CHAPTER 15

21 1 0
                                    

NATHALIE ZIN'S POV

namimili ako damit para kay galey sa department store habang siya ay nakatungo lang at nakasunod sa akin

"eto. Suotin mo toh" bigay ko sa kaniya sa isang purple na dress na above the knee ang sukat at parang polo ang style pero alam kong makikita ang hubog ng katawan niya

Nahihiya niyang kinuha ang damit at pumunta sa dressing room

Umikot pa ako sa mall at there i saw something nice! Nakita ko si dos! Na may kasamang gwapong nilalang

Nag cutting dun siya! Bwhahahaha

Agad ko siyang kinuhanan ng litrato at pinadala sa kaniya

Kita ko naman na kinuha niya ang cellphone niya at ang panlalaki ng mata niya. Tumingin siya sa derection ko at pinanlalakihan ako ng mata

Nang aasar na kinaway ko sa kaniya ang litrato niya ang cellphone ko at nginuso ko yung lalaking kasama niya na ngayon ay nagbabayad na sa counter

From:dossy pussy

Putangina ka! Tigilan mo'ko!

Natawa ako sa text niya dahil parang ayaw niya ipaalam na may kambal siya

To: dossy pussy

Baket? May ginagawa ba ako?

Kita ko naman na nanggigil siya na nakatingin sa cellphone niya at mas natawa ako ng sinilid niya ang cellphone sa bag niya at agad na hinila paalis yung lalaking kasama niya

Napatingin ako kay galey na ngayon ay nagtataka na nakatingin sa akin

"o-okay ka lang?" bakit ba siya nauutal pag kasama ako?

"oo. Akin na yung damit babayaran ko na" sabi ko sa kaniya pero kita ko ang paghigpit ng kapit niya sa damit na parang ayaw niya kaya ngumiti ako sa kaniya at sapilitang kinuha ang damit at dumeretsosa counter

Pag dating ko sa counter ay kita ko na naguguluhan na nakatingin sa akin ang babae pero ngitian ko lang siya at ginawa ang trabaho niya

Pagkabayad ko sa damit ay agad kong hinila paalis si galey

Nakarating kami sa apartment na tinitirhan niya at ang ganda ng pagkakaayos neto, dahil kahit na simple lang ay nagawa niyang pagandahin ang apartment niya gamit ang nga halaman. Nakakarelax

Agad akong umupo sa sofa pero naagaw ng pansin ko ang mga libro niya! Mga romance!

"a-ahmmm a-anong gusto mo? Kape? Gatas? Juice? Tubig?" tanong niya kaya nginitian ko lang siya at umiling

Napakamot lang siya sa batok niya at dumeretso sa banyo para maligo

Humiga na lang ako sa sofa niya at pumikit

Di pa sapat tulog ko

Pero napatingin na lang ako sa cellphone ko ng mag text si steve

From: minecraft

Nasan ka na? Hinahanap ka ni prof!

Napakunot na lang ako sa noo ko. Kailan pa ako hinanap ni prof?

To: minecraft

Nasa langit ako! Nagkakape

Sabi ko at agad na pinatay ang cellphone at bumalik sa pagtulog pero wala pang ilang minuto ng magtext na naman siya

From: minecraft

Baliw ka na ba!? Gusto mo bang bumagsak!? Ilang araw kang absent tapos magii-skip ka ng klase! Nahihibang ka na ba!!???

Di ko na lang sinagot ang text niya at pinatay ang phone ko

Nagpatuloy na lang ako sa pagtulog pero wala oang ilang minuto ng may tumawag sa pangalan ko

"u-uno.....uno...gising na" napadilat ako at agad na napaayos ng upo ng marinig mo ang bosses ni galey

Suot na niya ang damit na binigay ko at nakaayos na ulit siya. Mas lumitaw ang kagandahan niya dahil sa kulay ng damit niya

Ngumiti ako sa kaniya at nauna nang lumabas

Pag tapat ko sa motor ko ay naginat inat pa ako ng ilang sandali bago ko iyon binuksan

Hayss...kailan ko na ng tulog!!

Mabilis kaming nakarating sa school ulit at gulo gulo na ang buhok namin ni galey

Sabay pa kaming natawa ng makita ang mga mukha namin

"ayusin mo nga mukha mo sabog ka na naman" sabi niya sakin habang nakangiti

Sinuklay ko naman ang buhok ko gamit ang kamay ko at naunang pumasok sa loob

Walang sagabal sa akin ngayon dahil naka-contact lense ako

Minsan nakasalamin ako pero mas madalas naka salamin ako

Malabo na kasi talaga ang mata ko, kapag wala akong suot na lense o di kaya ay salamin ay medyo malabo ang nakikita ko. Hindi pala medyo dahil malabo na talaga

Napabuntong hininga na lang ako ng maalala kung bakit ako nagkaganito

Napatingin ako kay galey ng huminto siya sa paglalakad

"uno. Si aries?" ngumiti ako ng mapait sa kaniya at alam ko na hindi niya yun makikita dahil nakayuko siya at pinaglalaruan niya ang laylayan ng damit niya

"wag ka mag-alala wala akong planong mapasakin ulit siya dahil alam kong nasa mabuti na siyang kalagayan" sabi ko dahilan para tignan niya ako na nagtataka

"a-anong ibig mong sabihin?" tanong niya at kita ko sa mata niya ang sakit, pagtataka, at selos

Nagkibit balikat lang ako sa kaniya at binigyan siya ng ngiting totoo na nagsasabing 'wala kang dapat ipagalala' bago ako tuluyang tumalikod at dumeretso sa building namin

Pagdating ko sa pinto ay hindi ko pa nabubuksan iyon ng sumakit ang mata ko

Napabuntong hininga ako at nagpasya na pumunta na lang ng garden kung saan kami unang nagkita ni martin dahil alam kong walang makakagulo sa akin dun

Umakyat ako sa pinaka matibay na sanga ng puno doon at inalis ang contact lense ko bago matulog

At nilagay yun sa lalagyanan na nasa bulsa ko

Nasa bag ko kasi yung salamin ko eh kaso naiwan ko sa cafeteria yun at cellphone, wallet, at yung lalagyanan lang ng lense ko yung dala ko sa bulsa ko

Hindi ako makatulog dito sa taas kaya napagdesisyunan ko na lang nasa damuhan matulog

Pero muntik na akong maaksidente dahil malabo yung nakikita ko kaya napagdesisyunan ko na lang na mahiga sa damuhan na binagsakan ko at maya maya lanv ay dinalaw na ako ng antok

Secretly Showing My Love For You [COMPLETED]Where stories live. Discover now