Contract 16

33 12 0
                                    

Twyla's Point Of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Twyla's Point Of View

Mabilis akong tumakbo. Halos tinawag ko na lahat ng mga santo para lang hindi ako madakip sa mga humahabol sa akin ngayon.

Napalingon ako sa likod ko. Huh? Nawala na sila? Luh...salamat lord! Babalik na talaga ako sa dorm at hindi na talaga ako sisilip sa mga eskinita! Promise po 'yan!

Nagsimula na akong maglakad ng may na-realized ako...

"Saan na nga pala ako?" Jusko! Sabi ng bago pa ako sa Maynila eh. Pa'no nato? Tinignan ko yung cellphone ko. Dinikitan talaga ako ng malas ngayong araw na toh...pano ba naman? Eh lowbatt yung cellphone ko kakalaro ko kanina. Hindi niyo kasi naitatanong pero...mahilig din ako sa games...lalo na yung mga 'racing'. Alam niyo naman ako diba? Hindi masyadong pala kaibigan...kaya yung internet at games ang naging kaibigan ko.

Pero balik tayo sa topic! Saan na nga ba ako? Grabeh...kung hindi pa ako aalis dito baka maabuta--

"Hulika!" Bigla akong nanginig nung marinig ko ang pagsigaw ng isang lalaki.

"Nandito ka lang pala." Nanindig din ang balahibo ko nung hawakan naman ako sa balikat nung isa...pero aaminin ko...medyo husky yung boses nung lalaki na humawak sa balikat ko. Ahhh!!! Lumalandi pa talaga ako sa sitwasyon ko ngayon!? Twyla naman oh! Magtino ka muna!

Nawawalan na talaga ako ng bait...hindi ko kasi alam yung gagawin ko...kahit ano kasing gawin ko, ang lakas ni kuya eh! Hindi talaga ako makawala kaya no choice...sumama nalang ako sa kanila...

Huhuhuhu...ayoko na po...

"Ano pong gagawin niyo sa akin? Rapist po ba kayo o holdaper? Huhuhu wala po 'kong pera." Hindi naman sumagot si kuya manong kaya tumahimik nalang ako.

Pagpasok ko sa eskinita ay nandoon parin yung dalawang lalaking binugbog nila...pero nakatayo? Tapos nagtatawanan pa sila? Nilingon ko yung si kuyang nakahanap sa akin.

"S-Sino po ba talaga kayo?" Kinakabahan kong tanong.

"Saan na ba siya!?" Napatingin kaming lahat sa lalaking sumigaw. Luh...nag a-adik siguro.

Kinabahan ako nung napatingin siya sa akin at dahan-dahang lumapit.

"Ikaw ba yun? Ha!?" Napalunok ako. Katakot ka naman kuya eh! Ba't ba kasi siya sigaw ng sigaw? At anong ako?

Napapaatras nalang ako dahil ang lapit na niya sa akin. Naramdaman ko nalang ang matigas na pader sa likuran ko. Hala...wala na akong kawala...gaga ko naman kasi eh! Dapat tumakbo nalang ulit ako! May pa atras-atras pa kasing nalalaman.

Mas lumapit siya sa akin at mas kita ko ang...g-gwapo niyang m-mukha...ahhh!! Hahalikan ba niya ako? Luh...wag! Virgin pa yung lips ko eh. Huhu naka-reserved na 'yan sa magiging boyfriend ko. Ayoko...yak!

Tumingin ako sa ibang direksiyon. Para kung hahalikan niya talaga ako...at least sa cheeks nalang.

"You look familiar." Bulong niya.

A Contract With TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon