NATHALIE ZIN'S POV
nagising na lang ako ng may naramdaman akong kumakalabit sa akin
Bumangon ako galing sa pagkakadukdok at sinuot ang salamin ko sa mata
Sinamaam ko ng tingin ang hayup na nangistorbo sa pag tulog ko
Pero ganun na lang ang gulat ko ng makita ko ang prof namin na nakatingin sa akin ng masama
Isang panot na lalaki na pango at malaman laman ang katawan
Agad akong napatayo sa pagkakaupo ng bigla niyang hampasin ang lamesa ko
Kita ko naman sa mga kaklase ko na lahat sila ay nakatingin sa akin. Yung iba nakangiti, yung iba natatawa
"name miss?" mataray niyang saad, mukhang terror pa ang prof na toh ah! At hindi lang siya basta terror! Dahil bakla siya!
"nathalie zin villareal sir" sabi ko mas naging matalim ang tingin niya sa akin.bakit? Ano bang sinabi ko?? "ah! I mean maam" sabi ko tumango naman siya at bumalik siya sa harapan
Agad naman akong umupo at napatingin na lang ako sa likuran ko ng makarinig ako ng naghihigikan. Sinamaan ko ng tingin sila vicky at bea ng makitang sila yun
Hindi man lang ako ginising ng mga hangal! Lagot kayo sa akin!
Binalik ko ang tingin ko sa harap kung saan makikita ko ang prof ko na putak ng putak! Eh nadiscuss na ni maam yan kahapon ah!
Pero hindi yun ang nakakuha ng atensiyon ko sa harap kung di ang apat na naggwagwapuhan na nilalang na nakaupo doon
Kitang kita ko sila dito sa kinauupuan ko! Pero mga naka side view sila! Pero mahahalata mo na mga gwapo sa ilong pa lang
Si aries na nakaupo sa pinaka gilid sa kanan at katabi niya ang tarantadong nang gulat sa akin kanina at yung fuckboy na nanghingi ng number ko kanina at yung isa na hindi ko kilala
Napatingin na lang ako kay vicky ng marinig na malakas na tumutunog ang cellphone niya
Lahat napatigil sa ginagawa nila at napatingin kay vicky
Tinignan ko ang fuckboy at nakita ko na may hawak siyang cellphone
Hahahahah!!
Number kasi ni vicky ang binigay ko kanina sa kaniya
Yeah! Ang bilis ng karma! Mga dude!!HAHAHAHHA
Tinignan ko ang mukha ng prof namin at umuusok na ang mukha niya
Tinignan ko naman si vicky na natataranta at hindi alam ang gagawin
"the woman with a cellphone! GET OUT!" malakas na sigaw niya. Nalukot naman ang mukha ni vicky at padabog na kinuha ang bag at lumabas
Pffttt......pinipigilan ko ang pagtawa dahil napaka epic ng mukha ni vicky kanina ng lumabas siya
Narinig ko naman ang pagtawa ni bea na parang mangkukulam
Mas pinigilan ko pa ang pagtawa dahil nakakahawa talaga ang pagtawa niya! Hahaha!!
Pati mga classmate namin dito nagpipigil na rin ng tawa dahil sa kaniya
Napatigil lang siya sa pagtawa ng makarinig kami ng napaka tinis na sigaw
"GET OUT!" sigaw na naman ni prof. Natatawang kinuha ni bea ang bag niya at lumabas
Ang daya! Magkakaroon sila ng early dismissal! Tapos ako hindi! Hindi yun makatarungan!
Akmang magpapatuloy na sa pagtuturo ang prof nang nagtaas ako ng kamay
Tinaasan niya ako ng kilay kaya tumayo ako at nginitian siya ng napaka tamis
"maam! Pwede ba akong sumunod sa kanila?" tanong ko sa kaniya, nakita ko naman na umusok ang ilong niya dahil sa galit at namumula na din ang mukha niya
"GET OOOUUUUTTTTTT!!!!!" sigaw niya sa akin
Kinuha ko naman ang bag ko at bago ako lumabas ay nadaanan ko pa ang upuan ni aries
Nakita ko siya na nakangiti habang umiiling uling pero bakas ang kalungkutan sa mga mata niya kaya kinindatan ko siya bago lumabas sa room
Nakita ko ang dalawa na papalayo na kaya agad ko silang tinawag
"hoy! Mga baliw! Hintay!" sigaw ko sa kanila
Liningon nila ako at sinamaan ng tingin bago sila kumaripas ng takbo
Hinabol ko sila hanggang sa makalabas kami sa building
Habang tumatakbo kami ay salita sila ng salita ng mga bagay na walang katuturan pero ako tinatawanan ko lang sila
Napatigil na lang ako sa pagtakbo ng makarinig ako ng hikbi sa kung saan
Hinayaan ko yung dalawang baliw na tumakbo don at pinuntahan ang ingay
I used to ignore those kind of people pero ngayon makikitsimis ako!
"miss?" tawag ko sa kaniya. Nandito siya sa isang sulok kung saan walang taong dadaan, pano ba naman kasi ginawa na ata tong tambakan!
Umupo ako sa tabi niya habang siya pilit na pinupunasan ang mga luhang tumutulo sa mukha niya
"anong pangalan mo?" tanong ko sa kaniya, ilang minuto akong naghintay pero di pa rin niya ako sinasagot
Pinagmasdan ko ang kabuuan niya, nakafitted na pants at white rubber shoes, sa pangitaas naman ay naka simpleng puting t-shirt lang siya pero simple but cute
Dahil na rin siguro sa height niya
maamo din ang mukha niya at talagang nakakaakot ang mga mata niya
"g-galey"
Napatitig ako sa mata niya dahil sa sagot niya
Siya pala si galey, alam ko na kung bakit siya nagustuhan ni aries at siya gusto si aries. Siguro nakarating na sa kaniya ang balita
"HOY! PUTANGINA MO! UNO! TAKBO KAMI NG TAKBO HINDI MO NAMAN PALA KAMI HINAHABOL" napalingon na lang kami sa nagsalita na si vicky na ngayon ay basa na ng pawis at hingal na hingal ganun din si bea
Tumayo ako sa pagkalasalampak sa sahig at pinagpagaan ang pang upo ko bago ko balingan ng tingin si galey
"kung si aries ang iniiyakan mo, tanungin mo muna ang fiancee niya kung anobg set up niyo" kita sa mukha niya ang gulat dahil sa sinabi ko
Bakit?? Hindi niya pa ba alam na may fiancee si aries??
Iniwan ko siyang tulala roon at sumama sa mga baliw kong kaibigan
"hoy! Uno! Sino yun?" umirap lang ako bilang sagot
"wala kang paki" sagot ko at nauna ng maglakad
Kasi akala ko kapag nakita ko si galey ay may makakapa akong galit, akala ko kapag nakita ko siya makikipagplastikan ako sa kaniya pero mali ako. Maybe pwedeng pwede na akong mag move on kay aries kasi nasa mabubuti na siyang kamay
Papatagalin ko lang muna ng konti para naman makasama ko din siya kahit papano

YOU ARE READING
Secretly Showing My Love For You [COMPLETED]
Teen FictionAko na ang nagfirst move, ikaw na ang bahala kung gusto mong magsecond move pero kapag nagsecond move ka magsisimula na akong umasa --------------------- Zup! Guys! Hehehehe basahin nyo na lang po kung trip nyo din po! Hehehe Love you all!! Gob ble...