CHAPTER 32

22 1 0
                                    

TIMMOTHY ARIES POV

five years, five years had past pero hindi pa rin namin nakikitang muli ang pamilya nila uno

Kahit yung mga schoolar nila ay hindi na namin muling nakita pa

Simula nung araw na nawala si uno at ang pamilya niya ay marami ng nagbago—bigalang nawala sila vicky at bea, ang pagtigil ng kasal nila martin at ela, ang buong paligid, ang buong samahan naming magkakaibigan at higit sa lahat ramdam ko ang pagbabago sa sarili ko

Simula nung araw na yun ramdam ko na parang may kulang....wala ng gigising sa akin sa umaga para paglutuan siya ng fries, wala ng mangungulit sa akin na bilhan siya ng fries at higit sa lahat parang nawalan na ako ng kaibigan na lagi naming matatakbuhan kapag may problema kami—dahil wala na si uno....wala na ang babaeng numero unong nagpapasakit sa mga ulo namin pero lagi kaming nililibre ng alak

Napabuntong hininga ako at niluwagan ang necktie ko

Ako na ang humahawak ng negosyo ng pamilya namin at hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung pano kami nagkaroon ng malaking utang sa mga villareal

Agad akong humiga sa kama at pumikit dahil sa matinding pagod

"your late, what takes you so long?" agad akong napadilat at agad na bumangon ng marinig ang pamilyar na boses

Nagpalinga linga ako sa buong kwarto pero hindi ko siya makita dahil madilim

Binuksan ko ang ilaw and there i saw her, sitting on the window like a queen in her throne

Napabuntong hininga ako ng mapagtantong hindi siya yun. Thres

Kaya ko nakilala na siya si thres dahil sa mahaba niyang buhok at itim na itim na mga mata, hindi sila parehas ni uno

"anong kailangan mo?" tanong ko pero binaliwa niya ako at sa halip ay humiga siya sa kama at pumikit

Boss lang??

"ano nga ang kai—"

"—gusto mo malaman ang totoo?" natigilan ako sa sinabi niya. Oo, gusto ko malaman ang totoo dahil habang tumatagal ay padami ng padami ang katanungan sa utak ko at hindi ko alam kung saan magsisimula para masagutan lahat ng tanong na yun

"alam mo bang lapitin ka sa gulo?" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Kailan man hindi ako nasasabit sa gulo dahil lagi ko yung natatakasan

"wala akong kaaway"

"talaga?"

Natahimik ako, hindi naman kasi ako sigurado kung may nakaaway ako. Oo, aaminin ko minsan nakikipagrambulan ako pero wala sa kanila ang binalikan ako kaya sigurado ako na hindi ko sila kaaway?...ata?

"tsk...alam mo bang muntik ka ng mamatay?" saad niya at bumangon at pumunta sa mga bookshelves ko at kumuha ng libro at binuklat na tila nagbabasa

"three years ago, nagising si uno at after a week or two umuwi siya ng pilipinas para balikan kayo, kaso..." saad niya at sinarado ang libro at binalik sa lalagyanan bago ako harapin at mapait siyang ngumiti

"kaso....n-niligtas ka na naman niya para lang m-mabuhay ka" saad niya at nagsimula ng pumatak ang mga luha niya na agad din naman niyang pinupunasan

Natigilan ako dahil sa sinabi niya at nagsimula ng kumabog ang dibdib ko sa sobrang kaba. Niligtas niya ako? Para mabuhay ako? T-tapos...n-namatay ba s-siya??

Pinilig ko ang ulo ko para maalis sa utak ko ang mga pumasok sa isip ko. Hindi! Hindi pa siya patay! Malakas siya! Alam ko yun! Dahil ramdam ko!

Nahilamos ko ang palad ko sa mukha ko at umupo sa kama ko at pinatong ang siko ko sa tuhod at tinakpan ang mukha ko

"s-she died peacefully y-yesterday. S-sumuko na siya, masiyado ng madami ang pinagdaanan niya d-dahil m-minahal ka niya" tinanggal ko ang kamay ko sa mukha ko at nakita ko siya sa may pinto, papaalis na pero bago siya umalis ay humarap siya sa akin at ngumiti "sana maging masaya ka na, namatay ang kapatid ko dahil minahal ka niya, her last word before she die is not for us aries, its for you"  and with that naiwan ako sa kwarto na tulala at umiiyak

Uno. Im sorry

Secretly Showing My Love For You [COMPLETED]Where stories live. Discover now