Contract 6

63 20 0
                                    

Twyla's Point of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Twyla's Point of View

Nasaan ako? Halos puti ang nakikita ko. Nasaan ba ako? Parang pamilyar...

Nasa ospital ba ako?

Napatingin ako sa baba at nakita ang isang baby na babae na nasa loob ng incubator. Natutulog lang ito na parang anghel hanggang sa...

Umiba na naman yung lugar? Nasa isang book store kami. Tapos yung baby ay lumaki na. Mga nasa 5 years old na.

Namimili ng educational books yung babae at kinukuha lahat ng nagugustuhan niya.

Nag-iba na naman yung lugar at wala akong makita kahit yung bata. Madilim dito. Ayoko dito. Nasaan yung mga magulang ko? Gusto ko nang umuwi! Ibalik niyo ako!

Mommy! Daddy!

Napa-upo ako bigla at hinihingal. Huh? Nasa ospital ba talaga ako? Nakahiga ako sa isang hospital bed eh.

"Nasa clinic tayo." Rinig kong boses ng isang lalaki. Paglingon ko ay nakilala ko agad ito.

"Blake? Anong nangyari?" Tanong ko. Napahawak ako sa mga mata ko. Bakit basa? Pinagpawisan ba ako?

"A-Ano to?" Tanong ko.

"Umiyak ka habang wala kang malay." Huh? Umiyak ako? Bakit? Wala akong naaalalang makaka-pag paiyak sa akin.

"Yung kanina pala...hehe s-sorry...parang ayaw kasi ng kapatid mo na tawagin siyang Drake." May pa kamot-kamot pa ako ng ulo.

"Oo nga. Ano bang nangyari at na-uwi iyon sa ganon?" Tanong ni boy. Kwinento ko naman lahat sa kaniya at puro lang siya tango. Shempre, except dun sa mga weird parts katulad pag-uusap namin ni Henry. Pagkatapos nun ay nagising nalang ako na nandito na.

"Mabuti at naigalaw mo na ang kamay mo." Ah? Teka...naaalala ko na. Oo nga pala noh.

"Hinimatay ka noong papunta palang sana tayo sa clinic kaya binuhat kita papunta dito." Binuhat? Talaga? Ako? Tinignan ko yung orasan. 2:43. Teka, 2:43?

"Ilang oras kanang nandito? Wala kabang pasok?" Tanong ko agad. Aba...mukhang mas malaki yung utang na loob ko sa kaniya...

"Mag da-dalawang oras na din." Dalawang oras? Eh ang tagal nun.

"Pero, paano yung klase mo?" Kinindatan niya lang ako.

"Hindi ako pumasok. Ang mahalaga ay okay kalang." H-Hindi siya pumasok p-para sa a-akin?

"Oh? Nilalagnat kaba? Bakit namumula yung pisngi mo?" Hinawakan niya pa yung noo ko.

"Ok ka lang ba talaga? Hindi ka naman mainit. Sabi din pala ng doctor na hindi ka nabalian pero na dislocate lang yung buto mo pero ngayon ay ok na daw." Y-Yung pisngi ko? Nag bu-blush ba ako? Bakit? Pero mabuti nalang at ok na yung kamay ko.

A Contract With TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon