Contract 11

42 18 0
                                    

Twyla's Point of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Twyla's Point of View

Lunes na ngayon at todo study talaga ako dahil hindi ako nakapag-aral nong birthday ko dahil sa kapaguran.

Mga isang linggo nalang kasi yung natitira at contest na. Jusko po! Kinakabahan na ako to the max.

Hindi ko rin nakita si Blake. Nag-text ako sa kaniya pero wala siyang reply. Anyare sa kaniya? Nag-sisi ba siya na binigay niya yung fountain pen kasi mamahalin? Ay...bahala na siya sa buhay niya. Basta, kailangan ko lang siyang talunin.

Sa araw ng contest namin ay walang klase para libreng manood ang lahat ng mga estudyante. Pero kailangan parin naming pumasok.

***
Friday na ngayon at sa Monday na ang contest namin. Pero hanggang ngayon ay hindi parin nagpapakita o nagpaparamdam man lang si Blake. Nag-aalala na tuloy ako at baka ano na ang nangyari sa kaniya. Pero siguro...hindi na yun pumasok at baka nag-review yun magdamag sa bahay nila kaya kailangan ko ring mag-review.

Sinulit ko yung buong sabado ko sa pag-aaral at todo suporta naman sila Ali, Ella at Mari. Haha nakakatawa lang kasi, lahat ng gusto kong kainin binibigay nila eh.

Dumating ang linggo at alas-singko na ngayon ng hapon. Nag-simba kasi ako kanina. Kaya ngayon naman, back to study na ulit. Pagkatapos kong kumain, study na naman hanggang sa pagpatak ng alas-otso ay biglang nag-ring yung phone ko. Tinignan ko kung sino at agad ko siyang ni-replayan.

From: Blake
To: Twyla

Sorry, hindi ako nakapag-reply noong mga nakaraang araw. May inaasikaso lang kasi ako. Goodluck pala sa atin bukas!

From: Twyla
To: Blake

Thanks! Goodluck din sa'yo! Talunin mo ako ah! Kung kaya mo~

Seen zone...

Pinatay ko nalang ang phone ko at hinagis ito sa kama. Kung mag re-reply ka, dapat tuloy-tuloy! Aba, sineen zone lang ako? Ang sama niya talaga! Wala man lang kahit 'Thank you' or 'You're Welcome'? Edi bahala ka sa buhay mo! Sisiguraduhin kong tatalunin talaga kita boy!

Natulog ako pagkatapos nun dahil maaga pa ako bukas. Iba-ibang emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan na excited at confident tapos nag-aalala na ewan ko!

Binigyan ako ng copy ng schedule sa program. Although, may nakapaskil naman sa dingding.

Eto yung schedule:

               Opening Ceremony

8:30-8:35       Prayer
8:35-8:40       National Anthem
8:40-8:45    Welcome Address/Calling
                         Of All Participants
             By Mr. Dylan Jacinto Ravanela
                       Univesity President
8:55-9:00       Rules and Instructions
            
        Quiz Bee Schedule (By Year)

A Contract With TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon