Contract 18

45 13 0
                                    

Twyla's Point Of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Twyla's Point Of View

"What!? Ba't mo tinatanong?" Tanong niya. Sus! Ang slow ah. Ang OA pa ng reaksiyon.

"Sagutin mo nalang. Yes or No?"

"No. Of course." Wow...of course talaga ah...para naman akong hindi crushable niyan eh.

"Edi bakit ako ang gagawin mong girlfriend?" Napahinga siya ng malalim.

"You're diffirent. Don't compare yourself to her. At isa pa, I don't have enough time. Once na ma-arrange ang marriage, wala nang atrasan. Ikaw lang yung kilala kong walang may gusto sa akin." Bigla akong napa-ubo. Ako lang yung walang may gusto sa kaniya? Wow...sobrang bilib sa sarili ah...binobola pa akong 'diffrent daw'.

"Please, pumayag kana. I already transfered the money. Kung gusto mo, weekly ako magbibigay sa'yo. Just be my girlfriend." Napataas ako ng kilay.

"Anong na transfer mo na?" Tanong ko. Naguguluhan na ako.

"Did you receive the text that says 'you won Php 10,000?' Well, it's my number. Akala ko papayag ka kaya na-transfer ko na yung pera." Nakatitig lang ako sa kaniya...the hell...

"Anong...hindi ako bayarang babae para gawin lang ang gusto mo." Anak ng...binayaran niya pa talaga ako?

"Wala na kasi akong magagawa para papayagin kaya I thought..."

"Akala mo mabibili ako ng pera mo." Pagputol ko sa kaniya.

"Uh huh. So ano payag kana? It's just 3 months." Nakangiting sabi niya.

"Kapal ng mukha mo." Akala niya ganon lang ako kadaling papayag? Anong tingin niya sa akin? Mukhang pera?

"Please. Pumayag kana. Help me." Inirapan ko siya.

"No. I don't need your money. Isaksak mo pa 'yun sa baga mo. Ibabalik ko yon sa'yo." Kinalabit ko ulit yung pinto pero ayaw bumukas.

"I-unlock mo yung pinto." Utos ko na hindi niya pinansin.

"Diba dream school mo ang Ramirez University?" Napalingon ako sa kaniya. Anong pino-point niya? Tumango nalang ako.

"Be my girlfriend for 3 months and I'll give you full scholarship para makapasok ka sa school ko. Hindi ka maki-kick out kahit low ang grades mo basta, huwag ka lang mam-bully." Bigla akong natigilan. Ramirez Univerty...? Yung pinapangarap kong paaralan...

"Ano deal? Full Scholarship hanggang grumaduate ka." Biglang kumabog ang dibdib ko...a-anong pipiliin ko...3 months lang naman diba? Tapos magbe-break naman kami eh...

"H-Hindi parin ako papayag." Nag-pout naman siya bigla.

"Please~?" Inirapan ko siya.

"Hindi ka cute. Tigilan mo 'yan." Huminto naman siya sa pagpapa-cute niya.

A Contract With TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon