CHAPTER 18

24 2 0
                                    

NATHALIE ZIN'S POV

pagpasok ko sa school na toh ay parang kakaiba ang aura nito

Ibig kong sabihin ganun pa rin naman ang mga estudyante may mga naghaharutan sa gilid, merong couple na naglalambingan, merong mga magtrotropa na nagaasaran, merong mga taong nagbabasa, merong kumakain, merong mga naghahabulan, at meron ding mga naglalaro sa field

Malapit na kasi ang 'sport fest' ng mga college students

Akala ko nga pang high school lang yun eh. Kasi sa dati kong school ay wala namang ganun mga high school students lang ang merong ganun pero dito pati college students meron. Tapos na daw ang sportfest ng mga highschool kaya college students naman daw

Pero ang pinaka nakakainis dun ay ang kalaban ay yung school namin! Kung saan nandon si dos! Kaya hindi ako sasali sa volleyball kasi alam ko naman na mananalo sila kapag nandon si dos kaya sa dance competition na lang ako sasali

Napatigil na lang ako sa paglalalad at sinundan ng tingin yung mga babaeng naguusap

"girl, alam mo na ba na may nagtransfer ulit dito? And take note she's here for her fiancee"

"talaga?"

"yes! At alam mo ba kung sino ang fiancee niya? Si martin!"

Hanggang dun na lang ang narinig ko dahil nakalayo na yung dalawang babae

Bakit ba sa mundo hindi nawawala ang mga tsismosa??

Alam na kaya toh ni bea?

Pumunta ako sa kuta ng mga loko at nakita ko dun si martin na problemado at si steve na tulog

Agad napataas ang kilay ko ng magtama ang mga mata namin ni martin, umupo ako sa paanan ni steve at deretsong tinitigan si martin

Bukas pa dadating yung babaeng tinulungan ko at inaasikaso ko pa yung pagtransfer niya dito

"kamusta?" tanong ko sa kaniya pero sinabunutan lang niya ang sarili niya at hinihilamos ang mukha gamit ang palad niya

"uno. Tulungan mo'ko" yun lang ang sinabi niya sa akin pero ramdam ko na naguguluhan na siya at malaput na siyang umiyak

"cry" at parang magic word ang sinabi ko at nagsimula na siyang umiyak sa harap ko

Pinipigilan niyang humikbi at patuloy na umaagos ang luha sa mukha niya. Daig niya pa yung negosyanteng nalugi dahil sa iyak niya

Kumuha ako ng bote ng alak na nakastock lang sa mini ref nila at binigay sa kaniya

"h-hindi k-ko kayang m-mawala si b-bea sa b-buhay ko" nauutal niyang saad at nagsimula na siyang humikbi

Pupunta kaya toh sa bar mamaya? Sigurado ako na kapag pumunta siya sa bar mamaya ay lalakas ang kita namin

"a-ayoko na" dalawang salita pero ang daming kahulugan

Kinuha ko ang cellphone ko ng maramdamang nag vibrate ito at nakita ko si bea na tumatawag

Nilapag ko sa lamesa ang cellphone at nakita ko ang pagsulyap niya dun at pinigilan niyang umiyak at sinagot ang tawag at ni-loud speaker

[uno! Tulong! Nasira laptop ko!] rinig kong sabi niya at ramdam ko na bugnot na bugnot na siya dahil sa laptop niya

Ayaw niyang palitan ang laptop niya dahil galing pa daw yun sa lola niya

Napatingin ako kay martin ng tumigil siya sa pagiyak at ngayon ay nakangiti na siya habang nakatingin sa cellphone ko

"sige" maiksi kong saad habang nakatingin kay martin na parang tanga na nakatingin sa cellphone ko at nakangiti

Secretly Showing My Love For You [COMPLETED]Where stories live. Discover now