Contract 21

37 13 6
                                    

Twyla's Point Of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Twyla's Point Of View

Nagising ako sa liwanag na sumilaw sa mukha ko. Napapahid tuloy ako sa laway ko. Sherep kasi ng tulog ko. Nasa 'eat all you can' daw kami. Buti nalang at hindi CR yung napanaginipan ko kundi...lagot na.

Pero may kakaiba eh...parang...

Anak ng patatas!

Alas-otso na!? Lang hiya...naman oh...male-late na ako...

Dali-dali naman akong tumayo at naligo. Grabeh...nakalimutan ko palang mag pa-alarm dahil chinacharge ko yung phone ko kagabi. Kasalanan talaga toh nung marathon-marathon namin eh...

Pumunta na ako sa kusina pagkatapos kong maligo at magbihis. Sinuot ko din yung uniform ko. Oo. Naka-uniform ako.

Yung ibig sabihin pala nila Ali noon na pwedeng casual lang yung suotin ay hanggang sa katapusan lang ng August. Alam niyo kung bakit? Dahil may mga first year daw kasi na wala pang mga uniform kaya pwedeng casual muna yung suotin. Kaya eto ako ngayon, naka-uniform na nga. Kumuha ako ng pinggan at nagsimula ng kumain.

Teka, the what!? Ngayon ko lang na-realize na wala na pala yung tatlo. Iniwan ba naman ako? Tapos hindi man lang nila ako ginising?

Gutom pa din ako ng matapos akong kumain. Pero wala na akong choice eh. Kinuha ko na yung cellphone ko at inilagay sa bag ko bago ako umalis. Ni-lock ko na din yung dorm, pinatay ang mga ilaw at appliances pati yung gripo. So, i'm ready to go...

Tinakbo ko na talaga yung papuntang school. Mabuti at malapit lang naman ang dorm sa school. At kung nagtataka na naman kayo, ang dorm na tinutuluyan namin ay part parin ng Ravanela University. Kaso, sa labas ito ng campus and exclusive lang sa mga students na nag-aaral don.

Nung nandon na ako sa main gate, tinry kong i-swipe yung ID ko pero ayaw talaga bumukas. Hala...ba't hindi ako makapasok? Lumipat ako sa kabila. Baka sira lang. Pero yung parin...ayaw talaga akong padaanin nung mga metal bars. Nakalimutan ko ang tawag dun basta yung isa-scan yung ID mo tapos pwede ka nang pumasok.

"Manong guard, ba't ayaw akong papasukin?" Tanong ko sa sa guard na naka-duty.

"Estudyante ka po ba dito maam?" Tanong niya.

"Ay manong, tinatanong pa po ba yan? Hindi mo naalala ang maganda kong mukha?" Tanong ko. Kalerki talaga tong si manong...hindi man lang ako naalala. May quiz pa naman kami ngayong second subject ko.

"Wait lang po maam ah. Titignan ko muna sa listahan." May kinuha naman si manong guard na asul na malaking notebook at binuksan ito. Kita dito yung picture, pangalan at year ng lahat ng estudyante doon.

"Ano pong pangalan at year niyo maam?" Tanong niya.

"Twyla Yellesa Zapanta, 1st year po. Yung may magandang mukha." Sabi ko. Tumango-tango naman si kuyang guard.

A Contract With TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon