Contract 13

33 16 0
                                    

Twyla's Point of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Twyla's Point of View

"Ano? Anong magkahawig?" Bulong ko sa kaniya.

"Basta...sa labas ko nalang sasabihin." Tumango naman ako at ibinigay na nung librarian ang librong hiniram ko.

"Salamat po." Sambit ko at naglakad na.

"Walang anuman hija." Pahabol niyang sabi.

Nag log-out muna kami bago lumabas.

"Anong magkahawig kami nung librarian?" Tanong ko agad kay Em.

"Kasi...parehas kayong matangos ang ilong at yung kulay ng mata niyo. Tapos may ilan pang features sa mukha mo na parehas kayo." Hindi ko maintindihan kasi...

"Marami namang tao ang may matangos na ilong na kulay brown ang mata ah!" Angal ko.

"Oo alam ko...pero iba yung feeling ko eh..." Nag isip-isip pa siya bago nagtanong.

"Twyla...may mga magulang kaba?" Ok...medyo nagulat ako dun kasi bakit naman na punta sa mga magulang ko yung topic? Bahala na nga, sasagutin ko nalang.

"Meron shempre." Tumango siya at napaisip ulit. Luh! Ano kayang trip ng babaeng toh?

"Um...may mga kapatid ka?" Umiling ako. Ba't naman naging kapatid na yung usapan?

"Twyla...may picture kaba ng mga magulang mo?" Napakunot ang noo ko.

"Bakit ka nagtatanong? Teka...ba't ba ang dami mo ding tanong?" Umiwas siya ng tingin.

"Kasi...baka...alam mo na..."

"Ang alin?" Tanong ko. Paligoy-ligoy pa kasi eh...diretsuhin niya nga lang ako.

"W-Wala...gusto lang kitang makilala ng lubusan." At ngumiti pa siya...yun lang pala eh...

"Hindi nga din kita kilala ng lubusan eh. Kaya patas lang tayo." Huminga siya ng malalim.

"Gusto mo ba ako makilala?" Napaisip muna ako...hmm...kung kaibigan ko kami...

"Oo." Kikilalanin ko muna kung sino siya. Mahirap ng magtiwala ulit sa taong hindi naman dapat pagkatiwalaan.

Ngumisi siya sa akin. "Sige." Sambit niya.

"Yung full name ko is Emily Dior Arnaiz. 17 years old. Sa November 8 pa yung birthday ko. Um...medyo may kaya kami kasi nagpapatakbo ng Merchandising Business yung mga magulang ko." Wow...

A Contract With TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon