Contract 7

51 19 4
                                    

Twyla's Point of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Twyla's Point of View

Naguguluhan na talaga ako dito ah...paano ba toh? Medyo complicated yung pagka-explain sa libro eh. Paano kaya to i-solve?

"Mahirap ba?" Tanong ng katabi ko. Nandito parin ako sa library.

"Oo eh...--" Teka...napalingon ako sa katabi ko. Pambihira! Si Blake na naman?

"Stalker kaba?" Diretso kong tanong.

"Huh? Hindi. Assuming mo masyado." Tapos ginulo yung buhok ko? Ano yun? Teka...ganito yung nangyayari sa mga kdrama ah... yung ginugulo nung lalaki ang buhok nang babae tapos naging close sila tapos...tapos...nahulog sila sa isa't-isa at naging mag bf-gf hanggang sa malaki na sila. Nagpakasal na at may pamilya na. Tapos happy ending! Teka...teka...ang layo na nang imagination ko.

"Hoy!"

"Ay kabayong tinola!" Bakit ba kasi mahilig mang-gulat ang mga tao ngayon? Tapos puro pa kabayo yung nasasabi ko.

"Kabayong tinola? Ano yun?" Nagtatakang-natatawa niyang tanong.

"Ewan ko." Para kasing pinag-tatawan ako nang lalaking to eh. Bumalik ako sa pagso-solved nung napaka-complicated na problem.

"Akin na nga 'yan." Aba't kinuha niya pa yung libro.

"Akala ko marami kayong libro sa bahay? Ba't mo to kinukuha?" Sabay hila nung kinuha niyang libro.

"Hahaha tanga. Tutulungan lang kita. Hindi ko 'yan aagawin." Natatawa niyang sabi. Ouch, tanga talaga?

"Mas tanga ka. Ang lakas ng tawa mo! Baka ipalabas tayo dito sa library." Pasigaw na pabulong kong sabi sabay irap.

Tapos itong si Blake, hindi ako sinagot? Sulat lang siya nang sulat. Kung maka-sulat parang wala ako dito eh.

Hindi ko siya pinansin at binuksan ko nalang yung ibang libro. Parang ayaw niya kasi isa uli yung kinuha niyang libro sa akin eh.

Mga dalawang minuto lang yung nag-daan bago siya nagsalita ulit.

"Ito na." Sabay balik nung textbook na may kasamang notebook.

"Ano to?" Para saan naman kasi yung notebook? Anong tingin niya sa akin hindi afford ang isang kwaderno kaya binibigyan niya ako? Aba, walang hiyang lalaki din toh ah.

"Tignan mo lang." Tapos uutosan na naman ako? Akala ko ba mag-kaibigan na kami? Yun pala gusto niya siguro gusto talaga ako nitong maging maid.

Binuksan ko nalang. Tapos puno ito ng mga equation tapos may mga nakasulat na parang steps? Aanhin ko ba ito? Hindi ko maintindihan. Ano ba to? Nag-salubong lang yung kilay ko habang tinitignan ang laman nung notebook.

"Akin na nga." Tapos kinuha niya ulit yung notebook. Anong trip niya?

"Ganito kasi 'yan." Lumapit siya sa akin. Oy! Hindi niya ako hahalikan ah! Tapos may tinuro-turo siya sa notebook niya. Nakinig lang ako sa mga sinasabi niya at pina-process ko yun sa utak kong matalino. Mabuti at hindi nga sumabog yung utak ko eh. Sa dami ko nang alam. Baka full storage na'to. Kailangan ko munang mang-delete ng cache data at yung mga junk na, katulad nung mga...basta...nevermind nalang. I de-delete ko na naman din eh. Wala na akong paki sa kanilang mga mukhang pera.

A Contract With TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon