Contract 22

35 11 2
                                    

Twyla's Point Of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Twyla's Point Of View

"Bakit ka nandito?" Inirapan ko siya.

"Dahil wala ako doon." Pilosopo niya sagot tapos nag-smirk pa. Sus! Kani-kanina lang, pinapagalitan ako tapos ngayon...tss.

"Bahala ka sa buhay mo. Mag co-commute ako. Tseh!" Nilagpasan ko lang sasakyan niya. Kala niya kaya sasabay ako sa kaniya.

"I said, get in." Sabi niya. Mabagal lang ang pagpapaandar niya sa kotse niya para makasabay sa akin tapos nakababa ang bintana niya.

"Inuutusan mo ba ako?" Tanong ko habang naglalakad pa din.

"Yes. Inuutusan kita. Get in." Napahinga nalang ako ng malalim bago ako huminto sa paglalakad at nilingon siya.

"At sino ka para utusan ako? Maid mo ba ako? Hindi naman diba? Tapos ang sabi mo goodluck sa akin? Eh bakit ka nangungulit diyan?" Inirapan ko na naman siya. Ewan ko ba sa kaniya. Kainis siya!

"I'm your boyfriend remember?" Tapos ngumisi siya ng nakakaloko.

"Heh! Boyfriend in your dreams! 'Di naman yun totoo! Tapos isa pa, kung boyfriend talaga kita, utusan ba yung mga girlfriend?" Naglakad na ulit ako. Wala akong paki sa kaniya kung maubos yung gasolina niya kakasunod sa akin. Mayaman naman siya eh.

Mas binilisan ko yung lakad ko pero bakit...parang hindi na siya sumusunod? Tinignan ko yung likod ko. Huminto na yung sasakyan niya. Ha! Huwag niyang sabihin na naubos na talaga ang gasolina niya? Edi perfect! Hindi na niya ako masusundan. Kala niya kaya hindi ko alam ang papuntang Ramirez University? Neknek niya, manigas siya.

Naglakad lang ako. Yung normal na ang bilis. Nang biglang may malamig na kamay ang humawak sa wrist ko.

"Ang kulit mo talaga. Tsk." Hinila niya ako papunta sa pwesto ng kotse niya.

"Bitawan mo nga ako. Ang lamig ng kamay mo! Huwag mong higpitan ang pagkakahawak uy, masakit!" Sigaw ko. Bahala na yung mga tao diyan na isipin na paranoid ako. Wala pa din akong paki.

"Bitawan mo nga ako sabi eh. Idedemanda talaga kita! Ay huwag nalang pala, baka bayaran mo pa yung judge para kumampi sa'yo." Nagpahila nalang ako. Useless lang naman eh kung lalaban ako. Ba't ba kasi mas malakas yung mga lalaki kesa sa mga babae? Siguro, dapat na talaga akong mag-gym nito.

Hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng kotse niya. Binuksan niya ito at itinapon ako sa loob. Ang harsh ah...di bale, tatakas ako kapag pupunta na siya ng drivers seat hehe.

"Huwag mong subukang tumakas. Magsisisi ka talaga." Napalunok ako ng laway ng biglang sumeryoso ang boses niya.

"O-Opo, sir." Sagot ko nalang. Baliw ata toh eh...paiba-iba ng mood.

A Contract With TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon