NATHALIE ZIN'S POV
Linggo ngayon kaya walang pasok pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nandito yung tatlong bugok sa condo ni aries
Complete ang buong tropa at kapag sinabing complete kahit yung sabit nandito
"sinong may gusto ng siopao!" sigaw ni vicky. Lumabas kasi silang dalawa ni gino para daw bumili ng 'snacks' eh hindi naman fries binili
"nasan fries ko?" tanong ko sa kaniya, di pa siya nakakasagot ng lumabas si aries sa kusina at may dalang isang malaking mangkok
"salamat" at nginitian ko siya ng napaka tamis bago ibalik ang tingin sa laptop ko
Nahanap ko na ang mga anak niya pero patay na siya siguro sa mga anak na lang niya ako magpapasalamat? Patay na rin kasi asawa niya eh
black vortex, panganay sa magkakapatid at twenty-two years old. Gray vortex, pangalawa sa magkakapatid at twenty-one years old. Red vortex, pangatlo sa magkakapatid at twenty years old. Azul at blue vortex ang bunso sa magkakapatid pero si blue ang pinaka bunso at eighteen years old
Lahat sila ay tapos na ng high school pero huminto sila at di na nag college at napaka ganda ng pangalan nila ah! Napaka ganda! Sobra! Halatang pinagisipan
"ayoko ng bola-bola! Sawa na ko jan" napatingin ako kay bea ng sabihin niya yun at kinuha yung asado
Natahimik ang buong kwarto dahil sa sinabi niya! Nagpaparinig ang loka! Hahahaha!!
"asadong asado ka naman" nakangisi kong saad at humalakhak dahil sa talim ng tingin niya
Tinigil niya ang pagkain at binato sa akin yung siopao na naiwasan ko naman
"hoy! Wag kayong magkalat dito!" sigaw ni aries pero di ko siya pinansin dahil busy ako! Malapit na!!
Yess!!
Agad akong tumayo kaya lahat sila ay napatigil sa kani-kanilang ginagawa
"san ka pupunta?/san ka?" magkasabay na sabi ni aries at steve
"hahanap ng jowa! Inggit ako" pabalang kong saad at tumawa
Nakarating ako sa destinasyon ko at nasa isang eskinita ako ngayon kung nasaan ang magkakapatid
"NASAN ANG VAN!!?? PUTCHA! SUMAGOT KA!" sigaw ng kung sino
"h-hindi ko alam" nakayukong saad ni black. Nakaluhod na nga sila! Yuyuko pa!
Malalakas sila at may potential kaya bakit nila hinahayaan ang ganito? Meron na ding mga pasa ang mukha at katawan nila na halatang binugbog
"yung van ba? Nasa bahay" sabat ko dahilan para lingunin nila ako
Agad nangilabot ang buong sistema ko ng lumingon sila sa akin
Putcha! Yung mga tingin nila! Nakakatakot! Para silang manggagahasa anumang oras man ngayon
"mukhang meron tayong bagong kakainin mamaya" sabi nung parang leader at nagsitawanan naman sila pero nakita ko yung mga magkakapatid na nginginig na sa galit
"pakawalan mo sila! Kapalit ng malaking halaga!" sigaw ko dahilan para matahimik silaPero di kalaunan ay nagsitawana sila at bahagyang lumapit yung lider nila sakin
"ikaw? Pwede ba?" nginiwian ko siya ng magsimula na naman silang magsitawanan
Ano bang nakakatawa? Ano kayang itsura ko ang tumatakbo sa utak netoh?
"pasensiya na pero hindi ako pwede! Kahit anong halaga! Ibibigay ko kapalit silang apat!" sigaw ko at ayun na ang hudyat para matigil sila sa pagtatawan
YOU ARE READING
Secretly Showing My Love For You [COMPLETED]
Teen FictionAko na ang nagfirst move, ikaw na ang bahala kung gusto mong magsecond move pero kapag nagsecond move ka magsisimula na akong umasa --------------------- Zup! Guys! Hehehehe basahin nyo na lang po kung trip nyo din po! Hehehe Love you all!! Gob ble...