CHAPTER 8

23 1 0
                                    

NATHALIE ZIN'S POV

well as excepted! Nandito kami sa bar
Pero imbes na matuwa ako, naiinis ako

May ari ako ng isang bar at ang chickboy kung pinsan ang hinayaan kong magmanage nito dahil pinilit niya ako

Lahat ng pagaari kong bussness ay laging may pangalang 'numero' dahil sa mga nickname namin

Hindi lang naman kasi ako ang may ari neto pati sila dos at thres kaya napagdesyunan namin na lagyan ng 'numero' sa umpisa

Malaki ang bussiness nila mama at papa pero gusto namin na may sarili kaming pera. Yung hindi kami aasa sa kanila pero i know kapag nakagraduate na ako. Ako na ang magmamanage ng bussiness namin

At ang laking sakit sa ulo nun! Dahil sobrang laki ng hahawakan ko!

Pero may plano na ako para jan

At isa pa. Malapit ng magbukas ang internet cafe na pinapatayo naming magkakapatid at siyempre ang pangalan ng cafe na yun ay 'numero's cafe' .

Napatingin na lang ako kila vicky at bea na ngayon ay lasing na lasing na at mga wala na sa sarili

"puchangina niya! Mahal daw niya ako tapos *hik* nakikipaghalikan siya iba! Gago siya!" sabi ni bea tapos patuloy na naman sa pagagos ang luha niya

Napatawa na lang ako ng wala sa oras ng marinig ko ang tawa ni bea

Napatigil na lang kami sa pagtawa ng makarinig kami ng gulo galing sa baba

Nasa secondo floor kami at nasa ibaba sa gitna naman ang dance floor talos napapalibutan yun ng mga upuan na good for six people

Dito naman sa taas ay ganun din. Si dos ang nag desenyo dito kaya para sa akin okay lang

Agad akong pumunta sa may railings para makita ang mga nangyayare

And there nakita ko si dos sa baba na nakaupo lang dun at pinapanood niya ang mga lalaki sa harap niya na nagrarambulan

Dalawang gwapo ang nagaaway sa harap nila para sa kaibigan niyang si andrea

Yup! Kilala namin ang friends ng isat isa dahil wala kaming tinatagong sikreto sa isat isa

Napailing na lang ako sa nakita

Haba ng hair niya! Pinagaagawan siya ng dalawang naggwagwapuhang nilalang!

Bumalik ako sa pagkakaupo at nagulat na lang ako ng biglang sumulpot sa kung saan si steve na akala mo kabuti!

"ano ka ba! Bakit ka ba naggugulat!" sigaw ko sa kaniya. Tumawa lang siya at tinungga ang alak sa harap niya

Shit! Indrect kiss yun!

"hehe, ayaw kasi papasukin sila gino at martin dito sa loob kaya sinamahan sila ni aries sa labas kasi baka daw magwala daw sila" sabi niya at muling tumungga ng alak

Napangiti na lang ako nang wala sa oras dahil sa narinig. Mukhang magaling ang bouncer na kinuha ko

Mabilis kong tinungga ang isang bote ng alak

Mataas ang alchohol tolerance ko kaya hindi ako madaling malasing

Pagkaubos ko ng alchohol ay agad akong bumaling ng tingin kila bea at vicky hanggang ngayon ay parang mga tangang naguusap ng kung ano ano na wala namang katuturan

"hoy! Kayong dalawa gusto niyong makita at bugbugin ang mga taong nanakit sa damdamin niyo?" tanong ko sa kanila

Nagulat na lang ako ng biglang hampasin ni bea ang lamesa at tumayo

"oo! Taposh! Ikikishkish ko yung mukha niya shemento para dumugo ngusho niya!" at tuwa siya ng mala demonyo at bumalik na uli siya sa pagkakaupo at muling kinausap ang bote

Oh—kay??

Napatingin na kang ako kay vicky ng tumawa siya ng parang baliw

"taposh ipaparape ko siya sa mga tropa nating bakla! Taposh puputulin ko kinabukasan niya!" at tumawa din siya na parang mangkukulam bago kausapin ang baso

Napatingin na lang ako kay steve na ngayon ay nakangiwi na habang nakatingin sa kanila

Wala sa sariling napabuntong hininga ako

"uy! Steve wag mo hayaang may makalapit na iba jan na lalaki kundi ako ang puputol sa kaligayahan mo!" at hindi ko na siya hinyaang magsalita pa at agad na tinungo ang pinto palabas ng bar

Pagkalabas ko ng bar ay agad kong nakita sila gino at martin na wala sa sarili at si aries na nakatingin sa kawalan

Lq?

Agad akong tumikhim para makuha ang atensiyon nila at nangyare nga

"kailangan niyo?" masungit kung tanong sa kanila

Aba siyempre dapat ko silang sungitan! Sinaktan nila ang kaibigan ko! Kaya dont expect me na welcome them with open arms!

"please! Let as in! Gusto kong makausap si bea! I can explain!" sabi sa akin ni martin. O—kay?? Halatang frustrate na frustrate na siya

Akmang magsasalita na ako ng makarinig ako ng bukas ng pinto and there lumabas ang mga babaeng mahal daw nila pero nagawang magpakasaya sa kandungan ng iba

"anong ginawa niyo dito!? Mga puchangina ninyo! Shinaktan mo yung feeling niya! Ipapalapa ko talga kayo sa mga bakla!" sigaw ni bea sa kanila

Kita ko naman ang pagngiwi nila dahil sa ayos nila bea at vicky

Mukha naman kasi silang nirape dahil sa ayos nila

Sabog ang buhok, gusot ang damit at hindi tuwid ang lakad! At di lang yun! Dahil sa iyak sila ng iyak kanina kaya ang haggard ng nga itsura nila

Ilang oras na ba silang umiiyak? Sa pagkakaalam ko nagcutting kami kaya mahigit pitong oras na silang ngumangawa

Bigla na lang natumba si vicky dala siguro ng kalasingan

At kung hindi lang talaga ganito ang sitwasyon namin ngayon siguro kanina pa ako tawa ng tawa

Agad siyang dinaluhan ni gino at dinala sa sasakyan niya at humarurot paalis

Ayun! Kinidnap niya na!

Napatingin na lang ako kay bea at martin ng makitang binuhat na parang sako ni martin si bea at dinala sa sasakyan niya at humarurot paalis

Kaming tatlo na lang ang natitira kaya agad akong bumuntong hininga at pumunta sa motor ko

Pero bago ako makasakay sa motor ko ay may nakita akong van na basag ang bintana

"nabasag ni martin kanina kasi nagwala siya" sabi ni aries

"tinatanong?" sarkastiko kong balik sa kaniya

Hindi pa din kami bati dahil inubos niya yung fries ko!

Napatingin ako kay steve na ngayon ay nakatingin sa akin

Tinaasan ko siy ng kilay

"bakit?"

"diba uminom ka?" tanong niya sa akin na agad ki namang tinanguan

"bakit magdridrive ka pa ng motor? Baka mapano ka" sabi niya sa akin

Kikiligin na ba dapat ako??

Nagkibit balikat na lang ako at agad na pinaharurot ang motor pauwi

Secretly Showing My Love For You [COMPLETED]Where stories live. Discover now