam kung bakit hindi pa 'ko nagpasama, e' malayo pala ang tindahan dito. I was wearing a white sando and maong shorts, hindi ko rin alam kung bakit ganito ang suot ko ngayong tag-lamig.
Bumili ako ng biscuit and softdrinks. I've decided na dito ko na lang sa tindahan kainin ang binili ko, ayokong mag-uwi ng kalat sa bahay so best choice din na dito na lang ako lumamon. Mabilis ko ring naubos ang pagkain ko and unfortunately, bumuhos ang malakas na ulan.
"What the heck, Alaiah! Bakit ba kasi hindi ka nagdala ng payong? Stupid!" paulit-ulit ko 'yong sinabi. I've no choice but to stay here hanggang sa tumila ang ulan.
Sa di kalayuan ay natanaw ko si Ranveer na naglalakad papunta dito. May dala syang payong, seryoso lang sya habang tinatahak ang daan papunta sa gawi ko. Ang mas nakapukaw pa ng pansin ko ay ang hawak niyang itim na mukhang damit ata?
"Pinuntahan mo talaga 'ko?" tanong ko.
Pero hindi nya 'ko pinansin. Dumiretso siya sa tindahan at mukhang bibili nga ata sya. Ibig sabihin, hindi nya talaga 'ko susunduin, h'wag kang umasa Aiah! Bibili lang talaga sya, hindi ka nya susunduin!
Pagkatapos nyang makuha ang binili nyang piattos ay kinuha nya na ang payong nya, akmang aalis na siya ngunit bigla nyang ibinaling ang tingin sa'kin at sinenyasan akong sumama na.
Sinasabi ko na nga ba, susunduin nya rin talaga 'ko e'.
Hindi pa kami nakakalayo pero napatigil ako sa paglalakad kaya tumigil din siya. Humarap ako sa kanya at tinitigan ko siya sa mata, gusto kong matawa sa reaksyon nya habang hawak hawak nya ang payong. Nakataas ang kilay niya at naguguluhan sa kinikilos ko.
"A-ah gusto ko lang mag-thank you sa pagsundo sa'kin..." umiwas ako ng tingin dahil tinignan nya rin ako sa mata.
"Bumili ako, hindi kita sinundo..." walang reaksyon nyang sabi.
Tumawa ako ng malakas, nagbabakasakaling makalimutan ko ang kahihiyang sinabi ko. "I mean, syempre sinama mo na 'ko pauwi!" hinampas ko pa sya sa braso habang humahalakhak ako.
Inirapan nya lang ako. Maglalakad na sana ulit kami ngunit agad kaming napatigil nang umihip ang malakas na hangin at mas lalong lumakas ang pagbuhos ng ulan. Nanlaki ang mata ko nang liparin din ng malakas na hangin ang payong na hawak ni Ranveer.
YOU ARE READING
Brightly in the Velvet Sky
Teen FictionBITVS: Alaiah Malhotra, a Filipina-Indian and also a successful film director in the industry of Bollywood. Her love story will face different challenges. The question is, will she overcome those challenges with just love?