Contract 10

46 18 0
                                    

Twyla's Point of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Twyla's Point of View

Muntik na akong maiyak dun ah! Tinignan ko yung likod ko at nakita ko si Ali na umiiyak na at si Ella na iniirapan lang ang kaartehan ni Ali.

"Ang ganda naman ng pamilya mo Baby girl." Pasinghot-singhot pa na sabi niya.

"Pero Wyla, bakit parang nagpa-paalam yung mga magulang mo? Hindi kaya't may sakit sila pareho?" Tanong ni Wella. Napansin ko din yun ah! Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan sila Mama. Naka-dalawang ring na ako at sumagot naman sila.

[Wyla? Napatawag ka?]

"Salamat po sa mga regalo ma! Paki-salamatan mo na din ako kay tito, tita, kay Andrew at kay Ate."

[Sige-sige walang problema basta ikaw anak!]

Sumisingit talaga palagi si Pops.

"Ma, may tanong po ako."

[Ano yun nak?]

"May sakit ho ba kayo o si papa?"

Biglang natahimik ang kabilang linya kaya kinakabahan ako.

[Yung nanay mo nak ang may sakit.]

Nanlaki bigla ang mata ko. At narinig ko ang pag-ubo ni Mama.

"Ha!? Bakit hindi niyo po sinabi agad? Pops, malubha po ba? Ano pong sakut ni Mama?"

Nakarinig ako ng tawa.

[Anak, may-ubo lang ang mama mo haha.]

Hayyss...akala ko pa naman kung anong malubha na. Alam ko naman talaga ang totoong tawa ni Pops at masasabi kong hindi nga siya nagsisinungaling.

"Pops naman eh...kinabahan ako dun."

[Oo nga. Kaya ikaw Twyla anak. 'Wag kang gumaya sa tatay mong puro biro ang tumatakbo sa utak.]

Tumawa naman ako. At nag-usap lang kami ng mga 5 minutes bago kami natapos sa pag-uusap.

*Call Ended*

"Oh, anong sabi?" Tanong ni Ali.

"Wala naman silang sakit. Pinrank pa nga nila ako." Nakahinga din naman sila ng maluwag.

"Anong pinag-uusapan niyo at ano yang box na hawak-hawak mo?" Biglang singit ni Marissa na kakatapos lang maghugas.

"Mga gifts lang." Nag iba bigla ekspresiyon ni Marissa.

A Contract With TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon