NATHALIE ZIN'S POV
another night ulit sa ospital at kating kati na akong lumabas dito
Ayoko kasi ng amoy ng ospital
Nandito na naman ako sa kwarto habang nag iiscroll na naman sa fb tapos katabi ko si aries na nanonood ng basketball sa tv
Maganda kasi yung pwesto ng kama ko kasi kitang kita yung tv kaya tumabi siya sa akin dito
"aries pasandal ah?" tanong ko at sumandal sa balikat niya, nangangawit na leeg ko eh
Maya maya lang ay humagalpak na ako ng tawa dahil sa mga napapanood ko
Naka earphones kasi ako kaya hindi naririnig ni aries yung mga sinasabi dun sa napapanood ko
Nang makabawi na ako sa kakatawa ay tinggal ko yung headset ko at humarap kay aries
"aries, kunan mo ko ubas" utos ko sa kaniya na agad niya din namang sinunod
Pagkabalik niya ay agad kong kinuha ang lalagyanan at bumalik sa dati naming mga pwesto
"aries? Kung ikukumpara mo ako sa isang bagay? Ano yun??" tanong ko at mas humilig sa balikat niya
"uhmmm..sa isang bagay??.....sa tingin ko...sa isang lubid?" ilang segundo ako natigilan dahil sa sinabi niya. Nang makabawi ako ay bumangon ako at humarap sa kaniya
"b-bakit lubid??"
Naalala niya na kaya? May naalala kaya siya??
"kasi ikaw yung laging nakakapitan nila kapag may problema sila. Actually namin, lagi kang nandiyan kapag kailangan ka namin. Isa kang matibay na lubid" sabi niya at tumawa "atyaka dahil na din sa pangalan mo, na-ta-li" napasimangot na lang ako sa sinabi niya pero siya humagalpakpa ng tawa
"tatawa na ba dapat ako jan?" sarkastiko kong saad na ikinatawa niya
"eh ikaw anong bagay maihahalintulad mo sa akin?" tanong niya at ngumiti
"isa kang bituin"
"bakit bituin?"
Ngumiti ako sa kaniya ng ubod ng tamis
"kasi ang sarap mong pagmasdan" saad ko at tumawa
Iba kasi pumapasok sa isip ko! Isa siyang fries! Isang malaking fries!
"tsk...ang panget naman ng dahilan mo!" naiinis niyang saad at bumaba ng kama para kumuha ng panibagong ubas, ubos na kasi eh
"buti nga hindi berde eh!"
"huh? Berde??" saad niya at kumain ng ubas bago ibigay sa akin
"oo! Kasi yung pangalan mo" saad ko at kumain na ng kumain ng ubas
Pero siya mukhang hindi niya pa din nagegets, tsk....di siguro toh mahilig sa palabas
"loko ka! Timothy green ang puta" saad niya kaya tinawanan ko lang siya dahil ang tagal niya bago makuha
Paborito niya pa namanng palabas yun
Naupo siya ulit sa kama at pinagpatuloy ang panonood samantalang ako ay nageefb ulit
Wala akong magawa eh! Pake niyo ba!
"sino yung first kiss mo?" napalingon ako sa kaniya dahil sa tanong niya pero agad din akong nagiwas dahil ang lapit niyaRamdam ko din ang pagiinit ng pisngi ko dahil dun
Toooo cloooooseee!!!!!
"h-huh? Hindi ko na m-maalala" nauutal kong saad na ikinainis ko
YOU ARE READING
Secretly Showing My Love For You [COMPLETED]
Fiksi RemajaAko na ang nagfirst move, ikaw na ang bahala kung gusto mong magsecond move pero kapag nagsecond move ka magsisimula na akong umasa --------------------- Zup! Guys! Hehehehe basahin nyo na lang po kung trip nyo din po! Hehehe Love you all!! Gob ble...