Contract 8

53 19 3
                                    


© Photo by Google Images

__________

Twyla's Point of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Twyla's Point of View

Hinawakan ko pa yung mukha niya. Totoo talaga eh. Pero ano bang ginagawa ni boy dito? At panong...?

"Baka malanay ako niyan." Aba...anong ibig niyang sabihin? Sobrang gwapo niya kaya tinititigan ko siya? Ganyan naman yan sa mga movies diba?

Kaya imbes na iiwas ako ng tingin ay mas tinitigan ko siya. Kaya nagkatitigan lang kami ng ilang segundo? Minuto?

"Twyla sino--" Nabitawan ni Ali yung dala niyang...wala pala siyang dala.

Pero inilihis ko na ang tingin ko. Parang biglang naging awkward eh...

"Ali, sino ba kasi 'yan? At parang na-starstruck kayo?" Dinig kong tanong ni Marissa. Starstruck daw? Ano si boy? Artista?

"Wala, friend ko lang. Papasukin ko ba?" Tanong ko. Eh kasi...ewan ko at baka magalit sila kapag nagpapasok ako ng kahit na sino sa dorm. Especially, kapag lalaki.

Yes, depende sa amin kung magpapasok ba kami ng lalaki. Hindi naman kasi for 'girls only' yung buong building na ito eh.

Kasi, yung 1st at 2nd floor ay dorm para sa mga babae. Tapos yung 3rd at 4th floor naman yung para sa lalaki. Ganon din sa kabilang building. Hindi ko nga alam eh kung bakit ganon yung arrangement. Siguro trip lang nila noh?

Isipin niyo lang na parang hotel lang yung peg. Hindi nga lang pwedeng magkasama ang babae at lalaki sa iisang dorm. Unless, kung bumibisita lang.

"Sino ba kasi 'yan?" Sigaw niya para marinig namin.

"Si Blake." Simple kong sagot.

Oh? Bakit hindi pa sumasagot tong si Marissa? 'Wag niyang sabihin na nakaka-freeze ng tao yung pangalan ni Blake?

"Marissa? Hoy! Papasukin ko ba?" Napalingon ako sa likod ko at nakita ko siyang naka-tayo na bahagyang naka-buka ang bibig. Oh? Nakaka-freeze talaga?

"Hoy!" Sigaw ko ulit at siguro ay natauhan na siya. Bigla namang dumating si Ella na basa ang kamay. Siya kasi yung naghugas ng pinag-kainan namin.

"A-Ah...O-Oo...S-Shempre...S-Sure...Y-Yes...O-Of Course?" Napa face palm nalang ako at hinila na si Blake papasok. Pina-upo ko siya sa sofa habang si Ella naman na hindi masyado na shookt ay kumuha ng tubig. Hanggang ngayon si Ali at Mari ay speechless pa din ah! Ang tahimik ata nilang dalawa.

"Boy, sagutin mo ako. Bakit ka nandito?" Tanong ko. Aba, ang dami ko pang isusunod na tanong noh.

"Bakit? Hindi ba pwede? Kasi, aalis nalang ako." Edi mas mabuti. Agad akong kinurot ng pasikreto ni Mari. Aba, ano yun? Secret Technique?

"Ah...hindi yun ang ibig sabihin ni Wyla." Aish! Malantod tong si Mari ah. Ito namang si boy, tumango lang.

"Pssh, paano mo pala nalaman na nagdo-dorm ako?" Baka sabihin niyang stalker ko siya ah.

A Contract With TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon