CHAPTER 17

23 1 0
                                    

NATHALIE ZIN'S POV

napatingin ako sa pinto ng marinig na bumukas iyon

At pumasok ang lasing na si aries

Ngumiti pa siya ng makita ako at pagewang gewang na lumapit sa akin

Pagkatapos ng nangyari kanina sa bar ay umuwi na kami ni steve habang nagkwekwento siya ng mga nakakatawang bagay

Binilhan niya pa nga aki ng maraming fries. Peace offering daw niya sa paghalik kay dos

Nanigas ako sa kinauupuan ko ng biglang humiga si aries sa hita ko

Tumingin ako sa kaniya at nakita ko siya na nakangiti habang nakahiga ang ulo sa hita ko

"u-umalis ka nga!"sigaw ko at tinulak siya pero ayaw niyang magpatinag

"a-anong g-ginawa niyo ni steve?" inaantok niyang saad at bahagya na kang nakamulat

Mahina pala tong iminom?

"wala" malumanay kong saad at sinumulan ko ng haplusin ang buhok niya. Kita ko naman na nagsisimula na siyang matulog kaya pinagpatuloy ko na lang ang paghaplos sa buhok niya

Like we used to do when we're kids

Mapait na napangiti ako sa mga alaalang nagsimulang bumalik sa akin

Sana maulit

Napatingin ako kay aries ng hawakan niya ang mukha ko

Nagulat na lang ako ng maglapat ang mga labi namin

Sobrang bilis ng puso ko at parang ang daming kabayo na naghahabulan sa dibdib ko

Nang magbitaw ang mga labi namin ay namumula akong tumingin sa kaniya na ngayon ay plakda na talaga

Pero naglaho ang kasiyahan na unti unting nabubuo sa loob ko ng marinig ko ang pangalan na sinabi niya

"g-galey..."

Dahan dahan kong inalis ang ulo niya sa hita ko at kumuha ng kumot para sa kaniya bago ako pumunta sa kwarto

Naligo ako at habang naliligo ako ay ang pagagos ng luha ko kasi kahit na anong gawin ko siya pa rin. Siya pa rin

Gumawa na ako ng paraan pero siya pa rin, i guess im late?


















Isang buwan na ang nakakalipas simula ng gabing yun at pag gising niya nun ay wala siyang maalala dala ng kalasingan

Nakasakay ako sa motor ko para tignan ang cafe na pinapatayo ko malapit sa university namin

Malapit ng mag gabi at napagdesisyunan ko na dun na lang matulog sa cafe kaya may dala akong konting gamit

Nagulat na lang ako at muntik na akong maaksidente ng bigla na lang babaeng tumawid kaya agad akong napaiwas

Natumba ang motor ko at tumilapon pa ako

Napadaing na lang ako ng sinubukan kong umupo

Putcha! Sakit ng balakang ko!

Kahit na masakit ay pinilit kong makatayo at nilapitan yung babae

"miss? Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya, bahagya naman siyang tumango at pinupunasan yung luha niya

At dun ko lang napansin na meron siyang dalang mga gamit at nagmamadaling umalis

Naglayas ba toh?

Tinulungan ko siyang makatayo at kinuha yung mga bag niya

Meron siyang dalang tatlong bag at hula ko ay yung isa ay para sa school niya at yung dalawa ay mga damit niya

Meron din siyang dalang camera

Tinignan ko siya at ng magtama ang mga mata namin ay nanlaki ang mata niya

"n-nathalia" mahina niyang bulong na ikinatawa ko

Seriously? Nathalia? Mas maganda ako kay dos

Hinila ko siya papunta sa motor ko at tinayo ko ito bago ako magunat unat

Masakit pa din balakang ko

Nang sa tingin ko ay okay na ako ay sumakay ako sa motor ko binigay sa kaniya yung helmet ko na suot ko kanina

Buti nga nakahelmet ako kundi siguro ay hilo hilo na ako ngayon

Nagdadalawang isip pa siyang sumakay pero sa huli ay sumakay pa din siya

Ramdam ko ang pagtataka niya at ang panginginig niya at ang mga pagsinghot singhot niya

Nakarating kami sa cafe at masasabi kong maganda ang pagkakagawa

Pwedeng pwede ng buksan toh pero wala pa akong tauhan na mamahala dito

Binuksan ko ang ilaw at nilock ang pinto. Glass door ang pinto pero okay lang dahil alam ko naman na walang makakapasok diyan dahio bullet proof ang ginamit na salamin

Ang cafe na toh ay hindi ordinaryong cafe lang dahil internet cafe toh at merong mga minie room kung gusto ng mga costumer na 'private' at sinugurado ko din na sound proof ang mga kwarto pero siyempre may bayad yung kuwarto at kung ayaw mong magbayad dun ka sa lamesa mag aral at siyempre hindi ka puwedeng magkaroon ng access sa internet kung hindi ka naman mag-oorder ng pagkain at may bayad din ang internet, siyempre kung walang bayad yun ay sigurado ako na hindi kikita ang cafe ko

Pero sinigurado ko naman na abot kaya ang presyo

Binuksan ko ang aircon sa buong cafe para malamig

Pumunta ako sa table kung saan nakaupo yung babae at nilapag ang kape na tinimpla ko

"pangalan mo?" tanong ko sa kaniya habang tinatanggal ang contact lense ko

"a-ah m-maureen diaz" sabi niya at humigop sa kape na tinimpla ko kita ko ang bahagya niyang pagtango

Siyempre masarap talaga yan dahil cofee maker ang may gawa niyan

"a-ahh maam nathalia? B-bakit niyo po ako d-dinala dito?" nauutal niyang saad na ikinatawa ko

Tingin niya talaga ako sa dos? Mas maganda naman ako dun!

"bakit ka naglayas?" iniba ko yung usapan baka mamaya hindi ko siya matantya dahil sa pagtawag niya sa akin ng nathalia

Hindi siya nagsalita kaya bumuntong hininga ako at sinuot ang salamin ko bago sumandal sa upuan

"kung ayaw mong sagutin wag mong sagutin. Eto na lang ang sagutin mo, may mauuwian ka pa ba?" umiling naman siya bilang sagot

"i'll help you, bibigyan kita ng trabaho, schoolarship, tirahan at pera" sabi ko at uminom ng kape, kita ko naman na natigilan siya at napatingin sa akin

"h-huh?" sabi niya at bahagyang huminga ng malalim "at anong kapalit?"

Napangisi naman ako dahil sa kaniya, matalino siyang bata "loyalty" tipid kong sagot at inubos ang kape ko

Gusto ko pa ng kape!

"game" napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya yun "may tiwala ako po ako sayo maam nathalia" pero ngayon napairap na lang ako sa kaniya

Here we go again! Nathalia na naman!

"can you please stop calling me nathalia, mas maganda ako sa kaniya, okay?" sabi ko at dumeretso sa opisina ko dahil may kama dun

Bahala siya jan! Alam ko naman na hindi aalis yun dahil wala siyang mapupuntahan

At kailangan ko din siya dahil alam kong magaling siyang kumuha ng litrato dahil sa hindi ko malamang dahilan

Secretly Showing My Love For You [COMPLETED]Where stories live. Discover now