Contract 17

38 13 0
                                    

© Photo by Google Images

__________

Twyla's Point Of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Twyla's Point Of View

Natawa ako kaya napatingin sila sa akin.

"Ba't ka tumatawa?" Mas natawa tuloy ako sa reaksiyon nila.

"Sabi ko na nga ba't para sa iba ang package na ito eh!" Tumawa ulit ako. Panalo ako! Hindi kasi sila naniwala eh. Nakakita pa kami ng baby picture ng taong hindi naman namin kilala.

Isabelle Azleya? Sino kaya siya? Dapat  namin ibalik--este ibigay yung package sa kaniya. Pero grabeh yung parents niya ah...nagpadala pa ng package para sa isang picture? Mayaman siguro. Well...baka importante talaga kaya huwag ko na dapat i-judge.

Tumayo nalang ako at nag-open ako ng FB ko. Isinearch ko agad ang 'Isabelle Azleya' pero walang lumabas. Luh...akala ko mayaman tapos FB Acc. man lang, wala? Baka walang signal sa kanila.

*Ding, Dong* *Ding, Dong*

Agad akong napatalon. Anak ng...kabayo. Hindi ba ako tatantanan nung lalaking iyon.

*Ding, Dong* *Ding, Dong*

Doorbell niya ulit.

"Twyla, ikaw na naman mag-bukas please~ kami na maglilinis dun sa package." Inirapan ko si Mari. Hindi all the time magpapadala ako sa puppy eyes effect niya. Hindi naman talaga siya cute tapos isa pa...

"Ayoko. Baliw ang nasa labas ng dorm natin kaya 'wag niyong buksan." Pagtanggi ko at humiga ako sa kama ko. Guso ko tuloy magbasa ng libro. Ang sabi nila sila na daw bahala maghanap dun kay 'Isabelle' na yun kaya pinabayaan ko nalang sila.

Kumuha nalang ako ng isang pocket book at babasahin na sana iyon kaso...

*Ding, Dong* *Ding, Dong*

Aish! Pinaglalaruan niya na ata yung doorbell namin eh! Tapos hindi ako makapag-concentrate kasi ang ingay.

*Ding, Dong* *Ding, Dong*

"Wyla, sino ba kasi yung nasa labas?" Tanong ni Ella.

"Wala nga. Pabayaan niyo nalang. Mapapagod din 'yan--"

*Ding, Dong* *Ding, Dong*

"Mapapagod pala huh?" Inirapan ko nalang sila.

"Maghintay ka--"

*Ding, Dong* *Ding, Dong*

Kumuyom yung kamao ko. Nakakainis na ha...nakakainis na...isa. nalang talaga...isa--

*Ding, Dong* *Ding, Dong*

"Pagbuksan mo na Twyla. Pursigido ata." Tumawa pa si Mari. Wow...galing pa talaga sa taong 'nagbubukas din ng pinto'.

Isa nalang talaga...as in isa na--

*Ding, Dong* *Ding, Dong*

"Buksan mo na kasi Wy. Ang ingay na." Reklamo ni Ali pero hindi ko nalang siya pinansin.

A Contract With TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon