Contract 20

38 12 0
                                    

Twyla's Point Of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Twyla's Point Of View

Biglang lumakas ang ihip ng hangin kasabay ng pag-labas ni Kairo sa classroom nila. Hindi ko maiwasang isipin yung sinabi ni Blake...

Baka na pa-paranoid lang ako dahil palagi kong naririnig yung pangalan o surname niya. Gaya nalang kanina nung sinabi ni Kairo na muntik na daw mapunta sa mga Ramirez yung restaurants nila. Wait...may bussiness ba sila Blake? Kinuha ko yung cellphone ko nang biglang nagsalita yung katabi ko.

"Punta na ba tayo? Mukhang busy ka ata?" Sabay tingin-tingin niya sa ginagawa ko.

"Ah...hindi naman. Tara." Inilagay ko nalang ulit yung cellphone ko sa bag. 'Di bale na nga, may mamaya pa naman.

"Lessa, p-paborito mo parin ba yung A-Adobong Manok ala Villanueva?" Nahihiya niya pang tanong. Ngumisi ako ng napakalaki.

"Shempre naman! Bakit mo natanong?" Napakamot ulit siya sa batok niya. Alam niyo yung sikreto ng Adobo kaya masarap? Shempre, hindi ko sasabihin. Secret nga eh.

"Sinabihan ko kasi sila mama na pupunta ka sa bahay kaya magluluto daw siya ng Adobo. Buti nalang at gusto mo pa din pala iyon." Natawa nalang ako. Excited na tuloy ako.

Naglakad kami papunta sa parking lot. So, may kotse na pala siya ha.

Tapos na pala siyang mag-birthday ngayong taon...

Huminto kami sa tapat ng isang itim na sasakyan. Literal talaga akong napanganga. Ang shiny pa nung kotse ah. Parang bago.

"Kailan mo toh binili?" Namamangha kong tanong.

"Last week lang." Bago nga.

"Magkano?" Tanong ko pa. Huwag na kayong echos! Curious si ate ghorl niyo eh.

"Mga...nasa 5.5 Million ata?" Nanlaki ang mata ko.

"5.5 Million? Ganun na ba kayo ka asenso?" Natawa lang siya sa reaksiyon ko. Huwag niyang sabihin na mura lang 'yan para sa kaniya.

"Hindi. Ipon ko ito nung nagdaang taon." Ipon?

"Nagtatrabaho ka ba? Hala...ba't hindi mo ako binalikan dun sa probinsiya? Ang yaman mo na pala." Nag-pout pa ako. Kahit minsan hindi talaga siya bumisita eh.

"Oo. Tumutulong din ako sa pag-ma-manage ng mga restaurant namin kaya may share ako. Tapos binigyan naman ako nila mama ng isang milyon nung kaarawan ko kaya dinagdag ko na iyon para pambili nito." Proud niyang sabi. Aba, mayayamanin ah! Isang milyon talaga yung reagalo niyo? Hay...jusko po. Eh halos limang taon ko pa yang pag-iipunan tapos siya? Regalo? Ang taray ah! Edi kayo na! Kayo na yung mayaman! Maghintay lang kayo...magiging mayaman din ako balang araw hehe (evil laugh 'yan).

"Halika na. Sumakay ka na." Pinagbukasan pa niya ako kaya sumakay na ako. Aba...gentleman ah.

Paglabas namin sa parking lot, ay yun naman ang pagbuhos ng malakas na ulan. Malas...

A Contract With TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon